Chapter 2

1 0 0
                                    

"Ohh..." malakas na usal ni Zeus nang mabunggo ko sya.

Gulat akong napatingin sa kanya dahil alam ko na ang nasa isip nya. As usual, paniguradong puro kabastusan na naman 'yon.

"Ahh..." mas malakas na usal nya nang batukan ko sya.

"Tumigil ka nga, Zeus! Ang lakas! Huwag kang maingay, boy! Baka mamaya marinig tayo ni tami." nanlalaki ang mga matang saway ko.

"Hayaan mo. Normal lang naman 'tong ginagawa natin..." nakangising sabi nya. "Normal lang namang gawin 'to ng isang lalaki at babae."

"Lalo na kapag nasa iisang kwarto sila, 'no?" sarkastikong tanong ko saka umirap.

"Sakyan mo na lang. Nakikinig si mommy sa 'tin." natatawang bulong nya.

"Huh? Paano mo naman nasabi? Eh, umalis na 'yon si tami kanina pa." bulong ko pabalik.

"Nararamdaman ko." saka sumilay ang nakakaloko nyang ngisi dahilan para tignan ko sya nang may nanlilisik na mga mata. "Bilis na kasi, Greth. Pagti-tripan nga natin, eh."

"Ahh... Zeus, ano ba naman 'yan! Ayusin mo!" kunyaring galit na sigaw ko.

Hindi ko alam kung bakit naging gano'n ang reaksyon nya. Napapikit sya at parang nagpipigil. Hindi ko alam kung tawa o inis.

"Hindi naman gano'n! Ayusin mo!" kunot-noong sabi nya, mahina lang.

"Pa'no ba?!" inis na sabi ko dahil hindi naman ako magaling sa mga ganto!

"Just moan, Grethel. Don't prevent yourself to moan my name."

Nanlaki ang mga mata ko sa binulong nya. Hindi ko alam pero kinilabutan talaga ako sa sinabi nya. Na halos lahat ng buhok sa katawan ko, tumayo.

Tofa, ano raw?

"Sira ka ba?!" inis na tanong ko dahilan para matawa sya nang malakas.

"Sakyan mo na lang kasi, Greth." sabi nya sabay kindat.

Huminga ako nang malalim. Sa totoo lang, hindi ako malokong babae. Nagiging gano'n lang ako tuwing si Zeus ang kasama ko.

Kaya tuwing magkakasama kaming lahat, magkakaibigan, palagi na lang kaming maingay ni Zeus. Nang-aasar kasi kami sa mga kaibigan namin, grin jokes. Hehe.

"Ewan ko sa 'yo." umiiling na sabi ko.

Nababaliw na talaga sya.

"Tulungan mo na lang akong buhatin 'to." natatawang sabi ni Zeus habang nakaturo sa box na nasa tabi nya. Sinubukan nyang buhatin ulit 'yon pero hindi nya talaga kaya.

"It's hard, Zeus. Do you want me to—"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto. Gulat akong napatingin do'n at bumungad sa 'kin ang hindi maipintang mukha ni tami.

Maputla ang kabuuan ng mukha nya at para syang natatae na ewan. Nanlalaki ang mga mata nya habang nakakunot ang noo.

"A-Anong ginagawa nyo?" nauutal na tanong nya dahilan para magkatinginan kami ni Zeus.

Pareho kaming napangisi nang mahulaan ang kinikilos ni tami. Mukhang naging effective ang mga sinabi namin kanina kaya sya nagkakaganyan.

"It's heavy, Grethel. Not hard." natatawang sabi ni Zeus habang nakatingin sa mommy nya. Napatingin si tami sa box, kung saan ako nakatingin.

"Ayy, mali ba ang paggamit ko ng english? Well... yeah." kunyaring napapabuntong-hiningang sabi ko. "Whatever."

Napailing si tami sabay ngiwi. "Sige na. Bumalik na kayo sa bahay nyo, Shai. Kayo talaga, pinapakaba nyo 'ko."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Memories Of A Penitent HeartWhere stories live. Discover now