walang iba pt. 2 {Stell AU}

15 3 4
                                    

Nabitawan ko ang chopsticks na hawak ko nang ma-realize ko kung sino siya..

Stell???

"A-an ano-" hindi ako makapaniwala.

"Bakit ngayong oras ka lang umuwi?" he interrupted me.

"H-ha?" pagtataka ko. Hindi pa rin alam kung paano ip-process lahat ng nangyayari.

"Sabi ko, bakit ngayon ka lang umalis ng campus? Anong oras na oh!" naiinis na sabi niya pero may halong pagaalala rin.

"Ano kasi-"

"Hindi, sige kumain ka na lang muna d'yan. Kailangan mo 'yan." bumuntong hininga siya.

Totoo ba 'to? Nasa harapan ko na ulit siya?

Yung lalaking pilit kong kinakalimutan,

Yung lalaking iniwan ako sa ere?

"S-salamat nga pala kanina." tinapos ko muna yung kinakain ko bago ako nagpasalamat sa kanya.

"Kung hindi dahil sa'yo baka kung napaano na ko-" napahinto ako sa pagsasalita nang bigla siyang tumayo sa inuupuan niya. Kinuha niya ang bag ko pati na ang mga plates ko at saka niya ako hinila sa braso ko paalis ng store.

"Sa'n tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang nag lalakad na kami palabas.

Pero hindi siya nag sasalita.

Napakaraming tanong ang gumugulo sa isip ko ngayon. Pero hindi ko alam kung paano ko masasabi sa kanya ang mga iyon.

Nang makarating kami sa isang sulok, tumigil siya at isinandal ako sa pader.

Saka siya nagsalita.

"I c-can't lose you... again." ibinulong niya sa sarili pero narinig ko.

Tinignan niya ako sa mga mata ko.

His eyes seemed like they're in despair.

"Noong umamin ka sa akin noon.." bumuntong hininga siya.

"Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya no'n." ipinagpatuloy niya.

Hindi ko maintindihan. Napasaya? 'E iniwan mo nga ako noon?

"Pero napangunahan ako ng takot.. Because you were young, and I- I didn't want to take advantage of that." sambit niya.

"S-stell-" hindi ko na alam ang sasabihin ko. At naluha na lang ako.

"Sana mapatawad mo ako, mahal ko." sabi pa niya

"Hindi, hindi. Nauunawaan ko." sambit ko habang umiiling.

He smiled, but his eyes were still sorry.

"(Y/N), ikaw lang at ikaw pa rin." and a tear fell down from his eyes.

"'Wag ka nang umiyak.. mahal ko." at pinunasan ko ang luha niya.

His face lit up when I said 'Mahal ko.'

"Pero totoo ba talaga 'to? M-mahal mo ko?" hindi pa rin makapaniwala sa sinasabi ngayon sa akin ni Stell.

"Oo. Oo, (Y/N). Matagal na." sambit niya habang tumatango.

Mas lalo akong naluha.

"Hindi na ako aalis. Hinding hindi na ako mawawala sa'yo." sambit ni Stell.

Then I sobbed.

He slowly lifted my face, and pressed his lips onto mine.

It was a gentle kiss yet sincere.

"Walang iba, walang iba. Wala nang hahanapin pa." bulong niya sa akin habang malapit pa rin ang labi niya sa labi ko.

"I missed you so much, (Y/N)." and he kissed me again.

"I will not leave you ever again."

-----

"(Y/N)???" sigaw ni Sejun nang makita akong pumasok sa studio nila na nakayakap kay Stell.

"Hala, si (Y/N)!" gulat din ni Justin.

"Uy namiss ka namin!" sambit naman ni Josh sa akin.

"Yow, you're back." bati ni Ken sa akin.

"Finally, Stell." ang sambit naman niya kay Stell.

"So like.. kayo na?" paguusisa ni Sejun sa amin ni Stell.

Tumango lang kaming dalawa at nagtatalon naman ang apat sa tuwa.

"Alam mo bang palagi 'yang nakaabang sa campus niyo, makita ka lang." sabi ni Sejun sa akin.

"Ta's pagkatapos ng practice namin, mag aabang 'yan sa campus niyo kung nakauwi ka na ba." dagdag pa ni Justin.

"Ha? Hindi ko alam 'yon mahal ah!" napatingin ako kay Stell.

At napakamot na lang siya sa ulo.

"Mga buang talaga kayo. Tigil tigilan niyo ko ah. Manahimik kayo d'yan." sabi naman ni Stell doon sa apat. Natawa na lang ako.

"Pero hindi nga, pa'no 'yon?" pagtataka ko pa rin kay Stell. Na-curious ako kung paano niya 'yon ginagawa nang hindi ko manlang napansin kahit kailan.

"Basta 'wag mo na alamin, mahal. Haha." sagot niya.

"Tapos alam mo ba-" dadagdag pa sana si Justin pero binato na siya ng bag ni Stell.

As usual, mapangasar na tawa pa rin si Justin.

Hay, namiss ko silang lima. Sobra.

Habang nagkakatawanan sila, tinignan naman ako ni Stell at bumulong siya.

"I love you."

And I smiled.

-The End-

MHLM (Mahalima) // SB19 One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon