Unedited.
__
MALVINE moaned as the sensation of a kiss lingered every inch of her body. Damang-dama niya ang malambot na mga labi ni Greco. She was out of breathe because he was kissing her senselessly. Kahit hindi pa ganoon natuto si Malvine ay tumutugon lamang siya sa bawat galaw ng binata.Then, he stopped kissing her. Dumako iyon sa kanyang noo saka niya narinig ang nakakapanindig balahibo nitong halakhak. "Wake up, sunshine. Your prince charming already kissed you."
At doon siya napadilat ng wagas. Muntikan nang magkabangga ang ulo nila ni Greco dahil bigla lamang siyang bumangon. "Sir!" sigaw niya, namimilog ang mata.
Amusement was shown on his handsome face, walking backwards. Napakagwapo talaga ng amo niya sa malapitan. The sexy lips was delectable to look at. Saksi ang mga labi niya kung gaano iyon kasarap kagabi. Shit! Tunog malandi ang gaga. Matangos pa ang ilong nito. She didn't if Greco was half foreigner but she guessed, she wasn't. Pilipinong-pilipino ito pero napakalakas ng sex appeal. Kahit sinong babae, napapalingon sa binata. The head turner one.
"Ako nga. Gulat na gulat ka, ah," nasisiyahan pa ito dahil sa reaksiyon niya. Like the usual day she and Gray woke up, masaya ang lalaki. Pero baka namamalikmata lamang siya dahil iba ang saya sa mga mata nito ngayon.
"Hindi ko inaasahan ang ginawa mo."
"Hindi ko rin inaasahan ang ginawa mo kagabi. I was just returning the favor."
Doon rumihestro sa kanya ang lahat ng ginawa niya kagabi. Uminit ng sobra ang mukha ni Malvine. Gusto niyang pukpukin ang ulo niya saka matulog na lang ulit at hindi na muna magpakita sa binata.
Damn, Malvine! Hindi mo na lang talaga aminin na gusto mo siya kaya mo iyon ginawa!
"Malvine..."
"Po?" Kumurap si Malvine kaya naalala niya rin ang pagtulog niya sa bisig ng lalaki habang yakap yakap siya nito. She had fell asleep in his chest last night. Ibig sabihin ba 'non, kinarga siya ng binata patungo rito sa kwarto nila ni Gray?!
"Be ready, baby. The sun is up already. Marami pa tayong magagawa ngayon," bago pa siya makapag-protesta ay isang halik na naman ang ginawa nito sa kanya.
Lumunok siya. Hindi maiwasan ni Malvine ang lihim na kiligin.
"Si Gray?" doon lamang niya namalayan na wala na ang bata sa kanyang tabi.
"Hiniram ni Diego. Gustong makita ni Gray ang sunrise kaya isinama ng kaibigan ko sa dagat. Diego loves to see the sunsire. Kapag nandito sa hacienda ay iyon ang ginagawa niya araw araw," paliwanag nito, mariin ang titig sa kanya.
Tumango siya ng marahan. Babangon na sana siya ng biglang umupo sa gilid niya ang binata. Diyos ko! Ano ba ang ginawa ko kagabi?
"And for the both of us, let's talk about your offer last night." Doon siya napapikit kaya narinig niya ang tawa ni Greco. "Umaatras ka na ba, Ms. Camerino?" Gusto na talagang makahinga ni Malvine nang maayos.
Kagabi pa siya nawawalan ng hangin. Pero sino ba kasi niloloko niya, gusto niya ang binata. Malandi na kung malandi. O kung ano man ang tawag sa bagay na ito. She just wanted to experience this moment with him. Alam niyang hindi siya mamahalin nito kaya walang problema kapag nakabalik na sila ng Maynila, para lang walang nangyari.
What will happen in Hacienda Alegre, stays in Hacienda Alegre.
"Sino ang umaatras, Sir? Let's talk about it in our breakfast." Lumawak ang ngiti ng binata, saka pinisil ang matambok niyang pisngi.
BINABASA MO ANG
Wild Touch (Hacienda Alegre Series #1)
RomanceHacienda Alegre Series 1 "Your touch healed by broken heart..." __ Malvine was an ex-OFW who came back to the Philippines to reach her dream of becoming a teacher. Nagtrabaho talaga siya sa Amerika bilang nanny para matulungan ang pamilya at makapag...