This is an unedited story. Expect grammatical and typographical errors.Enjoy reading!
----------
01
Tinatanaw ko ang aking mga magulang mula rito sa kinauupan ko habang nag uusap sila. Kahit hindi ko naririnig, nababasa at naiintindihan ko ang sinasabi ng kanilang mga labi. Pawang "Hindi ko kaya" at "Ayaw ko" ang binibigkas ng aking ina.
At alam na alam ko kung bakit.
Ilang minuto pa ang lumipas at lumapit na sila sa pwesto ko. Aalis na ba kami?
"Tara na Lori, may pasok ka pa diba?" Bungad ni mama.
"Ayos lang naman po kung gusto niyo pang mag usap. Mahaba pa naman ang oras."
"Tapos na kami. Tara na nak!" Si papa naman ang sumagot.
Umalis kami at dumiretso na sa school. Sa totoo lang, ayaw kong pumasok pero dahil ayaw ko namang mag-alala si mama, papasok nalang ako. And I would rather spend my day at school than think about my illness at home.
"Babaeng to akala ko ba maaga pa sa maaga ha, Lori? Anong nangyari sayo at nahuli ka ng sampung minuto aber? Oh, hi tita Oli! Goodmorning po, ang ganda natin ngayon ah? Yieeee! Si Tito Fil po?"
"Piper! Ikaw bata ka, napaka ingay mo, kay aga-aga. Naroon sa kotse si Fil, hindi na nag-abala pang lumabas at mabilis lang naman ako." Sabay tawa pa ni mama.
Piper's been my best friend since I was diagnosed with a heart failure. Me, being nosy and curious, hindi na pinaalam ni mama ang sakit ko sa pag-aalalang baka magsaliksik ako tungkol dito at makasama pa sa akin. It was fine with me.
Though,I really think I deserve to know.
Tulad ko, may sakit din si Piper. I'm not really sure kung ano pero ayaw niya ipaalam sa akin. Sabi niya, "Wag mo na alalahanin yun at hindi rin ako magtatanong sayo, okay? As long as buhay tayong dalawa, ayos na." At tulad ko, alam naming dalawa na kahit anong gawin ng mga doktor, hindi na kami magtatagal.
That motivated us to live to the fullest.
"Lori! Hello? Earth to Lori!"
"Oo na Piper. Galing kaming ospital. Check up ko ngayon, remember?"
"Of course I remember duh? Limot mo na bang may sakit din ako?" Tumawa pa siya ng napakalakas, pinagtitinginan pa kami. Si mama naman ay naiiiling pa.
"Oh siya siya! I'll get going now. You, ladies, should always watch each other's back, okay? Enjoy school." Nagbeso si mama sa aming dalawa ni Piper bago umalis.
Pumasok ako sa parehong section ni Piper. Mag kaklase kami sa kagustuhan na rin ng mga magulang namin. Medyo kilala rin kasi ang parehong tatay namin ni Piper kaya nagawan ng paraan. And besides, may contribution naman daw kami sa school.
The usual school scenarios, busy hallway, students here and there, kahit iyong boses ng guro ay naririnig sa pasilyo.
The usual classroom setting, may nakatanaw sa labas, may lutang, may tulog, may patagong nagce-cellphone, may ibang naghaharutan.
Kami ni Piper ay parehong nakikinig, iyon nga lang ay magkalayo kami ng upuan. Ako nasa bandang likod sa kaliwa, siya naman sa kanan sa may pinto.
Ang katabi kong si Yumi, isang half-japanese, ay kasalukuyang nakikipag daldalan sa akin. Pero hindi ko alam kung nakikinig ako o nakatingin lang sakanya. I feel bad for it, and besides, who needs school when you're dying?
"So, sasabay ka sa akin mamaya. Hindi ka pwedeng humindi."
"Oo no! As if namang may choice ako diba?" Ngumisi siya ng pagkalaki-laki sa akin. This girl, really.
"Pero uy Lori, hindi mo alam? Kalat sa buong campus ah!"
"Alin ba? Ikaw, napaka-chismosa mo. Daig mo pa mga paparazzi. May balak ka bang mag reporter?"
"Oo na oo na Lori! Pero kasi eh! Alam mo ba? Yung lalaki sa kabilang department, ewan ko lang kung bago yun ah pero nito ko lang kasi napansin yun dito, napapadalas yung pag bisita niya dito sa building natin, at dyan pa sa harap ng classroom!"
"Oh? Ano naman?"
"Ano?! Hindi ka ba nagtataka? Sino kayang pinupunta niya rito? Sino kaya siya? Anong kailangan niya? May girlfriend kaya? Tsaka dai! Gwapo!"
"Pag gwapo ang talas ng paningin mo pero pag sulat sa pisara hindi mo makita. Kakaltukan kita, Yumi!" Natawa siya sa sinabi ko. Seryoso, hindi siya nakakakita ng maayos pag magsusulat ng notes pero kapag gwapo, kahit malayo, kitang-kita niya.
I mean, duh? Ganon din naman ako pero this isn't about me!
"Ikaw rin naman, bruha ka! Pero ayun nga, baka andyan siya pag labas natin. The other day daw may kasama siyang hottie, hmm?" Impit pa siyang tumili. It's not a problem since malayo kami sa prof na nagtuturo, our classroom is big.
On my defense, hindi ako nakikinig ng lecture kasi what for? I don't have much time to live, why waste it studying? Mag tatrabaho ba ako sa langit? Gusto ko nga sanang huminto pero ayaw ni mama tsaka masaya naman pumasok. Nakakaguilty man na pinakikisamahan na kami ng mga guro rito, kami pa itong hindi nakikinig. Pero I'm sure they'll understand.
Si Piper ay nakatingin sa labas, nakakunot ang noo. Ano nanaman problema nito?
"Ano? Nakita niyo ba? Girl! Nakita mo? Nakita mo ba? Bakit kasi nakayuko yun, ang damot! Ang damot damot! Hoy kuya ang pangit mo at ng ugali mo!" Yumi's been nagging about it mula nang nakalabas kami ng room. Paano eh nakayuko iyong lalaki kanina. At ngayon na nakaupo na kami sa cafeteria ay hindi pa siya natatapos sa inis niya. Tingnan niyo at nag-iingay pa.
"Akala niya siguro ang gwapo-gwapo! Mahaba lang buhok niya uy! Mahaba lang!"
"Ano bang mahaba, Yumi?" Natatawang tanong ni Piper.
"Yung buhok, Piper! Ano bang mahaba ang akala mo?" Tinawanan niya naman ako. Alam ko syempre, ibang mahaba ang tinutukoy niya.
Yumi's been our friend since highschool, wala siyang alam sa kundisyon namin. Piper and I, we don't want to be treated like were sick. Not that were not though, ayaw lang namin tratuhin na parang iba kami. Our teachers knew, pero pinakiusapan sila, buti nalang at maayos naman sila kausap.
"Yumi, hindi ikaw ang pinunta non sa building natin, kaya bakit ka titingnan?" Nanlaki ang mata ni Yumi sa sinabi ko, tila ba ay naapakan ko ang ego niya.
"Ha? Lori? Naririnig mo ba ang iyong self? Want mo bang saktan ka ng aking powerful hands?"
"Pinagsasabi mo nanaman, Yumi? Eh sa totoo namang hindi ikaw ang pinunta non dito, anong kinagagalit mo? Jowa mo ba?" si Piper.
Suminghap si Yumi sabay hawak sa dibdib na para bang ang sakit sakanya ng mga sinabi namin. Umasta pang naiiyak ang bruha.
"You! How dare you! Palibhasa wala akong alam sainyo, pinagtutulungan niyo ako! Mga fake friend! Grabe ka na 2020!" Naiyak pa nga. Natatawa nalang kami ni Piper sakanya. Although, she has a point naman, wala siyang alam sa amin. We really feel guilty for it pero ayaw lang namin na madagdagan pa ang mga nag-aalala sa mga kundisyon namin.
People like us, we often feel pity for ourselves. It doesn't make us any stronger. Mas lalo kaming nanghihina sa tuwing kinakaawaan kami. Nakakapanghina na imbes sasamahan nila kaming mag-saya sa nalalabing araw namin, mas pinagtutuonan pa nila ng pansin ang pag bibigay ng awa. It's not helping. Hindi na namin kailangan ng isa pang awa, sapat na iyong awang-awa na kami sa sarili namin.
And besides, when people pity you, they feel your pain. When they feel your pain, they suffer too. We don't want that. I don't want that.
What can their sympathy do, anyway? Hindi noon madadagdagan ang buhay namin.
Ang nais ko lang naman, ubusin ang oras ko sa pag gawa ng mga bagay na gusto kong gawin, with the people I love.
Be inlove.
Feel loved.
Feel free.
Be happy.
Die happy.
But sick people don't always get what they want.
Some of us do. I wonder if I'm part of the 'some'?