I used to believed that the love full of trust and understanding will be as perfect as anyone can imagine. Akala ko kapag may tiwala at naiintindihan niyo ang isa't-isa, lahat nang problema ay pwedeng maayos. Akala ko noon kapag matagal na kayo, matatag na ang relasyon niyo. Akala ko kapag mahal niyo ang isa't-isa, okay naㅡ wala nang magiging aberya.
But it's not that easy. Love is all about risking it all without knowing the outcome. And maybe one day, time will come that the only ending we can see is the defeat. A game over. Done. No follow ups. Doon nalang. Tapos na. May panghihinayang, pero ang hirap ipilit lalo na kapag ubos na ubos ka na.
We didn't ran out of love... We just got tired of each other. Napagod lang tapos wala na.
Ako 'yung napagod.
Siya?
Sinaktan niya ako... Sa lahat nang posibleng paraan.
Sabi nila, ang dali kong sinukuan pero hindi nila alam na bago ako sumuko, ilang beses akong lumaban. I fought for our love. I made myself a fool just to save our relationship but no matter what I do, isa lang ang nakikita ko... Hindi na talaga.
Hindi na ulit.
At first, I thought it doesn't hurt but as I escaped to my real world, the battles just begin. Sarili ko na ang kalaban ko. I don't want to become that naive and numb again. I want to become stronger, to learn to say no, to be mad sometimes. They said, I am very nice and that's my only weakness. Dahil doon lagi akong nasasaktan. But who I am to say no if I can help naman? That was my mindset until people around tend to abused it.
It was tiring.
Sobra.
"Hi."
I looked up to see his face again. Simula nung nangyari iyon biglang nandito nalang siya palagi. Biglang napapansin na niya ako. Iba na 'yung turing niya sa akin. Mas malalim na ngayon kahit 'di ko naman lubusang inakala. Sabi ko noon, ayoko muna ulit. Pero tuwing nakikita ko siya parang bumalik lang lahat noong bata pa ako.
"Sabado pala ngayon..."
Ngumiti siya at binalingan ang librong binabasa ko. Napanguso ito at umupo sa tabi ko. Nakasuot ito ng jersey at may bandana pa sa ulo.
Same old.
Ganitong-ganito siya kagaya ng dati. Ang nagbago lang siguro ay ang katawan dahil mas lumaki ito at nag-matured din ang mukha. Mas naging gwapo. Crush na crush ko talaga siya dati.
Paano kaya kung nilakasan lang niya ang loob niya noon? Darating kaya kami sa puntong masasaktan niya rin ako?
Sana... hindi.
Sana iba siya sa kanila.
"Uuwi ka na o manunuod?" Tanong niya.
"Uuwi na."
Napatango ito. "Hatid muna kita."
"Hindi na," Tipid ko siyang nginitian. "Baka parating na 'yung mga kalaro mo. Saka gusto ko ring maglakad pauwi."
Ngumiti siya at nakita ko na naman ang malalim niyang dimples sa kanang pisngi. Siguro kung bata pa ako baka nahimatay na ako sa kilig. Pero ang dami na kasing nagbago. Crush na crush ko siya dati pero nagmahal narin ako ng iba. Nakalimutan ko na nga ata siya noon e. Kung hindi lang talaga kami nagkita muli baka tuluyan ko na talaga siyang nakalimutan.
"Galit ka ba sa'kin?"
"Bakit ako magagalit?"
Napasinghap siya at binasa muli ang pang-ibabang labi. Sinamantala ko iyon para ayusin ang mga gamit ko. I don't know what brings me here. Sa dami ng araw na naisipan kong maglibot sa village, ngayong Sabado ko pa talaga naisipang lumabas at dito pa talaga ako sa court nag-stay. Ewan ko ba sa'yo, Apia.
"Hatid na kita, Api. Kahit ngayon lang."
Napaangat ako ng tingin sa kanya. Nagpupumilit ang mga mata niya na sana ay pumayag na ako. Ilang beses na nga ba akong tumanggi? Hindi ko na matandaan.
"Uh kasi..."
"Ayaw mo ba dahil natatakot kang may makakita sa atin o ayaw mo lang talaga?"
"Hindi naman sa ganon..."
Mabagal siyang napatango. Nagsisimula na naman akong maawa. Ayoko talagang nakakasakit ako. Sino ba naman ako? I just wanted to forgive and to say yes, lalo na kapag kaya ko naman pero ayoko na kasing bumalik sa dating ako. Na puro oo nalang, hindi marunong tumanggi. Napapagod din naman ako.
"Hindi parin ba pwede?"
Napatingin ako sa kaniya. Ang hirap ng ulit-ulitin. Siguro nga dapat tapusin ko na rito para wala ng false hopes. Para okay na. Sayang naman 'yung pinagsamahan namin kung masisira lang dahil magulo ang isip ko. Ayoko nang mawalan nang isa pang importanteng tao sa buhay ko.
"Hindi parin..." I shook my head. "I'm sorry. Ganoon parin ang sagot ko. Hindi parin talaga."
Even though I get a chance to stay somewhere between the lines. To risk and to learn. To try and try... For him. Kahit ganoon baka hindi na.
Hindi na ata talaga.
_

BINABASA MO ANG
Somewhere Between The Lines (Las Mujeres Fuertes Series #2)
RomansaSame old heart asking for love. Same old love happens to come. And, what if she'll stays somewhere between the lines? Will she be able to find the one? BOOK 2 of Las Mujeres Fuertes Series _ Start: End: