This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All Rights Reserved.
No parts of this story may be reproduced,distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. Plagiarism is a crime.NOT EDITED!!
Don't accuse me copying if you haven't yet read the whole story. It may be looks like same plot with others but trust me, I have my own plot and I really work hard for this.
-Shin
_______
Love is when you shed a tear and you still love that person. It's when he ignore you but you still want him. It's crazy right, to love someone who hurts you?Siguro naman lahat tayo ay nakaranas na ng unrequited love o one-sided love. Nakakakilig and at the same time ay nakakasakit.
Minsan pa ay nagkaroon din tayo ng "crush" sa isang tao hanggang sa tumagal ito at malito ka kung gusto mo lang ba talaga ang taong 'yon o mas higit pa roon ang nararamdaman mo.
Doon patungkol ang kwento kong ito. Hindi lahat ng gusto mo ay maaari mong makuha. Malaya kang magmahal ngunit huwag kang umasa na maibibigay ito pabalik sa 'yo. Hindi mo pwedeng pilitin ang bagay na hindi naman nakatadhana.
Pero papayag ka bang gumawa ng sarili mong tadhana?
---
Inayos ko ang pagkakatayo ko bago tumingin sa kaniya. Sa taong laman palagi ng isip ko. Sa taong ayaw sa existence ko pero heto at na sa harapan niya pa rin ako. Kahit anong pilit kong pigilan, mas lalo lang lumalala.
"Nababaliw ka na ba?"
"Crazy? Maybe yes. It hurts like hell when you're pushing me away but my stupid heart still wants you." My voice suddenly cracked.
"Can you please stop?"
"Loving you is like breathing, how can I stop?" I uttered.
He sighed.
"Learn to take a hint. I don't like you and I don't care if you like me so please, stop bothering me." he calmly said.
Alam ko 'yon. Alam kong wala talagang pag-asa pero bakit ang sakit pa rin? Lalo na at diretso niya itong sinabi sa akin.
It hurts to know that he will never look at me the way I look at him.
Huminga ako ng malalim bago salubungin ang mga mata niya. Tumatama sa mukha ko ang malamig na hangin habang namamayani ang katahimikan sa pagitan namin.
"Aiden, give me twenty days. I promise, pagkatapos ng dalawangpung araw na 'yon ay aalis na ako. Hindi na kita guguluhin at siguro pagkatapos ng twenty days na 'yon ay matatanggap ko na talaga na hindi ako 'yong gusto mo. Just please..."
Normal pa ba 'to? Na hilingin ko pa ito sa kaniya? Tama siya desperada na ako, ewan, hindi ko alam. Ang alam ko lang gusto ko siya, baka nga higit pa roon.
"Twenty days and I promise, this is my last favor." Even my chest hurts so bad nagawa ko pa ring ulitin ang sinabi ko. Yes, this is our deal.
I like him so much but it turns out he didn't like me. He wants me to leave him alone, he didn't care about me but I care for him a lot.
Hindi makapaniwalang tinignan niya ako ng seryoso sa mga mata, tinatant'ya kung seryoso ba ako sa sinasabi ko. Nang masigurong disidido na ako ay napabuga siya ng hangin at tumingin sa ibang direksyon.
"Kapag ba pumayag ako sa gusto mo ay aalis ka na?" saad niya pagkatapos ng ilang segundo. Wala pa rin sa akin ang tingin. "Kapag ba pumayag ako ay lulubayan mo na ako?"
Sandaling akong natahimik dahil doon. Iniisip kong mabuti ang isasagot ko, iniisip na rin ang maaaring mangyari pagkatapos nito.
Pinagmasdan ko si siya habang siya naman ay nakatingin sa mga nagtataasang gusali. Ang payapa niyang tignan, tama bang ituloy ko ito? Magiging selfish ba ako kung itutuloy ko ito kahit alam kong ako lang naman ang sasaya?
Bahala na.
"Oo, huli na 'yon." Pagbasag ko sa katahimikan.
"Deal," mabilis niyang sagot. May kung anong umalon sa dibdib ko ng pumayag siya.
"I just want to make it clear. Pumayag ako dahil gusto kitang umalis at hindi dahil sa may gusto ako sa 'yo. I want you to leave, don't show your face ever again." My smile faded, pakiramdam ko ilang oras na lang ay tutulo na ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.
''Kahit kailan hinding-hindi ka magiging siya kaya huwag ka ng umasang magugustuhan din kita,'' dugtong niya pa. Tumango lang naman ako.
Ang risky mong mahalin. There's happiness, pain, pangamba at takot but yeah... I'm willing to risk it all just for you.
Loving you was the most exquisite form of self destruction.
Twenty days, I will make that days happy and memorable.
YOU ARE READING
Before This Moment Is Over
Teen FictionHave you ever fall in love with someone who can't reciprocate your feelings back? Have you ever fall in love with someone but they just pushing you away? This story is for the girl who fall in love with a man who can't love her back, she begged, cri...