walang iba pt. 1 {Stell AU}

27 4 2
                                    

SB19 stell ajero x childhood friend reader

tagalog; first person; (Y/N)

warnings: none. just my poor writing & some grammatical errors.

as always, everything is pure fiction.

disclaimer: use of actual names and actual places are used in a fictional manner. Note that the actual persons' names used do not reflect them and their personalities.

---

"~~Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa.~~"

"(Y/N), hanggang kailan mo ba uulit ulitin 'yang 'Hanggang Sa Huli', ha?" naiiritang sabi sa'kin ni Alyssa.

"Wala ka namang mapapala. Kahit ilang beses mo pang pakinggang kantahin ni Stell yang 'walang iba, walang iba' na 'yan. May iba na siya, (Y/N)." dagdag pa niya.

Alam mo, mapanakit din 'tong kaibigan ko na 'to.

"Kung wala kang magandang sasabihin, umalis ka na sa kwarto ko bago mo 'ko mainis. Bumaba ka na lang do'n sa kusina, mag luto ka ng Yopokki." sabi ko sa kanya habang nakahawak sa unan ko na waring ibabato ko sa kanya.

"Ayan, Yopokki pa, sige saktan mo lang sarili mo (Y/N). 'O siya sige, lutuin ko na yang Yopokki mo." umalis na siya at sinara ang pinto ng kwarto ko.

"Hay, Yopokki nga pala yung sponsor niyo sa una niyong short film ng SB19." bulong ko sa sarili na waring kinakausap si Stell.

Ako si (Y/N), childhood friend ni Stell. Bago pa siya magsimula sa career niya sa pag p-perform at pag sali sa mga competition sa iba't ibang lugar at bansa, magkaibigan na kami. At sa mga panahong iyon, na-realize ko na nagugustuhan ko na siya. Iyon nga lang, kuya ko siya. 21 ako at 26 na siya. Kung iisipin ng ilan, ano naman kung ganon?

Pero kasi...

2 years ago

"Stell, I have a gift for you." sabi ko habang hawak-hawak ang box na regalo ko para kay Stell.

"Aba hindi mo 'ko kinu-kuya ah. Bakit anong meron? Ba't may pa-ganito ka? May kailangan ka 'no. 'Di mo na ko kailangang bigyan ng ganyan, ito naman! Alam mo namang malakas ka sa'kin kahit anong hilingin mo." sabi ni Stell sa akin.

"Sige na nga, ano ba kasi 'to?" at kinuha na niya ang box na hawak ko at binuksan na rin ito.

Hoodie iyon na kulay pastel pink at may maliit na print na strawberry.

"Wow! Ang ganda! Thank you (Y/N)." sambit niya sa akin habang nakahawak sa hoodie na binigay ko.

"Suotin mo na! Look I got mine too, matchy matchy tayo!" I said it with a big smile on my face.

At sinuot na rin ni Stell ang hoodie.

Nasa studio kami ng SB19 kung saan sila nag p-practice. Lagi siyang nauuna sa practice nila at minsan siya lang mag isang nag p-practice dito. Alam na alam ko na ang schedule niya kaya sinakto ko talaga na siya lang ang nandito sa studio.

Nag mirror selfie pa muna kami habang suot namin ang hoodies namin.

This time, I was really clingy to him than usual. Nakayakap ako sa kanya sa mga mirror selfies namin. I was getting too comfortable with him.

"So ano nga meron? Dahil ba 'to sa malapit na debut namin? Napaaga naman ata yung regalo mo, 'di pa naman na r-release yung debut song namin." sabi niya.

"Stell-" napahinto ako dahil bakas na sa mukha niya ang pagtataka at mukhang naguguluhan dahil hindi naman kami ganito sa isa't isa, hindi kami clingy, at hindi rin kami 'yong tipo na mag su-suot ng matchy na damit, at lalo na dahil hindi ko na siya tinatawag na 'Kuya Stell'.

MHLM (Mahalima) // SB19 One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon