Chapter 3

89 67 6
                                    

Panibagong araw, panibagong gawain na naman. Ayon naman ang kadalasang nangyayari sa highschool life ng mga estudyante. Papasok ng malinis at fresh ang itsura at isip, uuwi ng pawis at tustado ang utak sa tambak na gawain.

"Hello, Zary!"

"Hi, Zary. Fresh ah,"

"Yow, Zary, morning!"

I just gave them a wide smile before I waved my hands at them. "Hello, good morning!" I smiled once again before I sit in my chair. Hindi pa ako nakakatagal sa pag upo ay nawala na ang ngiti ko ng magulat sa presensya ni Liam na kanina pa pala nakatingin.

"Celebrity yarn?"

"Hindi, ah," tanggi ko. "Why are you here pala?"

"Bakit ayaw mo?"

"Medjo," sagot ko, umakto naman siyang nasaktan habang hawak ang dibdib niya. Ayan na naman po siya.

"Ang harsh mo naman idol ayoko na sayo. You're not good influences!"

Natawa na lang ako sa sinabi niya, matalino si Liam pero minsan pinagdududahan ko na.

"Anong influences, influencer kasi. Siguro mais ka nung past life mo ano?"

"Kita mo na! Ang sama mo. Sinasaktan mo ang puso ko."

Tinulak ko ang mukha niya bago natawa, nang mapalingon ako sa ibnag estudyante ay doon ko lang naalala na may presentation pala kami ngayong araw. "Ay, ano na pala nangyari sa iprepresent natin?"

"Ayon na nga, tara punta tayong library," sabi niya bago ako hilain. Bumitaw naman ako agad ng may mahulog na gamit ko, ang likot talaga nito ni Liam.

"Baket pupuntang library?" tanong ko habang nasa hallway na kami.

"Si Miss na nagsabi mag research na daw tayo ngayon, eh." 

"Eh, bakit 'yong classmates natin hindi sumunod?"

"Susunod din ata sila, ako kasi sinabihan ni Miss."

Itong si Liam hindi ko sure kung dito ba talaga 'to sa amin ngayon, eh. Palagi kasi 'tong nag-iiba ng klase, minsan history yung subject nila pero pupunta siya sa subject namin.

"Ay wait, si Lina na saan?" Hinawakan ko yung braso niya para matigil siya sa kakahila, ang sakit na ng braso ko.

"Ayun nga, eh. Na sa baba na tapos pabagal bagal ka d'yan," Hinila niya na uli ako hanggang sa makarating kami sa library.

Iyong totoo, hobby niya ba ang manghila?

"Oh, Zaryyyy!" Tawag sa 'kin ni Lina sabay takbo para yakapin ako.

"Bakit absent ka pa rin kahapon? Dalawang araw kana agad absent" I asked while pouting, sabi niya sa text isang araw lang absent niya. Naging dalawa.

"Kasi si Mama umalis na naman, walang magbabantay kay lolo kaya ako muna yung nagbantay sa kaniya."

Humahanap kasi ng trabaho ang mama ni Lina kaya't tuwing umaalis ito para mag-apply ay walang naiiwan para bantayan ang lolo niya. Hiwalay na ang mga magulang niya, 'yong papa niya ang sumusuporta sa bayarin sa school dahil may kaya ito.

"Basta pag may problem ka, don't hesitate to tell us agad, ah? We're always here for you," I smiled.

"Oo naman, salamat."

"Saan kang group?" Pagbabago ko sa usapan.

"Dito, nagpaalam ako kay Miss na rito na lang ako. Pumayag naman kaya  magkasama tayo ngayon kahit late ako." She giggled before she hugged me.

"Tama na yan, puro kayo yakapan 'di kayo nangsasali," singit ni Liam dahilan para kumalas si Lina ng yakap.

"Sus kunwari ka pa, alam mo Anderson 'yang mga galawan mo luma na 'yan. Kung sa amin hindi gagana, paniguradong sa isang 'to, oo." binigyan ng makahulugang tingin ni Lina si Liam pero hindi ko na-gets. Hinila niya si Liam at nagyakapan kaming tatlo, my two bestfriend are hugging me right now, my heart.

Before This Moment Is OverWhere stories live. Discover now