page 97

1.6K 24 0
                                        

Addilyn's POV

We're here in Prim's car and she's actually the one driving. Hindi ko talaga alam kung saan ba yung location namin ngayon. Kaming tatlo nina Max at Ely yung nandito sa likod then sila Prim at Cai sa harap. Sinundo lang din kami isa-isa sa mga bahay namin. All I know is we should dress casually or comfortably.

"Cai, saan ba tayo ngayon? Malayo ba?" Tanong ko kay Cailles dahil siya ang navigator namin today.

"Mga 30 minutes drive lang 'yon." Sagot naman niya habang cino-connect niya yung phone sa car through bluetooth. Tumango-tango na lang ako.

Medyo inaantok pa kasi ako, ewan ko ba. Siguro kasi nagpuyat ako kagabi kakanood ng k-drama. Kagabi na nga lang ulit ako nakapanood kasi sobrang busy na sa work. Minsan, diretso tulog na lang ako sa gabi kapag pagod na talaga.

Dahil kaya pa naman ng oras, napagdesisyunan kong umidlip muna kahit saglit lang. Gigisingin naman nila ako kapag nandoon na kami o kaya malapit na.

⭐️

Makalipas nga ang ilang minuto ay naramdaman ko nang may gumigising sa'kin. Naririnig ko rin ang malakas na kanta dahil siguro kay Cai.

"Addi, malapit na tayo." Sabi ni Ely sa akin.

Napansin ko na malapit na rin mag-sunset. Sana kita pa rin yung magandang view ng sunset doon sa pupuntahan namin.

"Addi, may paparinig ako sayo. Sabihin mo feedback mo after ha?" Biglang sabi sa akin ni Cai na hawak-hawak ang phone niya hanggang ngayon.

Kunot-noo akong tumingin sa kanya. "Huh? Mamaya na 'pag nandoon na tayo. Malapit na naman eh, diba?"

"Saglit lang naman 'to eh, oki?" Pamimilit pa niya.

Wala na akong nagawa nung na-play na niya ang kung ano mang ipaparinig niya sa akin. Kita ko naman 'tong ibang kasama ko na wagas kung ngumiti. Ano bang meron? Parang sira naman 'tong mga 'to eh.

Nagsimula ito sa instrumental na kanta hanggang sa may narining akong boses.

Ano na naman ang pakana nitong mga 'to?

"Hi, Addibaby. I know you're confused on what's happening but please keep on listening. Your friends lend me their help for this. Thank you!" His voice echoes inside the car.

Mukhang may plano pala 'tong mga 'to.

"I feel like I still need to celebrate your healing even though it's already late. I was not there during those days and so, I want to make it up this time."

Nakatulala lang ako pero rinig na rinig ko ang bawat salita na binibigkas niya. Ito pang mga kasama ko ay nagvivideo pa sa akin maliban lang kay Cai at Prim.

"I'll always be your proudest boyfriend. Oh god, my cheeks are about to tear when I said boyfriend." I heard him chuckled. "I told you, right? Prioritize yourself first because the universe can wait. I can wait. I did it. I also told you that I'm gonna be after you on the list of topnotchers for the CE board exam, right? I did it too, baby. I did everything so I can reach you and know that I am still into you."

I started to tear up when he said that he waited. I was continuously blinking to prevent my tears from falling down to my cheeks.

Valuable (Players Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon