Isang magandang umaga ang inaasahan ng batang si Althea sa araw na yun. Iyon ang schedule ng piano lesson nila ng bestfriend na si Audrey. Si Audrey ay isang anak mayaman at ganun din siya. Sa sobrang yaman ng kanilang pamilya ay pwede ng mg-istambay ang batang anak hanggang sa paglaki. Habang nasa klase ang mgkaibigan ay umalis si Althea para mag-C.R. Nasa mansyon siya ng oras na yun ngunit may napansin siyang isang babae sa labas at hinihikayat siya nitong lumabas mula sa gate. Lumabas ang batang si althea nang walang taong nakakaalam na lumabas ito ng bahay. Lumipas ang apat na oras at ng-aalala na rin ang piano tutor nina althea at audrey. Dumating ang magulang ni althea at umalis na rin si Audrey sa bahay. Sinabi ng tutor sa magulang na nawawala ang anak nito. Sa sobrang galit ng papa ni Althea ay pinatalsik ang guro sa kanyang trabaho. At simula non, nawala na ang batang si Althea sa pamilya Lorenzo.
Ang EID organization ay isang samahan ng mga assassin na iniensayong mabuti para pumatay. Sa bawat henerasyon ng samahang ito ay may laging kapalit na mga batang professional. Ang grupo ring ito ang may dahilan ng pagkawala ng mga bata sa bansa taun-taon. Gusto ng umiyak ni Althea dahil sa sobrang dilim ng kinalalagyan niya ngayon at nang biglang bumukas ang ilaw. Nasa loob siya ng isang container van na tumatakboat napansin niya rin ang ilang bata na kasama niya sa loob.Huminga ng malalim si Althea at nagwikang...
ALTHEA: Nasan tayo??
BATA: Wag kang maingay .. may mamang masama dun sa harap ng truck.. masama... masama... huhuhuhuhu
ALTHEA: Bakit naman?? ( napasigaw ang batang si Althea nang makita ang isang bata sa tabi niya) AAAaaAAAaaaHHhHhh!!!may patay!!
BATA: SsssSSSsSHHHHHhh! wag kang maingay..(buti na lamang natakpan niya ang bibig ni Althea para di makagawa ng ingay)
ALTHEA: Bakit may patay??.. asan ba tayo??
BATA: Di ko rin alam ee.. yang batang yan.. nagpumilit na tumakas dito tapos... tapos...tapos..pinatay nung masama...
ALTHEA: Im scared!(sabay iyak ng mahina) pwede ba kitang maging kaibigan???.. im Althea Lorenzo..huhuhuhu
BATA: kaya natin to Althea.. ako pala si Stephanie Manhana... Steph ang tawag sa kin ng papa ko...
Biglang tumigil ang sasakyan na lulan sina Althea at Stephanie. Pagbaba galing sa container van
ay pinasok nila ang masukal na gubat kasama rin ang mga batang nasa loob ng sasakyan. Madilim ang lugar, walang maaninanag kundi lamang ang mga sundalong nakabantay sa kanila. Pagkatapos maglakad ay pinaupo ang mga bata sa isang hagdanang upuan at nagsalita ang lider
ng organisasyon. "Masakit mang isiping niyong mga bata, hindi na kayo makakabalik sa buhay niyo dati dahil dito na kayo mamumuhay. Kayoý sasanayin para pumatay ng pumatay at ng pumatay." Nagsihiyawan ang mga bata sa narinig mula sa lider ng organisasyon na si Lady Joy Yakuza. Ang ibang bata ay tumakbo para tumakasngunit lahat sila ay namatay. Pinagbabaril ang mga ito ayon na rin sa utos ng pinuno.Takot na takot si Althea sa nakita at hindi pa ito natapos. Pinasok naman sila sa isang arena na napapaligiran ng glass wall. Nasa labas lamang ang mga bata para panuorin ang isang palabas sa loob ng arena.Pinapasok ang mga usa sa loob at muling nagsalita ang Lady, "Upang masanay kayo na makakita ng dugo, panuorin niyo ang bawat detalye ng palabas na ito. Ang sinumang pipikit at o yuyuko para umiwassanangyayari sa loob ay isasama ko ring ipapakain sa Leon!!!!". Nagsigawan ang mga bata at sa isang putok ng baril ay huminto ang mga ito. Pinapasok na sa arena ang mga leon para lapain ang mga usa, humihingi ng saklolo dahil sa panganib na kinakaharap nila. Tumilansik ang pulang pulang dugo nito sa kaharap nilang glass wall. Sa sobrang tindi ng emosyon ni Althea ay umiiyak na ito ngunit ang mga mata ay nakatuon pa rin sa panonood. Napansin niya ang paghikbi ni Steph at pinigilan niya ang galaw nito nang muntikan ng mapayuko. "Steph...kayanin mo... kapag pumikit ka.. magiging
isa ka sa mga lalapin ng mga hayop na yan..".
Nagpatuloy ang buhay ng mga bata sa gubat ng EID Organization. Gigisingin ang mga ito ng alas tres ng madaling araw at tatakbo hanggang ala siyete ng umaga. Wala pa silang pahinga ay magbubuhat sila ng tig-dalawang kilo ng buhangin sa magkabilang kamay. Pagkatapos ng limang oras na pagbubuhat ay saka pa lamang sila kakain ng pagkain, isang bese lamang ito isang araw. May nakilalang mga kaibigan si Althea. Ito ay sina Cecille Mendoza, Frances Alcordo at ang kaaway niyang si Savanna Del Fuego, kapwa anak rin ngmga mayayaman. Sa pagsasanay ay ramdam naramdam nila ang hirap lalo na sa mura nilang katawan.
Habang nag-eensayo ay nagwika ang lider na si LadyJoy "Let's make a battle ... six months na rin kayong nandito.. hmmm ang lahat ng nandito ay kaaway niyo kahit na ang naging kaibigan niyo.. handa niyo silang patayin para sa buhay na pinoproteksyunan nito. Aalis lang ako at dapat sa pagbalik ko, meron kayong pinatay na mga talunan na ipapakita sa akin... isa lang naman...Sa pag-alis ni Lady Joy ay naging seryoso ang lahat ng bata, ang kanilang intensyon ay patayin ang bawat isa at sa bilang na three, two,one...Nagsimula ang madugong labanan, namatay ang lahat ng talunan sa isang iglap. Dahil nahihirapan si Steph ay hindi panitonapapatay ang kalaban. May umextra na babae at itoý si savannna, nakapatay na ito ngunit may intensyon pang isunod si Steph. Sa nakita ay dali-daling tinapos ni Althea ang buhay ng kalaban niya upang matulungan ang kaibigan. bago pa masaktan ni Savanna si Steph ay tumulong na si Althea.
ALTHEA: Steph... bahala ka ng patayin yan...
SAVANNA: Aba ang yabang mo!!...teka..teka.. ikaw na lang ang papatayin ko..!
ALTHEA: Nakapatay ka na Savanna...
SAVANNA: Wala akong paki..!!! (sabay sipa kay Althea ngunit nailagan nito)
SAVANNA: Wala kang mararating kung puro iwas kalang!!!
Tumigil ang labanan nang dumating si Lady Joy. Ang bawat isa ay nakapagpakita ng bangkay pati na rin si Steph. Halos tatlumpu na lang sila sa gubat at ang simoy ng hangin ay may kahalong dugo na. Nagpatuloy ang ganitong sistema hanggang sila ay magdalaga.
Ang buhay ng mga tao sa siyudad ay ganon pa rin. Ang issue ng pagkawala ng mga bata ay hindi pa rin nalulutas. Ang Police Department ng bansa kasama nan rin si SPO4 Vincent Jimenez ay patuloy pa rin sa paglutas sa kasong ito.
(Sa loob ng Office)
VINCENT: Meron na tayong lead sa kaso. Ang EID Organization....Sa mga nakalap naming impormasyon ay nasa kanila pa rin ang mga batang nawawala sampung taon ngnakalilipas.
Pinakita isa-isa sa computer ang mga batang nawawala noon. Sinuri ito ng isa pang pulis, si SPO4 Leo Mashida, Isa-isa nitong clinick sa computer ang mga pictures.
LEO: Stephanie Manhana....Cecille Mendoza...Savanna Del Fuego....Althea Lorenzo..Frances Alcordo....
VINCENT: Wait...wait...Itigil mo kay Frances..hmmm..kung buhay pa siguro yan....ka-age natin yan..
LEO: weh?
VINCENT: hay continue....
LEO: yeah.....
BINABASA MO ANG
« ASSASSIN »
Aksi~ Kwento ng mga murderer na walang pakundangan kung pumatay para sa pera. Sa mundo nila, ang Diyos ay ang pera at ang buhay ay isa lamang na instrumento para sa pagkamit nito. FIGHT for your LIFE... FIGHT for your LOVE... FIGHT for the TRUTH... FIGH...