Thank you for adding this story in your library. Beware of typographical and grammatical errors.
MALVINE sighed heavily as she roamed her eyes around the coffee shop. Hinihintay niya ang kanyang nakakatandang kapatid na si Janine Pangilinan. Tinawagan siya ng kanyang Ate kanina na gusto raw nitong makipag-usap sa kanya, kaya walang dalawang isip na nagpunta siya agad sa isang sikat na coffee shop sa Makati kung saan gusto nitong makipagkita.
Ang usapan nila ay dadating ito ng alas nuwebe, at twenty-minutes na ang dumaan ay wala pa rin ito. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin ng kanyang kapatid. Malimit lamang silang nagkikita, isang beses sa isang buwan. Iba ang pamilya nito at pati na rin siya.
They had the same fathers, but different mothers. Malvine was a product of infedility while Janine was the legal child. Hindi niya nakikita simula pa noon ang kanyang ama dahil nakatutok lamang ito sa negosyo at sa legal na pamilya. She never knew the story of her mother and father. Ayaw iyong e-kwento ni Nanay Maria sa kanya. Ang tangi niya lang alam ay anak siya sa labas at walang kinikilalang ama.
Ang ipinagpasalamat niya lang sa sitwasyon ay tanggap siya ng kanyang Ate Janine. Ito pa ang unang lumapit sa kanya at ipinakilala ang kanilang ama kahit sa picture lang. Naging masaya si Malvine sa panahong iyon. Wala rin siyang balak na panghimasukan ang buhay ng mga Pangilinan.
Ilang taon pa lang niyang kilala ang kapatid at masasabi niyang sobrang bait nito. Sampung taon ang agwat ng edad nila. She was eighteen and her sister was twenty-eight. Pero mas bata pa ring tingnan ang kapatid niya sa edad nito.
Sapat na kay Malvine ang mga simpleng bagay gaya nito. Nagkikita sila ng kapatid para magkumustahan.
Bumuntong-hininga siya. Lumingon sa entrance ng coffee shop. Agaran ang pagngiti niya nang pumasok si Ate Janine. Her sister was wearing a maong jeans and a maroon off shoulder crop top. Dumagdag sa kagandahan nito ang mapupulang labi, at bagsak na mahabang buhok. Her sister was really gorgeous. Namamangha siya dahil alam na alam talaga nito kung paano alagaan ang sarili.
Ate Janine went straight to her. Nagngitian sila nang makalapit ito at umupo sa harapang silya.
"Hi, Malv. Kumusta?" masayang bati nito sa kanya.
"Magandang umaga, Ate. Maayos naman po ako. Kayo po?" malambing niyang tugon. She was still in awe with her sister's beauty. Sigurado siyang maraming nagkakandarapa sa kapatid niya.
"I'm getting married next month," masayang anunsiyo nito at bumahid sa kanya ang pagkagulat. Wala siyang alam na may nobyo pala ang kapatid. Kitang-kita ang excitement at kilig sa mga mata nito. "And I want you to be one of my bridesmaids."
Nag-alinlangan agad siya sa sinabi nito. Kung ganoon, makikita niya ang Papa Ricky nila at ang pamilyang Pangilinan. Alam niyang hindi siya tanggap ng pamilyang iyon. Anak lamang siya sa labas, at isang kahihiyan kung pupunta pa siya doon.
Umiling siya sa sinabi ng kanyang Ate Janine. Ngumiti ito sa kanya, hinawakan ang mga kamay niya sa ibabaw ng mesa. "It's okay, Malvine. Sinabi ko na kay Mommy at Daddy na imbitahan ka. Medyo nag-alinlangan sila, pero pumayag naman kalaunan nang kumbinsihin ko. Oras na siguro para mag-meet kayo ni Daddy at ni Kuya Yves."
Si Kuya Yves ang isa pa nilang kapatid na lalaki. Tatlong taon daw ang tanda nito kay Ate Janine.
Bumilis ang tibok ng puso niya, iniisip pa lang na magkikita sila ng Papa niya at panganay nilang kapatid. There was doubt in her. Tanggap ba siya ng ama?
BINABASA MO ANG
Wild Touch (Hacienda Alegre Series #1)
RomanceHacienda Alegre Series 1 "Your touch healed by broken heart..." __ Malvine was an ex-OFW who came back to the Philippines to reach her dream of becoming a teacher. Nagtrabaho talaga siya sa Amerika bilang nanny para matulungan ang pamilya at makapag...