Haruka's POV
Nasa veranda ako ng biglang may sumabog sa hindi kalayuan dito sa mansion, napatingila ako at nakita ko si Fal na palapit sa kinatatayuan ko. Nang makadapo sya, napansin kong duguan ito at ramdam ko na nanghihina sya. Nagpalit anyo na sya bilang tao, malalim ang naging sugat nya sa braso.
"What happen?" galit na tanong ko pero huli na ang lahat, wala na syang malay,,, hinubad ko ang damit nya at nakita ko ang napakalalim na sugat nya sa tiyan na halos lumabas na ang laman loob nya. Sya na nga lang ang nag-iisang kasa-kasama ko sa panahon na wala pa ang angkan ng bampira, mawawala pa sya. TANGINA! Napasuntok ako sa sahig sa sobrang galit dahilan para magkaroon ng malaking pagkabitak.
Tatayo na sana ako ng mapansin kong may nakaukit sa kamao nito, isang maliit na papel, kinuha ko ito at binuklat.Laman ng papel.
Haruka,
Ibigay mo sa amin ang susi ng lagusan
kung ayaw mong....ubusin namin ang angkan mo.
_Naraku_
Kinuyom ko ang aking kamao at tinungo agad ang Paraiso at ganon na lamang ang aking pagkagulat, maraming bampirang nakahandusay at malapit nang maging abo.
"HARUKA" boses ni Bryzon sa likuran, napapalaban sya kaya agad ko itong tinulungan. Ilang sandali pa ay mas lalong dumadami ang kalaban.
"SETOKA, SA LIKOD MO" sigaw ko at mabilis naman ang ikinilos nya. Sinugod ako ng apat na bampira, inisa-isa ko silang tinignan,,, mahahaba ang kanilang pangil kaysa pangil ng isang normal na bampira. Agad kong sinuntok ang isa at napabuga ng dugo, yung tatlong bampira sabay nila akong inatake, buti nalang at nakailag ako sa sipa ng isa. Ginamitan ko sila ng hangin at napatilapon ng malayo, sinundan ko sila at agad na dinukutan ng puso, naging abo agad sila.
"HARUKA, WATCH OUT..." paglingon ko at gagawa na sana ng depensa pero huli na ang lahat, nasakal ako ni Naraku.
"Nasaan ang susi ng lagusan" nanlilisik ang mata na tuon nito at diniin ang pagkakasakal sa akin.
"BITAWAN MO SYAHH" sigaw ni Setoka at buong puwersang sinugod si Naraku at napatilapon naman ito kaya nabitawan nya ako.
"Ayos ka lang" tanong nya na tinanguhan ko naman. Tumayo ako at sinundan kung saan napatilapon si Naraku ngunit wala ito. Naramdaman ko nalang ang presensya nya sa likod...
"Haruka" paglingon ko sakto naman ang pagsapak nya sa akin kaya napatilapon ako at tumama ang aking katawan sa wall ng palasyo, bumagsak ako sa lupa. Hindi ko akalain na ganon sya kalakas, napabuga nalang ako ng dugo ng maramdaman ko ang paghihina ng aking katawan. Bago ko maisara ang aking mga mata, nakita ko si Naraku na hawak na nya ang susi sa lagusan at doon na ako nawalan ng malay.
__________________________________Ruka's POV
Nakita ko kung paano napabagsak ni Naraku si Haruka, tumama ito sa wall ng palasyo, malakas ang puwersang iyon dahil nagkaroon ng malaking pagkabitak ang dingding, bago sya bumagsak sa lupa kitang-kita ko kung paano nakuha ni Naraku ang susi,,, ang bilis ng kilos nyang iyon. Lalapitan ko na sana ang walang malay na si Haruka ng ako naman ang tumilapon sa malayo. Bumangon ako kahit na napipilitan at tinungo ang lugar pabalik kung saan nakahandusay ang katawan ni Haruka.
~
Nadala agad si Haruka sa Mt. Erebus upang doon na gamutin, wala kasing malakas na mahika ang kayang gamutin sya kahit pa ang pinakamagaling na manggagamot dito sa Paraiso. Tinawag din ni Cazmir ang Enchantress at si Imaw Muraya pero wala silang nagawa.
BINABASA MO ANG
When The Moon Meets The Sun
VampireIt is all about a girl who had been a vampire since then but she doesn't know it. One night, she had a nightmare. A total eclipse. She doesn't know what's the meaning of her dream and why she always dreamed about it. Until the time has come and the...