page 3

1 0 0
                                    

Lumipas ang ilang Linggo sa mga araw na nakalipas naging mabuti man ang kundisyon ni Henry, tuluyan naman na siyang naging malamig sa mga taong nakakasalamuha niya. Kahit papaano, sa likod ng pagkakaroon ng malaking pagbabago ng buhay niya, sinusubukan pa rin niyang maging masaya kung kaya naging aktibo na siya sa mga gawain na palakasan, ngunit sa kabila ng lahat ng ito tila nakakalimutan na niya ang kaniyang mga kapatid at ang mga alala noong magkakasama pa sila ng kaniyang Ina't Ama.

Sa paglipas pa ng mga araw, buwan hanggang sa paglipas pa ng Limang taon tila napakalaki na ng pagbabago ng postura at pangangatawan ni Henry. Dahil sa walang humpay niyang pagpapalakas ng kaniyang katawan at sa matindihan niyang pag-eensayo mula sa paborito niyang bagong mga libangan ang pagpe-Fencing, Pangangaso at ang Pagtotroso ng mga malahiganteng mga puno. Ganun pa man, hindi pa rin niya nakakalimutan ang pagiging anak ng isang dugong bughaw, kung saan napabalitaang ninanais parin nito na makuha ang basbas ng kanilang Ama upang siya ay ituring bilang ikinagagalang na Prinsipe.

Ngunit dahil sa malaking pagbabago sa pagkatao ni Henry, hindi alam ng karamihan maliban sa bunso nilang kapatid na si John Steve na malaki na rin ang pagbabago ni Estefan kung saan lihim rin siyang nagpapalakas ng kaniyang pangangatawan mula sa kanilang Hardin. Ganun pa man sa kabila ng pagiging abala hindi parin nakakaliktaan ng dalawang magkapatid na mapanatili parin ang kagandahan ng kanilang Hardin.

Isang araw mula sa ika-limang anibersaryo ng pagkasawi ng kanilang Ina, muli nanamang nagpakalayo-layo si Henry upang hindi maalala ang masakit na pagkawala ng buhay ng kaniyang Ina. Ngunit habang siya'y nagpapakalauo palayo sa kanlang kaharuan, naglalakad sa gitna ng malakas at patuloy na pagbugso ng niyebe, tila may isang liwanag na kaniyang naaninag at nakita mula sa madilim at malayong tanawin na tila sa palagay niya ay nanghihikayat ito na sundan niya ito dahil sa kilos nito na pag-indak at kislap na para bang hinihintay siya nitong sundan.

Sa mga sandaling iyon tila nagdadalawang isip pa siyang lumapit sa liwanag na iyon habang tinitiis ang tindi ng lamig, dagdag pa ang bigat ng mga kagamitan na kanyang dinadala. Ngunit dahil nga naman sa labis nitong kalungkutan, agad na lamang niyang naisip na ito na ang hudyat ng kaniyang kamatayan. Kaya sa mga sandaling iyon agad siyang nanghina at nawalan ng lakas kung kaya bumagal na rin ang kaniyang paglalakad hanggang sa siya ay bumagsak. Sa mga sandaling iyon, pilit pa rin niyang hinahanap ang ilaw na kaniyang nakita ngunit dahil hindi na niya maikita ang liwanag na iyon ay nawalan na lamang siya ng malay at unti-unti niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.

The Mythical Spirit and the Secret Garden.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon