Pierre Ciervas
• active now
pierre
ano, okay ka lang ba?
puro iyak na lang ginawa mo kagabi
hindi ka ba nagsasawa, ha?
addilyn
ayos lang ako
pierre
balik ako dyan? lapit lang naman eh
parang ewan kasi 'yang 'ayos lang ako' na
sagot mo
addilyn
'wag na nga
pierre
kaya kong pumunta dyan ngayon kahit
tirik ang araw na, kung 'yan ang inaalala
mo
addilyn
'wag na pierre
kilala mo ba 'yon?
pierre
si hail ba? oo
ex niya pero ang alam ko hindi na talaga
sila nag-uusap after nilang magbreak eh
ewan ko lang kung anong nangyari ba't
ganoon
pero sana wag ka muna mag-conclude ng
kung ano ano. hindi mo pa naman naririnig
ang side ni xero.
addilyn
you know me, p
among all my friends, ikaw ang may
pinaka-nakakakilala sa akin.
you think gusto kong ganito yung
iniisip ko ngayon? hindi ko mapigilan
yung sarili ko sa pag-iisip ng ganoon
pierre
sabi ko naman sayo, diba? pwede
mo namang sabihin sa akin 'yang
nararamdaman mo, para hindi ka
masyadong nahihirapan dyan
ikaw na ang nagsabi na ako ang nakakakilala
sayo nang maigi pero bakit hindi mo masabi
sa akin ang mga problema mo?
tutulungan kita, addi, sa abot ng makakaya
ko
maging ayos ka lang
addilyn
the pain was just doubled, p
tangina
kasi akala ko okay naman ang lahat
akala ko hindi magkakaroon ng problem
pagdating sa kanya tapos may ganito pala
hindi ko alam kung bakit hindi na lang
siya nagsabi ng totoo sa akin. sabi niya
magca-catch up lang sila ng old friend
niya. hindi ko alam na ex niya pala
yung sinasabi niyang friend.
sa akin ba may mali kaya hindi sya
makapagsabi ng totoo? dahil ba ayaw
niya akong masaktan?
bakit parang ang hina ko naman sa mata
ng iba?
pierre
hindi ko rin alam kung bakit
niya kailangan magsinungaling
it's okay to be vulnerable, a
hindi kahinaan ang pagiging mahina
minsan
walang mali sayo at hindi ka nagkulang
addilyn
pero paano kung totoo nga? na
nagkabalikan na sila? edi naiwan na
naman ako?
mag-isa na naman ako, p?
pierre
nandito ako, addi, hindi kita
iiwan
please? don't tell me more of that
addilyn
nakakapagod naman magmahal, p.
kahit sino sa tabi ko, pwede umalis,
pwede ako iwan.
mama's not letting me see my cousins dahil
sa issue na kumakalat sa family namin
i have problems with my family tapos
ngayon, kay xero pa. hindi ko na alam
kung paano 'to lalampasan.
pierre
tutulungan ka namin
hindi ka nag-iisa sa mga problema mo.
aayusin natin 'yan. hindi mo kailangan
labanan 'yan lahat mag-isa.
addilyn
pakapit, p
please i just don't know who i can
hold anymore
pierre
kapit ka lang sa akin, a
kahit gaano pa kahigpit 'yan
walang bibitaw dito.
addilyn
pero kung sumuko man ako, kaya
niyo naman diba?
kahit wala ako, makakaya niyo naman
right?
pierre
fuck that word
pupunta ako dyan ngayon na. don't think
of doing anything, please.
BINABASA MO ANG
Valuable (Players Series #1)
Short StoryAddilyn and Xero, both are known as the most valuable players in the university. They were being shipped by a lot of students as they look good together. In the end, would the most valuable players be able to see the value of each other? Epistolary.
