page 5

0 0 0
                                    

Sa loob ng limang minuto na kaniyang paghihintay muling bumalik ang kaniyang bunsong kapatid kasama si Estefan na kaniya namang hinihintay. Tila walang kaalam alam itong si Estefan habang sinasabi nito sa kaniyang kapatid ang mga salitang "hindi pagpasok at hindi pag-uusap sa hindi kilalang estranghero."

Nang sinilip ni Estefan mula sa bintana ay nagulat na lamang ito sa kaniyang nakita. Agad niyang inutusan ang kapatid nito na kumuha ng makapal na kumot upang ito'y ipan'saklob sa kaniyang Kuya na tila para bang hindi na gumagalaw.

Tila lubos na nag-aalala itong si Estefan sa nangyayari sa kaniyang Kuya dahil sadyang hindi na ito gumagalaw. Ngunit dahil sanay na ang katawan ni Henry sa mabibigat at mahihirap na mga gawain mula sa kaniyang pagpapalakas ng katawan, hindi manlang namalayan ni Estefan na gising na ang kaniyang Kuya dahil mula sa init na dala ng yakap nito. Nalaman na lamang ni Estefan na gising na ito nang tawagin ang kaniyang pangalan at agad siyang humiling na muling makapasok sa kanilang Hardin.

.
Kinabukasan ng kinaumagahang iyon tila'y tumila na ang pagbagsak ng niyebe at nagsilabasan na ang mga tao upang alisin ang mga yelo sa kanilang daan, kaya sa pagkakataong iyon kasabay nito naging abala na ang mga tao sa kanilang mga gawaing hanap buhay.

Sa sampung taon na pagpapanggap ni Henry sa kaniyang mga mamamayan bilang ordinaryong Tao, nais na nitog magpakilala ng lubos sa lahat ng kanilang mga nasasakupan. Kaya sa mga sandali ng pagiigng abala nang mga tao doo'y hindi inaasahan ang muling pagdungaw ng kanilang mahal na Hari.

Sa kadahilanan nang muling pagdungaw ng mahal na Hari ay nais lamang nito na ipaalam sa lahat ng kaniyang mga mamamayan na ipakilala ang kaniyang panganay na Anak na si Henry.

At sa sumunod na sinabi ng kanilang mahal na Hari ay lubos na kinatuwa naman ito ng mga tao ang isang paalala na sa darating na ika-dalawampu't isang kaarawan ng kaniyang panganay na anak ay imbetado ang lahat sa kanilang malawakang piging.

Samantala kahit maari nang manatili si Henry sa kanilang Kaharian at matamasa ang kaniyang lubusang Prinsipe hindi parin niya maaaring kaligtaan ang tungkulin na ipinaubaya sa kaniya ng isang Spiritu na kumausap sa kaniya mula sa kaniyang panaginip. Kaya sa mga sandaling iyon muli nanaman siyang umalis at nagpaalam sa kaniyang mga Kapatid at sa kaniyang Amang Hari na tila'y hindi na maaaring mapigilan pa sa kagustuhan nito na umalis kahit na may kapangyarihan na utusan ang mga kawal na pigilan siya.

Ngunit bago pa makaalis si Henry ng Kaharian, may pahabol na tanong ang kaniyang kapatid na si Estefan kung bakit kailangan paring niyang umalis ng Kaharian kung maganda naman ang takbo ng buhay niya kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay. Sumagot naman ito at ang sagot niya ay. "Kailangan kong palakasin ang aking sarili at paghandaan ko ang araw na kami ay magharap, mananagot at tatapusin ko ang taong pumaslang sa ating Ina"

Sa mga sandaling iyon ay tuluyan na siyang lumisan at nagtungo sa kaniyang paroroonan. Sa huli na lamang niyang sinabi habang ito'y papaalis nangako siya sa lahat na muli siyang babalik sa loob lamang ng limang araw.

The Mythical Spirit and the Secret Garden.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon