02

3 3 0
                                    

This is an unedited story. Expect grammatical and typographical errors.

Enjoy reading!

----------

02

Maaga akong pumasok sa school, huwebes ng umaga. Actually, madalas akong maaga pumapasok. Sinasadya ko iyon dahil sa umaga ko lang mararanasan ang tahimik na paligid sa school, plus malamig din ang hangin. Busy rin si mama at papa sa negosyo kaya wala akong kasama sa bahay kundi ang driver at si Ate Paula, anak ng kasambahay namin.

Naglalakad ako sa pasilyo nang biglang lumapit sa akin ang lalaking hindi ko kilala.

"Hi. I'm Lucas. I'm, uh, lost." Napakunot ang noo ko. Ang weird naman nito. Nagkamot pa siya sa batok, kinakagat ang labi at nakayuko. Hindi man lang nag angat ng tingin habang nagsasalita. How rude.

"Are you the guy that's been waiting for someone outside our classroom?"

"Hindi. Si Ryle yun, kaibigan....ko" ani niya na para bang hindi siya sigurado kung kaibigan niya nga ang tinutukoy ko. Or maybe hindi niya talaga alam na naghihintay ang kaibigan niya? Or alam niya pero hindi siya sigurado? Either of the two, ano namang pakialam mo, Lorienne?

"Saan ang punta mo, kung ganoon? I haven't seen you here before. Hindi rito ang building mo base sa uniform mo."

"Oo. May, uh, may titingnan lang." Hindi mapakali ang mata niya. He even muttered a curse.

"Lucas?"

"Yes--oh?"

"Saan ang punta mo?"

This time, nakatingin na siya sa akin. He's wearing an engineering uniform. I see. Mukha siyang seryoso sa pag-aaral, with his clean shoes, I.D, well-combed hair, he even smell so nice. Moreno ang kutis at mas matangkad sa akin. 5'10, siguro? I'm only 5'3. He also look older than me. At gwapo siya. His lips are red, probably from biting. Ganyan din kaya kapula kung ako ang kakagat?

LORIENNE ISABEL! STOP IT OH MY GOODNESS!

Tumikhim siya bago nagsalita, I tilted my head sideways, not minding my thoughts.

"Sa---sa room niyo....sana."

"I thought kaibigan mo si Ryle? Yung lalaking umaaligid? Bakit hindi siya ang pinasama mo? Pero anyway, tara. Doon din ang punta ko." Ngumiti siya making him show his dimple sa right side, sa left wala.

"This is our room." Tumigil kami sa harap ng classroom namin. Wala pang tao roon kaya naman tahimik pa. I used to hang out here alone every morning, with a cat. May pusa kasi rito, pinapakain ko ng pagkain. Tinatago ko lang. Pero wala ang pusa ngayon, where are you, miming?

"Saan ka nakaupo?" Tanong niya bigla. I'm not comfortable calling him by his name.

"Doon sa dulo."

"Sinong katabi mo?"

"Si Yumi. What's with you? Hindi tayo close, kung makapagtanong ka naman."

"Curious lang ako sayo."

Of course he is. Kahit ako naman ay curious din sakanya. We just met anyway, no biggie! Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy na sa upuan ko. I want to satistfy myself with the peaceful ambiance. The silence is loud enough to give peace of mind.

Ah, what a great way to---

My thoughts are disturbed with the sound of a chair being dragged. What the hell!

"Uupo ako. Dito, sa tabi mo. Kakain ako ng agahan, gutom na ako." aniya. Edi kumain siya! Pwede naman doon sa malayo.

"Nananahimik ako, ineenjoy ko ang katahimikan tapos bigla kang gagawa ng ingay. At dito ka pa kakain!" I'm not mad. I'm annoyed! I'm in the middle of my sentiments, for crying out loud!

Living With DyingWhere stories live. Discover now