PROLOGUE

30 2 0
                                    

Why do people choose to cheat? Can't stand with only one person to be with? What does it gets? Satisfaction? Something to brag of with your friends?

"Ano ka ba, Lorraine! Hindi pa rin maka-move on? Hello! Tatlong taon na  ang nakalipas!" Singhal sa akin ng bestfriend kong si Cecilia.

"I second the motion." Sabat pa ng nobyo nitong si RB. Literal na dalawang letra lang ang pangalan niya. Tinamad na yata mag-isip ang mga magulang nito nang isilang siya. 

I rolled my eyes at nag-umpisa ng maglakad palabas ng canteen. Naramadaman ko namang nasunod sila.

"Madali lang naman sa'yo ang salitang move on kasi kahit papaano, hindi ka naman naloko." Sagot ko. Pinantayan kaagad ni Ceci ang lakad ko.

"Hoy, diyan ka nagkakamali!  Bago ko nakilala itong kumag na 'to, naloko muna ako." Itinuro niya ang kaniyang nobyo na nakasunod sa likod namin habang ngumunguya ng Piattos. "Wala naman kasing mangyayari kung magmumukmok ka sa nakaraan. Hinding hindi ka makakausad niyan. Natural naman sa mundo ang masaktan. Dipende nalang kung willing kang sumugal." Dugtong pa niya.

"Ba't naman ako susugal kung mula umpisa palang, alam ko nang masasaktan ako."

"Tangek!" Binatukan niya ako.

"Aray ko naman!" Hinimas ko ang ulo ko. Naalog utak ko doon ah! Sa inis ko, sa nobyo niya ako bumawi. Ayun ang binatukan ko. Sabay tumakbo na ako dahil hinabol nila ako para pagtulungan.

Tumitili ako at tumatawa habang tumatakbo. Nilingon ko sila kung maaabutan na ako at mas lalo pa akong tumili nang makitang malapit na sila sakin kaya mas binilisan ko pa ang takbo ko —

"Ay buto mo pasmado!" Napahinto ako sa gulat dahil nakabundol ako ng kapwa ko estudyante. Muntik lang ako matumba pero siya ay talagang nahiga sa sahig.

Madrama itong bumangon at pinagpagan ang kaniyang pang-upo. Pinagmasdan ko ang kaniyang porma. Naka jersey terno ito, mahaba ang mga medyas na itim at naka soccer shoes.

"A what? Buto ko pasmado?" Ulit niya sa nasabi ko. Narinig ko ang bungisngis ng tatlo niya pang kasamahan na pareho ang suot ng kaniya.

"Ayan. Namimisikal ka tapos magkakasala ka pa sa iba." Bulong sa akin ni RB.

"Buti nga sa'yo." Bulong rin sa akin ni Cecilia.

Siniko ko silang pareho. Kesa tulungan ako'y sinisindak pa ako.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya." Pagpapakumbaba ko. Pero naisip ko rin naman na kung ako yung nakabundol, diba dapat ay may pagkakataon pa siyang umiwas?

"Sa susunod, tumingin ka sa dinadaanan mo. At puwede ba? 'Wag kang tumatakbo nang naka-skirt?" Masungit nitong sabi. Napatingin naman ako sa skirt ko.

"Look, I don't care about your concern. I said sorry and I think that's okay." Naramdaman kong sinabit ni Cecilia ang braso niya sa braso ko. Tila pinipigilan ako.

"You think that's okay?" Salubong ang kilay niya humakbang ng isang beses palapit sa'kin.

"Easy bro." Pigil sa kaniya ng isa niyang kasama. "Sinabi naman namin sa'yo kanina na tumabi ka pero di mo pa rin ginawa. And I think, hindi lang siya ang may kasalanan dito." Dugtong pa nito.

Ako naman ngayon ang napasalubong ang kilay.  So he knows that I'm about to bump into him. Nilingon niya nang may dalang inis ang kasama niya.

"Will you shut up or 10 lapse?" Singhal nito. Natawa naman ang dalawa pa nilang kasama.

"Justine, pre. Pasensya na. Nagkakatuwaan lang kami. Pagsasabihan ko nalang itong si Lorraine." Tinapik pa ni RB ang balikat ko. Inis ko naman siyang sinulyapan.

Take It All Away Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon