"Look at the nerve of the woman who stained my jersey." Napahinto kaming tatlo sa harutan dahil sa narinig.
Unti-unti akong binitiwan ni RB. Unti-unti rin na umatras si Cecilia. Tumikhim ako at inayos ang skirt ko bago sinulyapan ang mga kasama ko.
"Lagot tayo, pre." Narinig kong bulong ni RB.
"Ano, hindi ka man lang ba magso-sorry sa ginawa mo? You have the guts to laugh like a witch in this damn hallway?" Lumingon-lingon pa ito na parang sinusuri ang paligid.
"Why would I say sorry? Ginawa ko lang naman ang inutos mo." Tinaasan ko ito ng kilay pero tangina yung puso ko, gusto kong batukan dahil sa kalabog nito. Ba't ba ako natatakot sa kumag na 'to?
"Really? Ginawa mo lang ang inutos ko? Sinabi ko bang mantsahan mo ang jersey ko? Are you out of your mind? Next week na ang high school days!" Napapikit ako sa pagtaas nito ng boses.
"E malay ko ba diyan! Hindi naman ako marunong maglaba!" Palusot ko pa. Napangisi ito at di makapaniwalang namaywang.
"A-Ah, pre. Mawalang-galang na—" Sabat ni RB.
"I'm not talking to you. And you," napunta kay RB ang atensyon nito. "Ganiyan ka ba sa harap ng nobya mo? Gumagapos ng ibang babae?" Dagdag pa nito. Nakapamaywang pa rin.
Napatingin ako kay Cecilia. Nag krus naman ang mga kilay nito. Alam kong kasing nipis lang ng posporo ang pasensya nito kaya umapela na ako.
"Look, Jayson." Pag-umpisa ko.
"Jayson? Fuck, it's Justine you motherfu—" Napahilamos ito sa kaniyang mukha. Narinig ko namang tumatawa ang mga kasamahan nito hindi kalayuan sa amin.
"I mean, Justine. Look, Justine. I am sorry. Hindi ko naman sinasadya. Papalitan ko nalang. Makikipag-coordinate ako sa Coach niyo para makunan kita ng jersery shorts."
"Coordinate my ass." And that, he walked out. Lumapit sa akin ang isa nilang kasama. Tanda ko'y siya yung umawat kay Justine kahapon.
"Isa-isa lang kami ng jersey. And abroad pa yun. His father treated our team. Matatagalan pa kung kukuha uli. But anyway, good job." Kumindat pa ito bago sunod na umalis kasabay ng ilan pa nilang kasamahan.
Guilt traveled down to my soul. Putek, anong jersey yun? Gold?
"Good job?" Pagtataka ni Cecilia. Nagkibit balikat lang ako.
Naglibot nalang kaming tatlo sa buong campus. Nanonood ng mga practice. Merong nagpa-practice ng pageant, sayaw at declamation.
"Nakapag-practice ka na ba?" Tanong ni Cecilia.
"Konti. Okay lang, hindi naman contest. Intermission lang naman." Sagot ko.
"Ulan, kahit na intermission lang yun dapat lang na mag ensayo ka." Payo nito.
"Hayaan mo na, hon. Next week pa naman yun." Pagsali ni RB sa usapan.
"Guys, dapat lang ba na ma-guilty ako sa ginawa ko?" Huminto ako sa paglalakad. Papunta sana kami sa court para manood ng rehearsal sa basketball.
"Aba, e kung may konsensya ka pa naman. Dapat lang na makonsensya ka. Pero kung wala, oks lang yan!" Tinapik ni RB ang balikat ko. Tinapik rin ni Cecilia ang kabilang balikat ko kaya nilingon ko siya. Pero taas baba lang ng kilay ang natanggap ko.
Bumuntong hininga lang ako. Nagpatuloy na sa paglalakad ang dalawa, nilagpasan ako't nag-akbayan pa. Ilang sandali pa akong natulala bago napagpasyahan na sumunod. Wala rin naman akong magagawa kundi sumunod kasi hindi pa pwedeng lumabas. Quarter to 3 palang ng hapon.
BINABASA MO ANG
Take It All Away
RomanceJustine Zuñega is a campus crush but still NGSB. A beast in a soccer field, and an active to school activities. But what he cannot understand is that, there's this only one girl that doesn't like him or adores him. How can he win her heart?