Chapter 26

1.4K 84 16
                                    

Frances' POV

KINABUKASAN

Naglalakad kami papuntang classroom, medyo awkward parin. Kakausapin ko na sana sya pero biglang lumapit si Madie na may dalang dark chocolate bar and isang tupperware.

"Iba din talaga. Oh ayan, galing ulit sa manliligaw mo." Sabi ni Madie tila kinikilig.

"Marcus pala ah. To the most beautiful young lady. Keep smiling para mahawa din ang mundo. Sabeee." Basa pa nito sa kasamang card sabay kiliti kay Jaydee sa tagiliran. Nakikita kong parang ikinatuwa naman ito ni Jaydee which is an indication that she likes him at malaki ang chance nila together.

Sabi na eh. Pwede ba Frances? Wag ka nang umasa. Wag kang ilusyunada. Masasaktan ka lang.

She's FOREVER straight, NEVER bent.

Yan ang isaksak mo sa kokote mo.

Kiniss ka lang akala mo naman mahal ka na.

..

Jaydee's POV

Ito lang ang naiisip kong paraan para hindi na kami maging awkward ni Frances. Gusto ko siya. Gustong gusto gusto ko siya kaya ayoko siyang mawala. I know the feeling's one sided, it has to be. I have to believe that it is. Ayokong umasa sa mixed signals nya. There's too much to risk.

Recess.

Sisig.

"Frances share na tayo." Offer ko sa kanya.

"No thanks. Okay nako dito." She's eating salad.

"Di naman nakakabusog yan eh. Sige na, di ko rin naman mauubos to. Sayang naman kung itatapon ko lang."

"Fine fine. Akin na nga." Sabi nalang nito.

"Oh ayan rice. Di ka dapat nagpapagutom."

"Ayan ka na naman."

"Bakit? Haha."

"Wala. Kumain na nga lang tayo. Porket inspired ka ah."

"Bakit? Selos?."

..

Frances' POV

Sobra Jaydee, sobra. Sana nga ako nalang siya para napapasaya kita ng ganyan without minding what other people would think.

"Silence means--"

"Di ah. Mukha mo naman." Sabi ko nalang.

"Maghanap ka na kasi para di ka naiinggit."

"Kaso yung nahanap ko may iba naman."

"Huh?."

"Saba na siguro tayong magpacheck ng tenga no."

"Haha pwedeee. Go ako, yung school lang hindi."

After class.

Umuwi kami sa dorm, hinugasan agad ni Jaydee yung Tupperware. Sinamahan ko naman siya sa guard's house para ipasauli sa nagbibigay yung Tupperwares.

"Excuse me kuya. Uhm bago po kayo?." Tanong ni Jaydee.

"Ah oo. Nanganak kasi yung asawa ni manong Jude kaya kumuha muna sya ng 1 week leave, ako muna pumalit sa kanya." Sabi nung guard. He's I guess in his early 20s.

Forever and Never (FRANDEESAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon