"Grethel..." malambing na pagtawag nya sa pangalan ko.
"Anong kailangan mo?" masungit na tanong ko.
"Oh? Akala ko three days lang?" natatawang tanong nya na parang 'yon ang pinakanakakatawang joke.
Duh.
"Walang nakakatawa." inis na sabi ko.
"Tss. Tatlong araw na nga akong lumayo sa'yo dahil nagagalit ka kapag nakikita mo 'ko." nakangusong reklamo nya.
"Dahil tuwing nakikita kita, naaalala ko 'yong nangyari no'ng nakaraang araw!" galit nang sigaw ko kaya naitikom nya ang bibig nya para pigilan ang pagtawa.
"Malay ko ba namang—"
"Pumasok ka sa kwarto ko kahit alam mo namang nagbibihis ako! N-Nakita mo tuloy 'yong a-ano ko!" inis na putol ko sa sinasabi nya.
Jeez! Bakit ako nauutal?
Mahina syang natawa. "Ano naman?"
"Ano naman?" nagtatakang usal ko, inulit lang ang sinabi nya.
"Ano naman kung nakita ko 'yong dugo mong tumutulo galing sa pusa mo? Eh, may dugo rin naman ako. Hindi nga lang lumalabas sa ari ko." natatawang sabi nya na mas lalo kong ikinainis.
"Gusto mo bang palabasin ko 'yang dugo mo sa buo mong katawan?!" sigaw ko.
"Hindi. Gusto kong palabasin mo 'yong ano—" nakangising sabi nya kaya no'ng pinanliitan ko sya ng mga mata, natigil sya. "Joke lang."
"Layas!"
"Tss. Kanina ka pa, ah? Bakit ba pinapalayas mo ako? May lalaki ka ba?" inis nang tanong nya.
"Seriously? Iniisip mo bang kaya kita pinapaalis ay para makapunta dito ang sinasabi mong lalaki ko?"
"Oo! Bakit naman hindi?"
"Ayaw lang talaga kitang makita dahil naiirita ako sa pagmumukha mo!" galit na talagang sigaw ko.
"Kung aalis ako, wala kang kasama dito!"
Ito ang ayaw ko sa kanya. Kapag wala akong kasama sa bahay, sya ang dumadating para samahan ako. As if may bigla na lang papasok dito para awayin ako o ano.
Not that na ayaw kong kasama sya. Gusto ko lang talagang mapag-isa tuwing may bumibisita sa 'kin. Lahat kasi ng tao, nasusungitan ko.
Kahit ang pamilya ko.
"Bakit mo 'ko sinisigawan?" nakasimangot na tanong ko, diverting his attention.
"Dahil sinisigawan mo rin ako! Sis, pwede kang magsalita nang mahinahon. Paano naman tayo magkakaintindihan? Alalahanin mo, may—"
"Shut up!" sigaw ko.
"Ilang araw na nga akong lumayo sa'yo tapos ganyan ka pa rin? Napakasungit mo!" sigaw nya.
Kita ko sa mga mata nya ang pagkainis. Kahit ako, naiinis na rin. Pero mas inaalala ko sya. Baka mamaya, toyoin bigla. Mabaliktad pa ang sitwasyon!
Minsan na nga lang sya lumapit sa'kin para manuyo, eh. Kadalasan kasi, ako ang sumusuyo sa kanya.
"Ngayong pinapaalala ko sa'yo lahat ng ginawa mo, iiwas ka! Ang gusto ko lang naman magsorry ka! Lahat ng kaibigan natin, may kalampungs. Tapos ako, wala? Ang daya!"
"Oo na, putek! Sorry na. Tumigil ka na nga dyan sa kabaklaan mo!" inis na sabi ko.
Minsan hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. May mga oras na gustong-gusto kong makita at marinig ang mga kabaklaang taglay nya.
YOU ARE READING
Memories Of A Penitent Heart
Teen FictionLet go of every broken piece and memory that will hinder you from moving forward.