Kabanata 6

3 0 0
                                    

"Ano ang nais mong ipahiwatig?" Naguguluhan kong tanong.

Ano ang ibig niyang sabihin na matagal akong dumating? Ano ang aking kinalaman sa kanyang trono? Ano ang kinalaman ng isang taong kagaya ko sa kanilang uri? Ang uri ng mga halimaw.

"Hindi mo maiintindihan ito sa ngayon ngunit ikaw ang matagal kong inantay. Ikaw ang kukumpleto sa akin dahil ikaw ang aking kabiyak, kalahati at itinakda na maging kasama sa aking buhay."

Hindi ko mapigilang matawa sa kanyang pinagsasabi dahil napaka seryoso ng kanyang mukha habang nagsasalita. Marunong din palang magbiro ang mga kagaya niyang halimaw.

"Ginoo, kung ako ay nais mo lamang patawanin para mawala ang aking takot sa iyo ay nagtagumpay ka. Napaka imposible ng mga pinagsasabi mo dahil magkaiba tayo at hindi ko ito nanaising mangyari.'' Natatawa kong sambit sa kanya na kasalukuyang nakatitig sa kawalan. Parang napakalalim ng kanyang iniisip at nakakuyom ang kanyang mga palad tila nagpipigil ng kung anong nais kumawala.

"Nagkakamali ka kung iniisip mo na ako ay nagpapatawa. Inuulit ko, sa ngayon ay hindi mo maiintindihan ang lahat ngunit darating din ang panahon na maliliwanagan ka sa mga nangyayari." Seryosong sambit nito at malalim na bumuntong hininga. Ako naman ay natigil sa aking pagtawa at inalisa ang kanyang ekspresyon.

Mukha nga itong nagsasabi ng totoo base sa kanyang mukha na ikinatakot ko. Hindi, hindi maari ang kanyang pinagsasabi. Nahihibang na siya, isa siyang halimaw sa dilim at ako ay hindi kanyang kauri. Kahit anong mangyari ay hindi ko hahayaang mahulog sa kanyang bitag.  Baka ito ay isa lamang pain para malaya siyang gawin sa akin ang kung ano man ang masama niyang balak.

"Ginoo-"

''Aljezar." Putol niya sa akin.

"Ano kamo?" Anong elyazar ang pinagsasabi nito? Hindi man lang ako pinatapos sa aking sasabihin, maliit na tinig sa aking isipan na nagpasimangot sa akin.

"Tawagin mo akong Aljezar, Aljezar Deño Primo." Aniya na ikanaawang ng aking bibig.

"Isa kang Deño Primo? Nagkakamali ba ako ng pandinig?" Manghang tanong ko sa kanya.

Kilala ang mga Deño Primo sa buong capital. Sila din ang namamahala ng malalaking sakahan, hacienda at ibang lupain dito sa amin. Kung tutuusin ay mga Deño Primo ang may ari ng lupang sinasakahan ni amang, kaya papaanong nangyari na isa siya sa kanilang kalahi?

"Oo, at ang mga kilala mong mga Deño Primo ay aking mga kadugo." Pagkukumpirma niya sa akin at aliw na aliw ito sa aking ekpresyon.

"Ngunit bakit ibang iba ang Deño Primong kilala ko kaysa iyo? Kagaya mo din ba sila?" Inosente kong tanong sa kanya.

Kilalang mababait at matulungin ang mga taong iyon, kabaliktaran ng aking kasama ngayon kaya napaka imposible kung iyong iisipin.

"Hindi mo makikita ang tunay na kaanyuan ng isang nilalang kung ito ay magaling magbalat kayo hindi ba?" Makahulugan niyang sambit.

"Ibig mong sabihin-'' May idinidiktang sagot ang aking isip ngunit hindi ko ito kayang bigkasin. Ayaw ko silang husgahan lalo na at malaki ang naitulong nila sa aming pamilya.

"Kung ano ang nasa iyong isipan ay tama. Sila ang namamahala sa aming mga kauri kaya sa tingin mo ba walang kapalit ang lahat ng kanilang pagtulong?" Nakangisi ito sa akin pero ang ngising iyon ay hindi ko masasabi kong totoo ba o nang uuyam lamang. Nakaturo din ang kanyang daliri sa larawan ng kanyang magulang.

"Kung ano ano ang iyong mga pinagsasabi. Wala silang hinihinging kapalit dahil isa ang aking pamilya sa mga tumatamasa ng kanilang tulong." Dipensa ko na ikinabilis ng kanyang paglapit sa akin.

"Masyado kayong nabubulag sa biyayang inyong natatanggap." Malamig nitong sambit kaya nagsitaasan ang aking balahibo.

"H-hindi pa rin ako naniniwala sa iyong mga pinagsasabi. Ang mabuti pa ay ibalik mo na ako sa amin." Para akong may isang pagkakamaling nasambit dahil bigla na lamang namula ang kanyang mata at pag usli ng kanyang mahahabang ngipin.

Halos panawan ako ng ulirat sa kanyang pagbabagong anyo. Wala na ang magandang lalaki kundi isang halimaw nanaman pumalit sa anyo nito. Gusto ko sumigaw ng tulong pero wala naman itong silbi dahil walang makakarinig sa akin dito sa loob ng kanyang teritoryo. Sa halip ay tumakbo ako sa abot ng aking makakaya at tinunton ang may kadilimang daan.

Salamat dahil may nakita akong liwanag at ito ay sinundan. Sa kasawiang palad, ibinalik lang ako nito sa silid na aking pinang galingan at doon nag aanatay ang lalaking may madilim na mukha. Nakaupo na ito sa isang antigong silya animo isang hari na hahatol sa isang may kasalanan.

"Going somewhere my dear beloved?" Anito. Hindi ko pinansin ang banyaga niyang salita sa halip ay lakas loob kong hinawakan ang laylayan ng kanyang damit at lumuhod.

"Pakiusap, pauwiin mo na ako. Kung totoo man ang iyong mga sinabi ay hindi ko iyong ipagkakalat kahit kanino man, pangako." Para akong talunang mandirigma na nakikiusap sa kanyang kaaway upang buhayin. Pero lalo lang yata itong nagalit dahil bigla na lamang akong pinangko at hinawakan ng mahigpit sa magkabilang braso.

"Don't you dare to do that again. Huwag na huwag kang lumuhod kahit kanino man. Ikaw ang dapat na niluluhuran dahil ikaw ang aking kabiyak. Everyone should bow down before you." Gigil nitong sambit sa aking mukha kaya napapikit ako ng mariin.

"Good. Now where are we?" Tanong niya sa medyo kalmadong boses.

"Ha?" Balik tanong ko.

"I said hindi ka pwedeng umalis. Hindi ko hahayaan namawala ka sa aking paningin dahil ilang dekada kitang inantay at ngayong hawak kamay na kita. Sorry baby ngunit wala ka ng kawala." Bulong nito sa aking tainga na aking ikinatuos.

Dumadampi ang kanyag matangos na ilong sa aking pisngi at sinisinghot singot niya ang aking leeg.  Napakapit ako sa aking damit ng mahigpit, natatakot na baka ibaon niyang muli ang kanyang matutulis na ngipin doon. Gusto ko man pumalag at manlaban sa kanya ay hindi ko magawa. Wala akong binatbat kumpara sa kanyang lakas, ang tangi ko lang magawa ay magpaubaya kahit pakiramdam ko ay ang dumi ko na dahil may lalaking humawak sa aking katawan sa di kanais nais na paraan. Ano na lang ang sasabihin ng aking mapapangasawa sa hinaharap kung malalaman niya ito?

Nais kong umiyak ngunit baka magbago na naman ang timpla ng halimaw na ito at tuluyan na akong lagutan ng hininga. Maigi nang makisama muna ako sa kanya habang nagpaplano para makalabas sa madilim na palasyong ito kahit ang dignidad ko ang kapalit.

"Relax, I won't bite you. I'll feed you first baby, kailangan mo pa magpalakas to satisfy my hunger for your sweet and fragrant blood.'' Nang marinig ko ang salitang magpalakas ay bigla akong nakaramdam ng panghihina. Hindi pa ito doon nagtatapos dahil bigla din humuni ang aking tiyan na kanyang ikinahalakhak. Napakabaritono nito at lalaking lalaki ang dating dahilan upang makaramdam ako ng hindi pamilyar na pakiramdam sa aking tiyan.

"Kumain ka muna." Sa isang iglap ay narito ulit kami sa hapag kainan pero ang ipinagbago lang ay nakakandong ako sa kanya.

May dalawang matandang babae ang naglapag ng mga pagkain na masasarap at mababango. Pagkatapos ay bigla din ang mga ito naglaho na parang bula. Kauri sila ng Deño Primong nilalang bagamat mas maamo ang mukha ng dalawa at mukhang mababait.

Siya mismo ang naglagay ng mga prutas at ibang pagkain sa plato gamit ang isang kamay. Nakamasid lang ako sa kanyang galaw kahit ramdam ko ang lamig ng kanyang mga brasong nakapulupot sa aking tiyan. Natatakam na tiningnan ko ang mga pagkain at sapilitang sumubo dahil ang malagkit na titig na nagmumula sa aking tabi ay nagpapailang sa akin.

Ang importante sa ngayon ay mabusog ako at magpalakas. Hindi rin tatagal ay makakaalis ako sa kamay ng lalaking ito. Ani ko sa aking isipan habang patuloy na kumakain ng mga pagkaing minsan ko lang natikman. Ito ang mga pagkaing natitikman ko tuwing may malalaking okasyon sa amin.

 

My Beloved's BloodWhere stories live. Discover now