Mabilis pa sa alas cuatro ang paglayo ko kay Archer ng matapos kaming kumuha ng picture. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng mukha ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Kabado parin talaga ako kahit wala naman na akong feelings sa kaniya. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.
"Sorry." Bulong sa akin ni Archer.
Tipid akong napatango ng hindi siya tinatapunan ng tingin. Nakihalo nalang ako sa kwentuhan at unti-unti ay nakalilimutan ko naman ang kahihiyang nararamdaman kanina.
"May nag-d-doorbell ata." Sabi ni Kylie na nagpatahimik sa amin.
Napatingin sa akin ang mga kaibigan ko ng makumpirma nga namin na may nag-d-doorbell. Wala naman akong inaasahang bisita na pupunta ngayon. Kung sila Mommy naman ay paniguradong masasabi ang mga iyon.
"Check ko lang." Ani ko.
Agad akong tumayo upang tingnan kung sino ito. And as soon as I opened the door, Zion flashed a smiled and closed our gap to hugged me. I could hear his heavy sighs and I can't even dare to move. Ilang minuto pa akong gulat at hindi rin naman bumibitaw sa pagkakayap sa akin si Zion. Natauhan nga lang ako ng marinig ko ang pekeng pagtikhim ni Raquella.
"Oh? Akala ko na-holdap ka na riyan e," aniya at kumaway pa kay Zion. "Kumakain kami." Paliwanag niya habang tinuturo ang aming mga kaibigan sa balcony.
Che looked at me before she secretly rolled her eyes. Aware naman akong ayaw niya kay Zion dahil ganoon din naman si Aia. Hindi ko naman sila masisisi. Si Aia alam lahat ng tungkol sa akin, si Che lagi kong kasama rito. Parehas pa sila ng sinasabi sa akin... Na tumigil na pero sadyang makulit lang talaga ako.
"Sorry, hindi ko alam na nandito kayo." Giit ni Zion ng sulyapan ako. "Balik nalang ako." Dagdag pa niya.
"Hoy, 'wag na! Para naman kaming iba sa'yo, Zion. Come on, marami namang pagkain e." Anyaya ni Che sa kaniya.
Nauna na si Che na bumalik sa balcony at narinig kong nagpalagay siya ng isa pang upuan para kay Zion. Zion apologetically looked at me and I have no other reaction but to looked away. Hindi naman kami okay. Ang dami naming problema sa isa't-isa pero daig pa namin ang artista kung makaarte na ayos lang kami.
"Sorry ha." Bulong niya.
Muli akong naupo sa upuan ko habang binabati naman ni Zion ang mga kaibigan ko. Agad akong nag-iwas ng tingin ng sulyapan ako ni Archer. I suddenly felt guilty as if I'm doing horrible things behind Zion's back.
Maingay agad ang mga lalaki at nagsimula naring makipagkwentuhan kay Zion. I hope Zion would get along with them. Palagi niya kasing pinagseselosan ang mga kaibigan ko. Even if it's Davis, alam na ngang boyfriend ni Kylie, pinagseselosan parin.
"Ilang taon na ba kayo ni Api? Matagal na, 'di ba?" Usisa ni Davis habang pilit na ipinapasa kay Harvey ang tong para magluto.
Napatingin sa akin si Zion at agad din naman akong nag-iwas ng tingin. Makailang beses pa siyang inaasar ni Davis at Harvey ngunit hindi parin siya kumikibo.
"Payo lang, bro. Ingatan mo si Api ha. Sobrang bait niyan e." Ani Davis na akala mo e lasing kung makapagpayo.
If I wouldn't know Zion, I will think na he's okay. However, I knew him so well. Ramdam na ramdam ko ang pagkailang niya sa sinabi ni Davis. Na-offend siya. He's faking his smile now.
At natatakot ako na baka isipin niyang nagsusumbong ako kila Davis o 'di kaya ay baka isipin niyang namamakealam ito. Ayaw ko ng idagdag pa ang bagay na ito sa listahan ng hindi matapos-tapos na dahilan ng pag-a-away namin. I love Zion for who he is and what kind of person he is but sometimes I'm secretly hoping that he'll learn to accept criticism and to lossen up a bit. He's too uptight that sometimes I'm wondering if I still knew him. After all the things that had happened, I think he lost himself on the process.
![](https://img.wattpad.com/cover/234568685-288-k136244.jpg)
BINABASA MO ANG
Somewhere Between The Lines (Las Mujeres Fuertes Series #2)
Roman d'amourSame old heart asking for love. Same old love happens to come. And, what if she'll stays somewhere between the lines? Will she be able to find the one? BOOK 2 of Las Mujeres Fuertes Series _ Start: End: