Kumain lang kami habang nag-aasaran doon, hindi talaga kumpleto araw ni Liam na wala siyang inaasar. Ayon ata kaligayahan niya. Nang matapos kami sa pagkain at sa pagdadaldalan ay nilinis na namin ang lamesa namin bago lumabas ng cafeteria.
"Uy, tara bilisan na natin mala-late na 'ko," Nagmamadaling sabi ko habang nakatingin sa hello kitty watch ko.
"Oh, edi tara na. Kalma ka lang malakas ako sa mga teachers," sabi niya sabay hila sa'kin. Ginulo niya pa yung buhok ko.
"Bakit ka sasama sakin?" I asked, baka naman classmate kami sa next subject.
"Chemistry rin ako ngayon e."
"Walang nagtatanong."
"Nagtanong ka talaga."
I met him when I was a freshmen, wala akong kakilala rito pero siya 'yong unang araw pa lang ay binulabog na ako, lagi niya akong inaasar pero inaasar ko rin naman siya kaya naging masaya 'yong first year at mga susunod pa dahil sa kaniya. Our friendship is four years long and still counting.
Samantalang si Krilliene Lym whom we called Lina ay nakilala ko ng second year ako dahil kaklase ko siya at si Liam no'n kaya mas naging dikit kami palaging tatlo, kaya kami ni Lina three years and still counting. Mas nakakasama ko nga lang si Lina kasi kapag nagkwekwentuhan kami tungkol kay Aiden my loves.
Omg hindi ko pa pala nakikita si Aiden, 'di bale hahanapin ko siya mamayang uwian .
Nang makapasok ay umupo kami sa bakanteng upuan kung saan magkatabi kami.
"Class, Bibigyan ko kayo ng group at kayo na ang bahala kung sino ang magiging leader niyo dahil kapag pinagpili ko lang kayo kawawa yung iba, okay so ito ang group one..."
"Pst Lay!" Tawag sa akin ni Liam.
"Oh?" Pinapakinggan ko kung saang group ilalagay yung pangalan ko.
"Lalayo 'ko, baka 'di tayo mag ka-group neto." Napakamot pa siya ng ulo, oh gosh don't tell me, he has a kuto?
"Hindi ah ayan oh may listahan si Ma'am." Turo ko sa hawak na papel ng teacher sa harap.
Para sakin ayos lang kahit saan ako mapunta 'di naman ako choosy saka chemistry naman kami ngayon, favourite subject ko.
"Group three ito ang mga member.." Sinulat ni Ma'am sa board ang mga surnames kaya dun kami tumingin.
Ross
Anderson
Impren
Mallaci
Villin
Carson"Oh, magkaroup tayoo!" Biglang sabi ni Liam sa tabi ko, tuwang tuwa. Eh, lagi naman kami magkagroup kapag gan'tong groupings.
Nung pinapunta na kami sa kaniya kaniyang grupo ay nakita kong kumpleto naman kami, pinasadahan ko ng tingin ang bawat isa.
Liam xiem anderson
Kayt impren
Rayzold Mallaci
Fren Villin
Jaywerd Carson
At syempre ako.Kinilala lang namin ang bawat isa at nagbigay ng leader at pangalan ng group bago umuwi. Napagkasunduan naming Analytical ang name ng Group namin.
It has a meaning kasi. You're analytical if you are good at taking a problem or task and breaking it down into smaller elements in order to solve the problem or complete the task.
Naisip ko lang naman na parang maganda yung meaning kaya ayun nalang yung name ng group, pumayag naman sila, cute kaya.
"Bye Zary!" Paalam ng mga kaklase ko.
"Bye bye, ingat kayoo!" I smiled while waving my hand.
Para namang ang swerte ko ngayong araw dahil saktong paglabas ko ng room ay nakita ko si Aiden na dadaan sa harap ng room namin, sa gilid niya ay nakabuntot ang nga kaagaw ko.
"Aideeen babeeeeee!!"
"Pogii moooo kyaaaaa!!"
"Akin ka nalang waaaaa!!"
"Ang hot mo!"
Kahit anong sigaw nila ay hindi sila pinapansin ng Aiden ko, Ha! He's loyal sa akin, sorry girls.
"Aiden!" Sigaw ko nung sa harapan ko na siya dadaan.
Tumingin siya sa akin habang unti-unti ang paglapit niya. Ngiting ngiti akong hinihintay siya na makalapit sa pwesto ko ng biglang—
Nilagpasan ako!
Napatigil ako saglit sa kinatatayuan ko dahil talagang nilagpasan niya lang ako, magkadikit na sana kami pero umiwas siya. Nalanghap ko pa nga ang mabango niyang amoy.
"Aiden, uy!" Nang makabawi ay agad ko siyang hinabol. Hinila ko ang laylayan ng uniform niya na agad kong pinagsisihan dahil humarap siya sa akin at inis na tinapunan ako ng tingin.
God he's so handsome, kahit naiinis siya.
"Ano ba! Ang kulit mo talaga, don't you dare touch me again," Instead of being scared, I smiled. His voice is like singing angels in my ears.
"Syempre naman, oy di mo sinabi sa'kin na dito rin pala building mo, ha!"
"Why? required ba?" Pilosopong sagot nito. Ang sungit naman buti sanay na 'ko na masungit siya simula second year ako ay crush ko na siya, eh.
"Sungit mo, tara kain tayo." Hinila ko bigla ang braso niya at pinilit na umalis doon, habang ginagawa ko 'yon ay iniisip ko kung saan kami pupunta. Sa tapsilog kaya? O kaya sa bilihan ng ice cream!
Nakita ko yung mga tingin sakin ng girls sa paligid na parang gusto na nila akong katayin at pisapisain.
"Ayoko nga, may gagawin pa ako saka bitawan mo nga ako." Inis na hinila niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko bago akong talikuran at iwan na talunan kasama ang mga babae kanina.
Nung tignan ko ulit yung mga girls parang natuwa pa sila na nireject ako ni Aiden, so mean.
Nakasimangot ko siyang sinundan ng tingin palayo. Kahit ganyan siya gusto ko pa din siya three years ko na siyang gusto kaya three years ko narin siyang kinukulit.
Pano ako hindi magkakagusto sa kaniya? He's perfect, halos lahat ng babae dito ay may gusto sa kaniya at hindi lang dahil sa looks ko siya nagustuhan. He's also smart and kind, well sa kaibigan niya lang ata siya mabait, ang sungit niya kasi palagi sa 'kin, ang unfair.
"Oh, bakit naka busangot yang pagmumukha mo?" Tanong ni Liam na bigla nalang sumulpot sa isang tabi. Sinundan niya ng tingin yung tinitignan ko saka tumango tango.
"Haynako, sabi kasi sa'yo e' 'wag mo ng gustuhin yan si aiden, wala ka namang pag-asa d'yan. Kita mo oh ilang taon mo na kinukulit hindi ka pa rin pinapansin, nako ka talaga" saad niya sabay umiling- iling. Pinitik niya rin ang noo ko.
Hindi ko alam kung saan ako mas nasaktan, sa pitik ba ni Liam sa noo ko o sa katotohanang wala akong pag-asa kay Aiden.
"Alam mo Liam, kaya nga tinawag na crush. They're not obligated to like you back, just admire them from afar!" Ngumiti na lang ako pagkatapos kong sabihin 'yon.
"Pero bakit? Pangit ba ko? Kapalit palit ba ko? Sagot!" I acted.
"Naii-stress kagwapuhan ko sa'yo. Ewan ko kasi sa'yo ang tigas ng ulo mo, dapat kasi ang gustuhin mo ay yung 'sing gwapo ko hindi yung ganiyan ka-gwapo. Laging nakakunot 'yong noo akala mo pinaglihi sa bomba noong word war two." litanya niya na kinatawa ko naman. "Tara bili tayo ice cream para hindi ka na malungkot." Kinotongan pa niya ko ng mahina bago ako hinila paalis doon.
"Libre mo?" masayang tanong ko habang naglalakad kami sa hallway.
"Niyaya lang kita, hindi ko sinabing ako magbabayad."
"Dali na, Liam. Gusto ko cookies and cream, ah?" I gave him cute smile that he can't resist.
"Oo na, 'yan ka na naman sa ngiti ngiti mo. Tara na nga." Ginulo niya ang buhok ko bago ngumiti.
How I wish na sana si Aiden ang gumaganito sa akin. Na siya 'yong kasama ko ngayon. Pero okay na rin naman, ayoko siyang maging kaibigan kagaya ni Liam. Gusto ko more than that pa.
But deep in my heart, I'm hoping na sana nga sa ibang pagkakataon, makasama ko si Aiden ng hindi niya ako sinusubukang itaboy at ilayo sa kaniya.
YOU ARE READING
Before This Moment Is Over
Teen FictionHave you ever fall in love with someone who can't reciprocate your feelings back? Have you ever fall in love with someone but they just pushing you away? This story is for the girl who fall in love with a man who can't love her back, she begged, cri...