Chapter 1

25 1 0
                                    

     “Im not wishing for an instant happily ever after. Im just hoping for a Real and Sincere Love that will make me believe in the existence of FOREVER” yan ang sinasabi ko lagi sa sarili ko dahil ang happily ever after ay sa fairytale lang yan nangyayari.

      Dati umibig nako pero nasaktan lang ako pero nakamove on nako don at natuto ako. Wala nakong pakyalam don. Minahal ko sya pero sinaktan nyako! Kaya ngayon sa lahat ng babae na minamahal ko di ko binibigay lahat minsan nga linoloko ko lang ang iba eh.

  Ako si Brian Elbert M. Porthanova,  Brian o Elbert ang tawag sa akin. Matalino, Mabait, mayaman, Matangkad, Maputi at Syempre Gwapo o Chickboy at Heartrobe--- Oo na mayabang ako at wala ka ng magagawa don. Di mo naman ako Mababago eh. Pasaway rin ako sa Klase pag nakaTrip ako pero pag hindi nanahimik lang ako sa tabi. At pinaka ayoko ay yung pinapahiya ako o sinasaktam dahil pagkatapos non maghintay sila dahil gaganti ako.

    Kami ang may ari ng kumpanyang HARRELSON na isang kilalang brand ng Damit, Bag at Sapatos. Fourth year Highschool sa St. Lorenzo Academy at Sikat ako don tanung mo man kahit kaninong estudyante sa SLA kilala ako.  A-St.Rita ang section ko at Pang Top 3 ako sa Room namin. Close ako sa lahat ng lalaki na kaklasi ko at ilan lang ang babaeng kinakusap ko sa room namin at ang iba di ko na pinapansin. Sino ba sila para pansinin ko pa?  Diba? At ito pa Nakakasawa rin pag dumaan ako sa Corridor. Merong mga FC kung Maka “Hi Brian” Wagas at ang iba  pag may dinadaanan akong grupo ng mga babae—Tumitili pagkalampas ko sa kanila. Pero may isang babae na parang Hindi ako nakikita at nakikilala Si Kimiko Kate B. Christensen ang Pinaka Matalino sa Room naming pero Mataray yon. Maganda nga pero no boyfriend since birth yon. Ang Daming nanliligaw dati sa kanya pero di nya pinanpansin kaya ngayon wala ng masydo. Siguro dahil alam rin nilang wala silang pagasa.

   “Tol” sabi ni Lorenz – Bestfriend ko simula elementary. habang naglalakad kami papunta sa Canteen. “Hayan nanaman siya, si Kate. Pustahan tayo di ka papansinin nyan”

   “Haha! Minsan lang yon at sinasabi ko sayo di lang ako narinig non kasi nga naka earphone sya.” Sagot ko.

  “ Sige nga Mag-Hi ka ngayon”  sabi ni Lorenz habang papalapit na sa amin si Kate at ang Mga Kaibigan nya. “ Pustahan di ka nya ulit papan—“

.  “Hi Kate” Sabi ko at Hinarangan namin sila at humarap ako kay kate at sinimulang kinausap sya at syempre pacute ako :’)

  “Pwedi bang umalis ka sa dinadaanan namin? Sino kaba?” Sabi ng mahinhin nyang boses at nagsimulang nagtilian ang mga kasama nya at sinisibukan nyang dumaan sa harap ko pero hinaharangan ko siya.

  “ Sorry Ms. Pero Di mo ba ako kilala, uhh? Kaklasi mo ko tapos tatanungin mo kong sino ako? Halos ata ng mga kaibigan mo kilala ako tapos ikaw … nagbibiro kaba?” Sabi ko habang linalapit ko ang mukha ko sa mukha nya at sabay kindat ng mata ko sa kanya.

  Inayus nya ang bangs nya at tumingin sa mga kasama nya tapos sa akin “ Sorry. Mr. You! Di man kita napapansin eh, kaklasi pala kita pero pleasseee umalis ka sa daanan?---Pleasse? May gagawin pa kasi ako” Sagot ni kate sa mahinhin paring boses habang tinutulak nya ang dibdib ko palayo sa kanya.

  “Ui Kate” Sabi ng isa nyang kasama na nasa likod nya. “Si Brian Elbert Por---“

  “Wala akong pakialam” Harang ni Kate

  “ Pahard to get kapa Kate, Crush mo rin nyan si Elbert eh. Kaw na nga yang pinansin nya oh..” sabi pa ng isang babae sa tabi nya.

 Tumingin ako kay Lorenz at ngumiti. “ Oha” sabi ko sa kanya sa mahinang boses. At ngumiti kaming dalawa.

  Pagtingin ko pulangpula na si Kate. “Nagpapatawa ka ba Cess? Ako magkakacrush sa mayabang at pangit nayan?” Sigaw ni Kate pero mahinhin parin at pinagtitinginan na kami ng mga tao na malapit sa amin.

  “Excuse me Ms, Pero sinabi mo bang pangit ako? Wow ah! Nahiya naman ako sayo! Hahaha.” Sagot ko at linapit ko nanaman ang mukha ko sa kanya pero ngayon sobrang lapit na, para nakaming maghahalikan at ngumiti ako with matching kindat at ngiti. “ At Crush mo pala ako ah…” Tuloy ko. Mukhang inis na inis na si Kate.

  nagulat ako ng bigla nyakong sinampal at itinulak halos tumigil at nagtinginan na ang mga tao na nakatingin sa amin. “Sorry, Pero Please Pweding Padaan? Mr. Mayabang at … Bastos! Di lahat ng babae makukuha mo. Oo gwapo ka pero para saan payon kung Binabastos mo kaming mga babae. Oo na Kilala na kita. Kaya Pwedi umalis ka sa dinaraan, nakaharang ka kasi. At For your information mr. mayabang at bastos, Di kita Crush! Yuccck” Sabi ni kate sabay alis nila at at ito pa ng dinaanan nya ako tinapakan nya ang paa at binunggo pa ang balikat ko. Wala akong nagawa kung hindi manahimik. Inis na inis ako sa babaeng yon eh alam ko naman na gusto nya ko.

    Naririnig ko ang mga sinasabi ng mga kasama nya ng palayo sila sa amin “Bat mo ginawa yon?” “Kate? Wow ah.” “Marami nyan magagalit sayo kate” at “Bilib ako sayo kate, biruin mo ginawa mo yon sa pinaka gwapo sa campus, si Papa Brian! “ Pero sa lahat ng mga sinabi ng mga kasama nya walang sinagot si Kate. May lumapit sa akin isang Babae – 2nd year Highschool siguro. Tinanung nya kung okay lang ako at inalok  nya sa akin ang panyo nyang dala pero di ko na pinansin. Niyaya ko na si Lorenz na bumalik na sa Room namin, nawalan nako ng ganang pumunta sa Canteen.

  Habang naglalakad kami sa Corridor papunta sa Room namin hayan nanaman ang mga babaeng nag “ha –Hi Kuya Brian!” at ang mga tumitiling mga babae at tulad ng date di ko na pinapansin. Walang nagsalita sa amin hanggang malapit na kami sa Room, nagsimula ng magsalita si Lorenz

  “Ang Sakit non Pre. Tanggap moyon?” sabi nya --Tumigil kami sa harap ng pinto. “Ang lakas ng Loob ng Babaeng yon ah. PArang --- Ui! Okay kalang.” Di nako nagsalita. “ Ui Napikon si Brian. Tsk Tsk. Binastos mo kasi Yan Tuloy.”

  “ Lorenz, Please Tumigil ka na. Wala akong pakyalam kung sinampal nya man ako o ano man ang mahalaga gaganti ako sa kanya di ko papalampasin ang mga ginwa nya. PI-NA-HI-YA nyako Tol.” Sagot ko.

  “ Wow. Nice one, Suggest Ko. Magpustahan tayo? Pagnapaibig mo ang babaeng yon. Panalo ka at P10,000 ang premyo mo at pag ako nanalo at di mo napaibig yon magbigay ka ng P10,000 sa akin” Sabi ni Lorenz Habang ngiting ngiti sya.

   “Magpustahan kang Magisa mo.” Sgot ko. Pumasok na ko sa Room at iniwan ko na si Lorenz sa harap ng pinto. Bat naman ako makikipustahan eh mapapaibig ko naman ang babaeng yon. – Pero may naisip ako, MAS matino sa iniisip ni Lorenz. Nagisip ako ng mabuti ng nasa upuan nako ng Classroom namin …. Kung kayang Pahiya ko rin sya? Ayoko. Kung kayang talunin ko nalang sya sa pagiging Top 01? Eh obsess na Obsess yon sa pagiging top 1. Siguro pag natalo koyon mababaliw yon. Malabo  eh at Parang Di ko Kaya. Pero kung bayaran ko nalang kaya ang School namin para gawin nila akong Top 1? Pwede, Pero Baka masira ang imahe ko at magagalit ang parents ko pagnalaman nila yon... Uhm … Ano kaya? Tulak ko sya sa Building? – Makukulong ako, Sayang naman ang kagwapuhan ko … “Paibigin mo ang babaeng yon” Pumasok bigla sa isipan ko ang sinabi ni Lorenz … Oo nga no! What if Kung Pahulugin ko nalang ang Damdamin nya sa akin yung tipong Mahal na mahal nyako tas sa Huli Sasabihin kong, “Diba? Mamahalin mo rin ako” at sasabihing “Alam mo bang linoloko lang kita?” Haha! Galing talaga ng Bestfriend ko! J

   Pero Makakaya ko kaya? Paano kung akong ang mahuhulog sa kanya? Mauulit ba ang Dati na MAsasaktan lang ako ng Labis? O Siya ang Magpapabago ng pananaw ko sa pagibig?

The Unexpected Love Story (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon