"Really? Cheese cupcake? Ito ipapakain mo sa'kin?" Hindi makapaniwalang titig ni Justine sa pagkaing binili ko sa kaniya. Pinipigilan ko ang tawa ko dahil baka mamaya, ihagis niya pa 'yun sa mukha ko.
Nakaupo kami ngayon dito sa loob ng canteen. Naiilang ako sa mga kapwa namin estudyante na pinagtitinginan kami. Mga chismosa, amp!
"Oh, bakit? Reklamador ka! Ikaw na nga 'tong nilibre!" Nginuya ko na ang Carbonara kong order. Nakita ko namang lumipat ang tingin niya sa pagkain ko at napalunok bago umiling.
"Hanggang lalamunan ko lang 'to! Fuck!" Inis na tumayo ito at pumunta sa cashier. Hindi ko nalang pinansin.
Tatayo na sana ako para itapon ang pinagkainan ko at nang makapasok na rin sa room. Kaso, biglang dumating si Justine bitbit ang tray niya na naglalaman ng pagkain. Umupo ito ulit sa upuang nasa tapat ko, sa pagitan ng lamesang ginagamit namin ngayon.
"Wait for me, you witch!" Padabog niyang nilapag ang mga pagkain niya. Mayroong Carbonara, dalawang sandwich, at isang iced tea. Hinagis niya pa sa harap ko ang isang sandwich.
"Hindi na, mukhang labag sa kalooban mo." Ibinalik ko sa kaniya ang sandwich.
"Alam mo, hindi ka lang bungangera. Maarte ka pa." Napakurap ako sa sinabi nito. Inis na kinuha ko ang sandwich at inumpisahan ng lantakan. Nag-umpisa na rin si Justine kumain.
Pero uumpisahan palang sana niyang kainin ang sandwich niya nang mag ring na ang bell. Hudyat na tapos na ang recess time.
"Oh, damn." Nauna na itong tumayo at naglakad habang kinakain ang sandwich nito. Di man lang ako nilingon.
Napabuntong-hininga ako habang nililigpit ko ang pinagkainan namin. What a brat! Nang matapos ako ay nagmadali na akong maglakad papasok ng room.
Lintik! Nakalimutan kong English subject kami ngayon! At si Ma'am Isidro ang teacher! Ampota, bawal akong ma-late! Hindi ako papapasukin kung sakali. Kahit maiksi ang skirt ay pinilit ko pa ring tumakbo. Mabuti na lang at paakyat palang sa pangalawang palapag si Ma'am Isidro. Hinabol ko ito.
"Ma'am! Akina po, tulungan na kita." Kinuha ko ang libro na bitbit nya maging ang plastic folder niya. Tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa.
"You're late." Nauna itong maglakad. Mabilis na pinantayan ko ang lakad nito. Hinihingal pa rin ako.
"Oy, si Ma'am! Napaka mo. Hindi ah, sabay nga tayo e. At saka wala ka pa naman po sa room, meaning, hindi pa ako late." Kinindatan ko pa ito.
Mauuna na sana si Ma'am pumasok pero dahil baka pag ako ang nahuling pumasok ay bigla niyang isara ang pinto. Ang ginawa ko ay inunahan ko ito sa pagpasok. Nasa kalagitnaan na siya ng pinto kaya medyo nasalampak siya sa bukana nito.
Nanlalaki ang mga mata nito nang tiningnan niya. Tila nabigla.
"Ito po Ma'am." Ibinigay ko sa kaniya ang mga bitbit kong gamit niya. Kinuha niya ito pero sa akin pa rin nakatingin.
"Did you just pushed me?" Overacting nitong tanong.
Mabilis na umiling ako. "Ay nako Ma'am, hindi ho! Very slight lang naman." Nag sign pa ako ng konti gamit ang mga daliri ko. Tinapik ko naman ang mga gamit niyang nasa mga palad niya. "You're welcome po! Bukas ulit." Tinalikuran ko na ito at pumunta na sa upuan ko.
Rinig ko ang hagikhik ng mga kaklase ko maging ni Cecilia at RB.
"Ayan, landian mo pa." Bulong ni Ceci.
"Wawex." Irap ko. Humagikhik na naman ito. Kiniliti pa ako sa tagiliran.
"What was our topic again yesterday, Miss Nepomucino?" Tumawa ang mga kaklase ko nang tawagin ako ni Ma'am.
BINABASA MO ANG
Take It All Away
RomanceJustine Zuñega is a campus crush but still NGSB. A beast in a soccer field, and an active to school activities. But what he cannot understand is that, there's this only one girl that doesn't like him or adores him. How can he win her heart?