"Ha-halimaw..A-anong ginawa mo? Lumayo ka sa akin!" Halos mapugto ang aking lalamunan sa kakasigaw mapalayo lamang sa halimaw na may mapanlinlang na anyo. Itinulak ko ito ng buong pwersa kaya naman nakawala ako sa kanya.
"Anong klase kang nilalang? Bakit mo ako kinagat?" Lakas loob kong tanong kahit nangangatog ang aking tuhod sa kaba. Halos manlisik din ang aking mata sa kakatingin ng masama sa lalaki habang hawak hawak ko ang aking leeg na duguan.
Ngumisi ito at pinahid ang aking mga dugong nagkalat sa gilid ng kanyang labi. Matapos ay namulsa ito habang nakatitig ako sa kanyang mukha ay dahan dahang din nawala ang kanyang mahahabang pangil a bumalik sa dating kulay ang kanyang mata.
"Hindi ba at isa akong alamat sa inyong lugar? Why you look sa confused?" Simpleng sambit nito at matiim na tumitig sa akin tila ba may nais itong ipabatid. Ang kanyang boses ay nagbibigay ng ibang pakiramdam sa akin.
Ang kanyang salita ay may halong lenggwahe ng mga mahaharlika, mga mayayaman lamang ang may kakayahan magsalita ng ganoong lenggwahe at kung hindi ako nagkakamali, parang ganito din ang lalaki sa aking panaginip.
Halos manlaki ang aking mata at nagsimulang kumabog ng malakas ang aking dibdib. Isang reyalisasyon para sa akin ang lahat at dahil sa kanyang sinabi. Hindi panaginip ang nangyari kagabi bagkus bunga ng katigasan ng aking ulo. Siya ang kinatatakutan ng buong bayan. Totoo siya at ako ang kanyang biktima.
"Hu-huwag kang lumapit sa akin. Pakiusap, wag mo akong saktan." Halos maiyak ako sa kakasamo ng panalangin sa aking isipan na sana ay makaligtas ako mula sa kamay ng halimaw sa gabi.
Sa mga oras na ito ay tiyak kung nag-aalala na sina ama, tiya at ang aking mga kapatid. Ngayon napagtanto ko nang totoo pala ang sabi sabi ay mukha namang nanganganib ang aking buhay. Kaharap ko ang nilalang na nagbabalat kayo sa isang magandang lalaki. Maraming kababaihan ang mapapaibig sa unang sulyap pa lamang ngunit ang kanilang paghanga ang magdadala sa kanila sa kapahamakan.
Narito ako sa kanyang teritoryo at hindi ko alam kung ano ang balak niyang gawin sa akin. Ang alam ko lamang ay hindi ako ligtas at ang pag-aalala nina amang.
"Ngayon napagtanto mo na, natatakot ka ba?" Mapang uyam nitong tanong dahilan para mapaatras ako.
"Kung ano man ang binabalak mo, pakiusap. Wag mo ng ituloy, ako ay nag mamakaawa, palayain mo na ako." Pakiusap ko rito sabay luhod.
"I am a monster, I don't let anyone escape from my hands especially if it's my beautiful mate." Malamig na sambit nito ngunit ang kanyang mata ay may kakaibang kislap.
Napayuko na lamang ako at hinayaang lumandas ang kanina ko pa pinipigilang luha. Bagamat hindi ko maintindihan ang kanyang pinagsasabi ay alam kong katapusan ko na ito. Bakit ba kasi napakatigas ng aking ulo? Tama nga sina tiya, para akong hindi dalaga sa sobrang katigasan ng ulo. Puro problema lamang ang aking dinudulot sa kanila, tama na siguro na dito na matapos ang lahat.
Isang malamig na bagay ang dumampi sa aking mukha makalipas ang ilang sigundo. Nang aking pakatitigan kung ano iyon ay napaupo na ako ng tuluyan. Lalo akong napaiyak ng mapagtantong ilang dangkal na lamang ang pagitan namin ng lalaking halimaw. Baka sisipsipin na naman niya ang aking leeg.
"Huwag. Huwag mo akong saktan pakiusap."Nagsusumamo kong daing rito. Itinakip ko pa ang aking mga kamay sa aking katawan animo mapoprotektahan ako ng mga iyon.
"Yun ang bagay na hindi ko magagawa sayo." Malumanay na sambit nito. Ang kanyang mata ay may malungkot na emosyon at hindi ko mawari kung ano ang dahilan. Napaangat ang aking tingin sa kanya dahil kahit na nakaluhod ito ay matangkad pa rin ang bulto.
"A-ano ang ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ba at pinapaslang niya ang lahat ng kanyang nagiging biktima? Oo at ayaw kung matulad sa kanila ngunit may parte sa akin na gustong malaman ang dahilan.
YOU ARE READING
My Beloved's Blood
RandomFor five hunderd years of living, the vampire prince finally gave up looking for his beloved. He became ruthless to all the living things dahil sa kasawian at inggit. He hide in the dark and became the monster of the night. Everyone feared his exist...