Malamig, malamig ang aking nararamdam sa aking paligid. Siguro ay umulan kaya ganun lamang ang lamig ngayon, medyo kakaibang lamig nga lang ito kumpara sa nakasanayan ko.
Pagod kong idinilat ang aking mata at nakitang malapit na magbukang liwayway dahil kita sa bintana ang unti unting pagluwa ng araw. Maya maya ay tiyak na sisigaw na si tiya.
Sinabi ko na nga ba at panaginip lang iyong kagabi. Nakakakilabot na panaginip dahil parang totoo. Parang totoong nakalabas ako ng bahay at nakita ko ang halimaw.
Pinagmasdan ko na lamang ang bukang liwayway sa sa bintana at napabuntong hininga ng malalim ngunit, pinagmasdan ko ng maigi ang yari ng bintana at halos manlaki ang aking mata ng makitang hindi amin iyon. Nasaan ako? Inikot ko ang aking paningin ngunit iba ang yari ng bahay kumpara sa amin. Hindi ito ang aking silid.
Mamahaling muwebles, ilaw at kagamitan ang nasa paligid ngunit mga antigo na ang mga ito. Para akong nasa sinaunang bahay na pag aari ng mga mayayaman. Kahit kailan ay hindi kami nagkaroon ng mga ganitong bagay, tanging yari sa kahoy lamang ang aming pinagtatyagaan. Paano ako napunta rito?
Inalisa ko ang buong silid pati ang aking sarili ay ininspeksiyon ko rin at nakahinga ng maluwag dahil suot ko pa rin ang aking damit. Kasalukuyan akong nasa isang malaki at malambot na higaan, napakakapal ng telang sapin nito at ang aking kumot ay nangingintab ngunit napakalambot. Ngayon lamang ako nakahawak ng ganito kagandang tela sa tanang buhay ko.
Bagamat hindi ko mawari kung anong nagyari, bakit nandito ako at kaninong bahay ba ito? Ang alam ko lang ay nanaginip ako ng masama tapos pag gising ko heto at nandito na sa ibang kabahayan? Paano ako napunta rito?
Imposible naman na maging totoo iyong sa aking panaginip dahil dapat patay na ako. Sinipsip ng lalaking iyon ang aking dugo at kahit sino man ang gawan ng ganoon ay tiyak na hindi mabubuhay kaya hindi talaga ako naniniwala na totoo iyon.
Kailangan ko lang gawin ngayon ay alamin kong bakit ako narito tapos uuwi ako sa amin dahil baka hinahanap na ako nina ama. Tiyak na mapapagalitan na niya ako sa pagkakataong ito.
Dahan dahan ang pag alis ko sa malambot na higaan at inayos ang pagkatupi ng kumot na aking ginamit. Inayos ko rin muna ang aking sarili sa harap ng lumang samin na narito.
Sinuklay ko lang ng aking kamay ang aking buhok. Inamoy ko rin ang aking hininga baka mamaya ay amoy panis na laway pero salamat at hindi naman tsaka ipinag landas ang aking darili sa aking mukha.
Natigil lang ako ng mapansin ko ang aking leeg na kinagat ng halimaw sa aking panaginip. Walang bahid ng sugat roon pero ang nakapagtataka ay may apat na itong peklat. Maliliit lang itong bilog kaya hindi masyadong halata ngunit kung pagkatitigan ay iyong mapapansin. Makinis ang malinis tingnan ang aking balat ngunit ngayon ay hindi na dahil sa peklat na biglang tumubo.
Hinaplos ko ito pero nabigla ng may maramdaman akong tila boltaheng dumaloy sa aking katawan ng mahawakan ito. Tumaas ang aking balahibo sa likod ng aking batok habang inuulit ulit kong haplusin ang tila markang peklat. Paano ako nagkaroon ng ganitong marka gayong hindi naman ako nasugatan?
Tinakpan ko nalang iyon ng aking buhok at ipinagsawalang bahala at lumabas ng silid.
Ang inaasahaan ko ay malawak na sala o hapag kainan ang sasalubong sa aking paglabas ngunit hindi. Isang madilim na daanan na tanging mumunting liwanag lamang ang sumisilay. Malamig dito at iba ang aking pakiramdam habang binabagtas ito. Tila may nagmamasid sa aking galaw.
Luminga linga ako sa pigid upang hanapin kung may tao pero napakatahimik ng bahay. Dumiretso lang ako at ng makita ang malaking pinto na tiyak kong patungo sa aking pakay ay dali dali ko itong binuksan.
YOU ARE READING
My Beloved's Blood
NezařaditelnéFor five hunderd years of living, the vampire prince finally gave up looking for his beloved. He became ruthless to all the living things dahil sa kasawian at inggit. He hide in the dark and became the monster of the night. Everyone feared his exist...