Three

8 0 0
                                    

Sierra's POV

" OMG! cassidy babe ang ganda ganda mo. " nagulat ako sa babaeng bigla nalang sumulpot sa kwarto ko habang nagtitili na parang baliw.

" gosh ella babe stop shouting will you?! you're so loud mababasag ang eardrums ko sa sigaw mong babaita ka! " napangiti nalang ako dahil sa pagsaway ng kakambal ko sa bestfriend namin na parang baliw sa kakatili habang nakatingin sa akin.

" you're so kj cassandra babe, im just so happy to see cassidy babe this gorgeous, you know naman kapag normal days lang ay hindi natin nasisilayan ang gandang itinatago niya sa nagkakapalang salamin niya sa mata at sa mga pang manang niyang attire. " napanguso naman ako dahil sa sinabi ni ella.

" hmmm well, you have a point there but please lower down your voice dahil baka iba ang isipin ng mga taong nasa baba kapag narinig yang pag sigaw sigaw mo jan, baka mamaya bigla kang ipadampot at dalhin sa mental. " sa aming tatlong mag bestfriend na babae si cassandra talaga ang mature mag isip, isip bata kasi tong si ella at ako naman ay tahimik lang, kikibo lang ako kapag kinakausap o may itanatanong sila sa akin.

" oo na, na excite lang ehh panira ka talaga nang mood cassandra babe. " nakasimangot namang sabi ni ella sa kakambal ko.

" twinnie are you done? naghihintay na sina dad sa baba kakadating lang din ni kuya sy he wants to see you na daw. " nagliwanag naman ang mukha ko ng marinig ko ang pangalan ni kuya sy miss na miss ko na kasi talaga siya, kailan pa yung huling pagkikita namin.

" umuwi si kuya sy really? " mabilis akong tumayo sa kina uupuan ko at agad akong bumaba sa sala kung saan ko nakita si kuya sy na masayang nakikipag kwentuhan kay daddy.

" Kuya sy our bride is here already. " tawag ni cassandra kay kuya kaya napalingon naman ito sa gawi namin.

" hey princess, wow is that really you princess? you're so beautiful. " napangiti naman ako sa sinabi ni kuya habang nakatingin sa akin, mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

" i miss you kuya bakit ngayon ka lang kasi umuwi dito? " naiiyak na sambit ko habang mahigpit pa din akong nakayakap sa kanya.

" im sorry princess sobrang busy lang kasi sa company natin sa australia alam mo naman masyadong malaki ang problema natin ngayon kaya kailangan ko talagang tutukan ang pagpapatakbo ng kompanya natin dahil ang daming mawawalan ng trabaho kapag hinayaan lang nating mawala ang pinaghirapan nila mom and dad. " paliwanag niya sa akin kaya mas lalong napahigpit ang yakap ko sa kanya.

" kapag ba natapos na ang problema sa kompanya uuwi ka na dito? " natawa naman si kuya sy sa tanong ko sa kanya.

" aww naglalambing na naman ang baby princess namin, mag aasawa ka na princess bubuo ka na ng sarili mong family kaya hindi ko na kailangang magstay dito para samahan ka at isa pa kailangang may mag manage sa business natin sa ausie, kaya kahit ma solve na ang problema sa company ay hindi ko pa din pwedeng pabayaan nalang ang kompanya doon at magstay dito dahil baka maulit lang din ang problema tulad ngayon, dahil mahirap nang ipagkatiwala pa natin sa iba ang pag mamanage ng company natin doon sa australia princess at isa pa nanjan na naman ang husband mo para alagaan ka at mahalin. " napapikit ako at naikuyom ko nalang ang kamao ko dahil sa huling sinabi ni kuya.

kung alam mo lang kuya sy, kung alam mo lang na walang pagmamahalang namamagitan sa amin ng papakasalan ko at kung alam mo lang na impyernong buhay ang ipinangako sa akin ng mapapangasawa ko ay ewan ko lang kung masasabi mo pa ang lahat ng yan, sabagay ako naman ang pumili sa buhay nato ako ang nag desisyon at walang pumilit sa akin kaya kailangan kong harapin ang kakahinatnan ng desisyon kong ito.

" guys i think we should go now, the wedding will start soon baka ma traffic pa tayo at malate sa kasal. " nagising ako sa pag iisip ng marinig ko ang sinabi ni cassandra at humiwalay na din ako sa pagkakayakap ko kay kuya sy.

Hell Marriage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon