CHAPTER FIVE

12 3 0
                                    

Kiara POV

Bigo kami sa paghahhanap ng victory flag. Ang malas naman kasi dahil hindi namin namamalayan nasa labasan na pala kami, kaya no choice... Ayun, wala na ang 10K, sayang... Marami na rin ang nagbalik na kasamahan namin ngunit walang victory flag na daladala nila... Palibhasa, ang hirap hanapin.

Napansin kong nandito na ang barkada, si Akira lang ang wala,,, ibig sabihin, nasa gubat parin sila... Nakita ko na rin na nandito sina Vinz at Emma, kararating lang nila.

"Wala pa ba sina Akira at Al" tanong ni Nicole ng makalapit sya... 

"Wala pa..." sagot ni El at tinignan ang oras sa phone nya.

"11:45 na guys pero wala pa sila"

"Baka naman pabalik na sila" sabat ni Alvin

"Baka naman nagdate pa..." nakangising sabat din ni Kris

"Hahaha, ang dami mong alam Kris..." sakratikong turan ni El at pinandilatan ito ngunit tinawanan lng sya ni Kris.

"Ang mas mabuti pa, doon muna tayo sa waiting area, hihintayin natin sila,,, malay natin nasa kanila ang victory flag..." Christy...

"I think so..." El saka naglakad,,, sumunod naman kami sa kanya...

Al POV

Nahanap na namin ang puting saka ng victory flag... Sobrang saya nga ehh, lalo na itong kasama ko. Kahit pagod na pagod na, worth it naman sa huli...

*Flash back*

Napadpad kami sa isang liblib na lugar... tahimik, tanging ang mga huni ng ibon lang ang lumilikha ng ingay pero masarap naman itong pakingan at saka maraming nakatayong bahay kubo. Malinis ang kapaligiran kaya makikita mo kung gaano kalawak ang lugar. Bukod sa tahimik at malinis, sariwa rin ang hangin,,, ang sarap mamuhay ng ganito siguro. Bukod pa don, maraming prutas ang nakatanim, may strawberry, grapes, mangga, at iba pang bungang kahoy.

Ang nakakapagtaka lang a kung bakit wala ni isa kaming makitang tao.

"Enchanted din kaya ang lugar na ito..."

"Ewan ko lang pero parang may kakaiba dito"

"Ano nanaman" kunot-noo kong tanong.

"Ayun," sya at dali-daling kinuha ang puting watawat...

Agad din kaming umalis sa liblib na lugar na iyon. Kasi kahit ako, may nararamdaman din akong kakaiba. Medyo weird nga ehh.

Pabalik na kami at ito dadaanan nanaman namin ang daan kung saan namin unang nahanap ang red flag pero mas nakakatakot na kasi ang maraming uwak na ang nakadapo sa bawat sanga.

"Ang weird" dinig kong turan ni Akira habang pinagmamasdan ang bawat puno.

(Time Check : 11:50 A. M)

"10 minutes nalang ang natitirang oras, hindi parin natin nahahanap ang victory flag..." anya ko

"Relax, mahahanap din natin" mahinang wika nito, kinuha ko ulit ang tubig at inabot ito sa kanya.

"Thanks" turan nya... Nginisihan ko lang ito.

"Doon tayo..." ako at hinila sya papunta sa daan na nakita ko, hindi na ito nakakatakot na daan kasi okay na.

Nasa kalagitnaan na kami ng daan ng biglang may gumalaw sa bandang kanan, hindi ito napansin ni Akira kasi nakatuon lng ang atensyon sa harapan. Agad akong huminto kaya napaatras sya.

"Ohh, bakit..." tanong nya.

"Nakita mo iyon..."

"Huh! Saan..."

When The Moon Meets The Sun Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon