Chapter 39

1.4K 97 28
                                    

Frances' POV

Breakfast.

Katabi ko ngayon si Jaydee.

"Oo nga pala Jaydee, nabalitaan ko yung nangyari sa Mommy ni Marcus. How is he na pala?." Tanong ni Karla.

"Ba't parang di ko ata alam to. What happened to Tita?." Tanong ko tila naguguluhan.

"Patay na sya Frances. Nastroke sya kahapon. Kawawa naman sina Marcus." Paliwanag ni Karla. That explains it. Jaydee was with Marcus yesterday.

I walked out pero sinundan ako ni Jaydee.

"Frances, ano ba?. Teka lang. Hayaan mo naman muna akong magpaliwanag--"

Tumigil ako at humarap sa kanya.

"Explain what?!. Alam mo Jaydee, sa lahat ng ayoko, pinakayoko ang sinungaling!. So you're with him yesterday, ano pa?! Ano pang di mo sinasabi sakin?!. Wait, if he's grieving there's no way na sinabi mo sa kanya yung totoo, yung tungkol satin. Jaydee, ano ba?! Magsalita ka!. Sinabi mo ba talaga sa kanya?!."

"I-I'm sorry. Di ko sya kayang saktan."

"So ako, okay lang masaktan?!."

"Frances--"

"Alam mo minsan di narin kita maintidihan eh, lagi mo namang sinasabi sakin na ako yung mahal mo pero bakit ganun?! Di kita maramdaman. Kasi pag umaabot tayo sa ganitong sitwasyon hindi ako yung pinipili mo!. Sabihin mo nga sakin ang totoo Jaydee, minahal mo ba talaga ako?. O baja sinasabi mo lang yan kasi ako yung andito at palagi syang walang panahon sayo?."

Di sya na nakasagot, it means I'm right.  That's enough for me to leave.

"Naglolokohan lang pala tayo dito eh."

FF

Two days nalang.

Kasama ko si mama dito sa condo.

"Sigurado kang okay ka lang?. Di mo naman kailangang pilitin--"

"Ma, kakanta ako sa kasal. I promised, remember?."

"You were so young back then when you cried dahil sila na ni Jaydee at Marcus. Kahit kailan wala kang tinago sakin. Well, hindi mo sinabi directly but I know. I can see the way you look at her. I can see how she broke your heart without even knowing it. But most of all, I can see how she made you happy na nakakalimutan mo agad yung mga panahong nasaktan ka nya. Anak, mahal kita pero tama na. Palayain mo na sya."

Saan nagsimulang magbago ang lahat?
Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?
Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?
Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal

Today is the day. Hindi ko akalang kakanta ako sa kasal ng pinakamahalagang babae sa buhay ko. And I promised myself na ito na yung huli.

Gusto kong maging masaya pero hindi di ibig sabihin di na masakit, lalo na sa tuwing pumipikit ako nakikita ko si Jaydee na kinakasal sa iba.

Saan nagkulang ang aking pagmamahal?
Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang
Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na?
Ako ang kasama, pero hanap mo siya

At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na 'pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sa kaniya
Huwag kang paluhain at alagaan ka niya

FLASHBACK

Sa dorm. College.

[She is like the sunset, so beautiful but will always be beyond my grasp. Even if she doesn't stay for a long time, I was always patient to wait for her to come back. Just to witness my favorite view. Just to love her like I always do.] Sulat ko sa journal ko while thinking about Jaydee.

"Anong ginagawa mo?." Biglang sulpot ni Jaydee.

"A-andito ka na pala. Ah eto? Wala. Tara baba tayo. Gutom nako." Tago ko agad ng journal ko sa bag ko.

"Busog nako eh. Kumain na kami ni Marcus sa labas."

"Ganun ba?." Nadismaya nalang ako.

"But don't worry. Sasamahan nalang kita." Ngiti niya. Yung ngiting laging humahawa sakin.

..

Kumakanta ako nang biglang napatingin siya sakin.

Dugdugdugdug sabi ng puso ko. Nakita kong may lumapit sa kanyang lalaki kaya nilihis ko na ang tingin ko.

After kong kumanta lumapit yung lalaking yun sakin para magpakilala pero sabi ko lang,

"Anong pangalan nung babaeng yun?." Turo ko sa babae kanina.

"Ah si Jaydee. Pinsan ko. Anak siya ni Mayor blabblablabla.." Jaydee Jaydee Jaydee. Nakatitig lang ako sa kanya. I can't help it, sobrang ganda niya.

Pagdating sa bahay,

"Ma, open parin po ba yung application for scholars ni Mayor?."

"Haaay sa wakas, mag-aaral ka na?." Masayang sabi ni mama. Plano ko kasi mag-ipon muna bago pumasok.

"Pag-iisipan ko pa po." Pero ang totoo nakapagdesisyon nako.

The night I kissed her on her debut is everything. Dun nagsimulang mas lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya.

EOFB

Kumakanta ngayon ako sa kasal ng mama ko. I'm happy kasi finally she found FOREVER when she thought she'll NEVER love again.

Si Jaydee, malamang kinakasal na ngayon kay Marcus. Marcus is an amazing man. Alam kong di nya sasaktan si Jaydee. At para sakin mas importante yun. Sana maging masaya ang pagsasama nila.

Saan natigil ang pagiging totoo
Sa tuwing mababanggit na mahal mo ako?
Ba't 'di mo inamin na mayro'ng iba?
Ako ang kayakap, pero isip mo siya

At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na 'pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sa kaniya
Huwag kang paluhain at alagaan ka niya

..

Jaydee's POV

Sa simbahan.

Marcus is standing beside me. Tuloy ang kasal.

Ba't 'di ko naisip na mayro'ng hanggan?
Ako 'yung nauna, pero siya ang wakas

At kita naman sa 'yong mga mata
Kung bakit pinili mo siya
Mahirap labanan ang tinadhana
Pinapaubaya, pinapaubaya
Pinapaubaya ko na sa kaniya

"Inuulit ko, meron ba sa inyo ang tumututol sa kasalang ito?."

Silence.

"At dahil walang tumututol ay tuloy ang kasal. Ikaw Marcus, do you take Jaydee as your.."

Forever and Never (FRANDEESAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon