CHAPTER SEVEN

16 2 0
                                    

Akira POV

Nagising nalang ako sa ingay ng mga taong nag-uusap. Bumangon ako at nag-inat saka iginala ang tingin sa paligid. Wala namang katao-tao pero paano nagka-ingay ng ganon, masyadong malakas.
Iginala ko ulit ang aking paningin, nasa isang kwarto ako , malawak naman kaya lang ang creepy ng mga design sa wall.

Napako ang atensyon ko sa madilim na sulok ng kwarto,,, parang may tao dun at kanina pa nakamasid sa akin. Hindi nga lang ako sigurado.

"May tao ba dyan..." anya ko saka bumaba sa kama at naglakad papunta sana dun ng---

"Gising na sya panginoon..." tinig ng isang lalaki na nagmumula sa madilim na sulok ng kwarto kaya napatigil ako.

Isang itim na uwak ang lumabas mula doon at kasabay non, isang pamilyar na lalaki na hindi ko alam kung saan ko ba ito nakita.

"Nasaan ako?" pagtatanong ko sa kanya pero wala syang naisagot, basta nalang sya nakatingin sa akin ng deretso.

"Nasa mansyon ka ni panginoon..." tinig ulit ng lalaki kanina. Nagtaka naman ako kasi wala naman syang kasamang lalaki maliban lang sa itim na uwak.

"May iba ka bang kasama, huh!" tanong ko ulit pero ganon pa din sya. Awkward. Or maybe, pipi sya. Sayang, may itsura pa naman sya.

"Hindi pipi si panginoon"

Napalunok ako ng ipagaspas ng uwak ang kanyang pakpak then suddenly, naging tao ito,,, mala-adonis ang dating nya. Gwapo ganon... Napakurap-kurap nalang ako sa nasaksihan, hindi kapani-paniwalang pangyayari.

"Teka nga lang, paano ba nangyari iyon. Isang uwak, naging tao, hahaha,,, how come..." naguguluhang tanong ko.

"Wala ka sa mundo ng mga tao, nandito ka sa ibang mundo..."

"What! Is this a dream..."

"This isn't a dream Akira, it's real..." yung lalaki na ang sumagot kaya liningon ko sya.

"W-what and how did you know my name"

"Hindi pa ba obvious sayo. Ako ang lalaki sa eclipse and remember what I told you. The eclipse will tell you everything."

"Haha, ibig mong sabihin--- ikaw ang lalaki na kausap ko sa isla."

"I am"

"You're not kidding, right" natatawang, naguguluhang anya ko. Ano ba, ano bang nangyari.

Damn it, kailangan kong makaalis dito. Ayoko ng ganito at kung panaginip man ito, kailangan ko ng gumising...

"Nasaan ba ang cr nyo..."

"Samahan mo sya"

"Masusunod po panginoon"

"Haha, I don't need companion, kaya ko na..." pagsasagot ko at dali-daling tinungo ang pintuan saka ito binuksan.

Wtf! Ba't kailangan ba talagang mahaba ang hagdan papunta sa baba... Ampotahh.

Binilisan ko ang takbo at ng nasa baba na ako, muntikan na akong madulas dahil sa sobrang gulat. Ang bilis ng pangyayari.

"Whoahh, planning to escape, huh!" nakacross-arm na turan nito. Damn it.

"Sandali nga lang, diba nasa itaas ka? Pa-paano ka nakababa dito ng ganon kabilis, may elevator ba kayo dito."

"A-anong elevator" kunot-noo na tanong nito.

"Hindi mo alam. Hahaha, OMG. Anong klase ba kayong tao, inosente,,, hahahahhaha, funny ka rin ano, elevator hindi mo alam..." sakratikong turan ko.

When The Moon Meets The Sun Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon