"Lungkot at Ligaya'

82 1 0
                                    

Simula nang tayo ay ipanganak
Sanggol na tila ba di mahinto sa pag-iyak
Ang ama at ina ay nagagalak
Dumating na ang pangarap na anak.
Sa sobrang saya halos maiyak.

Mga magulang na nagdadalamhati
Kapag ang anak ay maagang nasawi
Mga anak na nahirati
Na ama't ina ang kaniyang katabi.

Hindi naman lahat ng lumuluha
Ay totoong malungkot.
Pagkat mayroong tumatawa
Pero ang kalooban ay puno ng kirot.

Paano mo ba makikilala
Ang taong balisa.
Siya yung taong laging tulala
Dinibdib ang iyong pagkawala.
Palagi siyang umiiyak.
Palagi ka niyang hinahanap.

Mga mata'y namamaga dahil sa pagluha
Halos hindi na nga makakita
Gabi-gabi basa sa luha ang higaan
Binabaha na sa kaiiyak ang tulugan.

Kung sino pa yung kaibigan
Na nagbibigay sa atin ng kaligayahan
Maaaring nagdudulot sa ating kalooban
Ng labis-labis na kalungkutan.

Kayhirap talagang unawain
Sa tao ang bawat damdamin
Ang pagkakaiba ng luha ng kaligayahan
At ng tawanan ang kalungkutan. 

Mayroong umiiyak diyan
Na bunga ng karamdaman
Ng katawan at maging ng isipan
Na tila ba walang katapusan.

Masaya tayo na natutulog
Sa malambot na kama
Habang ang iba naman ay
Natutulog sa kalsada.

Mga luha na dulot ng pag-aalala
Sa mga bagay na di mo inakala.
Mga bahay na dapat sana'y ginawa.
Mga pagkakamaling gusto mong itama

Minsan nasasaktan tayo
Dulot sa puso tila ba galit at poot
Bunga ng sakit sa puso ay kumukurot.
Sapagkat puno na ng kirot

Kanina lang kasama mga kaibigan
Nag-aawitan, nagtatawanan
Lahat ay nagkakasiyahan

Pag-uwi ng bahay ikaw na lang mag-isa
Bakit parang may luha
Pinupunasan sayong mga mata
At kaybigat ng iyong nadarama.

May panahon ba talaga magsaya
Forget mo na ang problema
Pa-dance dance para sumigla
Rock en Roll hanggang Umaga.

Lahat ng balisa ay may hangganan.
Ang problema ay may katapusan.
Sinubukan mo, pinilit mo
Malayo na rin ang iyong tinakbo

Ang taong masayahin
Ay laging nakangiti
Ngunit ang may lumbay
Ay wari bang nakangiwi.

In the end, iisa Lang ang napagtanto.
Ang pagkamasayahin
Ay mainam sa katawan
Ngunit ang malungkutin
Ay unti-unti naglalaho. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lungkot at LigayaWhere stories live. Discover now