Chapter 27

1.4K 91 24
                                    

Jaydee's POV

Napanganga lang ako dahil sa sinabi nya.

"T-teka. Ano yun?. Anong ibig sabihin nun?. Minumura mo bako?."

"Haha Hindi."

"Tell me, ano nga yun?."

"Walaaa. Kalimutan mo nalang. Kain ka pa."

"Pano ka natutong magsalita nun?."

"Sa Cebu ako ipinanganak. Dun kami nakatira ever since. Two years ago lang kami lumipat dito."

"Oooh. Pero nacucurious parin ako. Anong ibig sabihin nun?."

"Secret ngaaa."

..

Frances' POV

Hanggang sa nakabalik na kami sa room namin ayaw nya parin akong tantanan.

"Sabihin mo nalang kasi sakin. Ano nga yun?."

"Kiss muna para--"

Pereng tenge te, genewe nge.

Maghunosdili ka Frances. Wala lang yan.

Di pa nga ako nakakamove on dun sa CR brownout scene, may kasunod na naman.

"Ayan. So sabihin mo na kung ano."

"Ah ano uhm kasi ano kasi ano uh--" talandeee ba't ka nauutal?. Tsk.

"Huh?. Anong ano kasi ano?."

"Sabi ko ang ganda mo, imposibleng di magkagusto si Marcus sayo."

"Ahhh. Yun pala yun."

KINABUKASAN

Nakatanggap na naman siya ng Tupperware from Marcus na may card na ang sabi ay, I'm sorry, the previous ones are really from Ate Dana. I'm just clarifying, I don't want you to get the wrong idea. Anyways, enjoy your day. This serves as an apology. Might be the last one na matatanggap mo. Sincerely yours, Real Marcus.

Nakikita kong medyo nalungkot si Jaydee nang mabasa nya yun. Pero bakit?.

"You okay?." Tanong ko sa kanya. Di ko mapigilang mag-alala.

"Yeah." Pero di siya makatingin sakin.

"Are you sure?."

"Tara, bilisan na natin. Baka malate pa tayo."

Talaga nga sigurong affected na sya at nagkakagusto na kay Marcus. Pero ang bilis lang nun. Recently lang silang nagkakilala ni Jaydee. Kami ni Jaydee months na pero--

Oo nga pala, lalaki siya.

..

Jaydee's POV

Nagiguilty ako. I can't believe na binalak kong gawing escape plan ang ientertain si Marcus para mawala na tong lecheng confusion nato.

Iniisip ko parin yung sinabi nya sakin kagabi. The truth is naintindihan ko naman talaga yung sinabi nya dahil bisaya si mommy at ganun nya ko kausapin nung bata pako.

FLASHBACK

"Gusto mo ba talaga siya or you're just trying to convince yourself that you do because you don't want to accept the fact that you're falling for me?."

Frances is right. Nakikita kong nakikita nya narin yung laman ng puso ko. Tama nga si Mommy,

..

Bedtime. After akong saktan ni Daddy.

Nakahiga lang kami sa bed. Tumatabi parin kasi ako kay mommy matulog.

"Pano nyo po nalaman ma?." In bisaya.

"I know you too well Jaydee. Di ka magaling magsinungaling. Your energy says it all. Especially those eyes of yours. At ito ang tatandaan mo anak. Mahal kita kahit sino at ano pa yang pinili mong mahalin." In bisaya.

"I love you ma."

"I love you times infinity and beyond." She said and then planted a soft kiss on my forehead.

"I love you more than infinity and beyond." Sabi ko at niyakap na siya.

..

5 years ago.

Sobrang lakas ng ulan.

Pauwi kami galing wedding reception ni mommy at daddy. Daddy's driving while mommy is sitting beside him. Nasa likod naman ako nakaupo.

"So, who's that girl you're talking to?. Don't tell me bumalik na naman yang katibuan mo--"

"K-kaibigan ko lang po Dad." Nakayuko kong sagot.

"Dapat lang."

"Joaquin--" sita ni Mommy.

"Ano?!. Ipagtatanggol mo na naman yang anak mo?!. Kaya lumalaking imoral yang batang yan eh, dahil kinukusente mo!."

"Babalik na naman ba tayo dyan?!. Joaquin, it's been years!. At kung ganyan nga ang sitwasyon, hindi ba pwedeng suportahan mo nalang sya sa kung saan sya sasaya?!. Gaano ba kahirap gawin yun ha?!."

"Wala akong anak na--"

"Joaquin!." Nagulat kami na may paparating na palang malaking truck sa direksyon namin. Biglang napaliko si Daddy sa kaliwa para makatabi kami agad pero naabutan na ng truck yung side ni Mommy.

..

"..You know, when my mom died 5 years ago pakiramdam ko katapusan na ng mundo. Then my dad remarried 2 years later na parang wala lang nangyari. I was so mad at him for doing that.."

..

Sa kwarto ko.

"Nagbago na ang daddy mo. Pero pwede bang wag mo nalang munang banggitin sa kanya yung mga bagay na pinipilit na nating lahat na kalimutan?. Please Jaydee. Pwede bang wag mo munang ilabas yung totoong ikaw sa harap niya?." Tita Marge begged.

"Pero Tita--"

"Nagsisimula na tayong maging isang ganap na pamilya. Ayaw mo namang sumunod yung daddy mo sa hukay diba?. He's all that you have. Well, you have me too. I know wala ako sa lugar to say this. But please Jaydee, for your Dad. For us. For this family--" she sincerely said as she held my hand.

I guess that's the hardest thing I did, to convince myself that it's somebody else. Someone who keeps a family in a right condition.

EOFB

Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang mga luha sa mga mata ko.

"Jaydee! Jaydee!." Nagising ako sa katotohanan. Tinatawag na pala ako ng teacher namin.

"P-po?."

"Are you okay?."

"Y-yes po Miss."

"Okay. As I was saying, the deductive standard of support is validity. An argument counts as deductive whenever it is aiming at this standard of support. Deductive validity is the strictest standard of support we can uphold. In a deductively valid argument, the truth of the premises guarantees the truth of the conclusion.."

I felt a hand holding mine. It's Frances'. I'm glad she's here to make me feel better but at the same time making things worse. Palala na nang palala ang nararamdaman ko sa kanya, at palala narin ang mga problema ko.

This feeling has to stop. I thought si Marcus na yung solution but he's not. And I know I'm such a horrible person for using him, si Marcus na pinsan mismo ni Frances.

Kumawala nalang ako sa pagkakahawak ni Frances, hindi pwede. Hindi kami pwede.

Forever and Never (FRANDEESAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon