This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead , or actual events are purely coincidental.
"Sir, susunduin ko lang po yung isang pasahero ko ngayon. Tumanggap po kasi ako ng double booking, e." pagpapaalam ng driver sa akin.
"Sige lang po, Kuya. Rush hour na rin naman po kaya mahirap na rin po ang sasakyan." tugon ko.
Maya-maya pa'y tumigil kami sa tapat ng university na pinag-aaralan ko at doon ko natanaw ang isang babae. Mukhang siya ata ang makakasabay ko sa biyahe ngayon.
"Sir, pasuyo nalang po ng pinto mukhang maraming dala si ma'am e, para makasakay na po si ma'am." ani Kuyang driver na siya namang ginawa ko. Matapos kong gawin yon ay agad akong umusog sa kabilang side ng sasakyan nang pasakay na yung babae dahil sa dami na rin niyang dala.
Nginitian ako nito bago sumakay sa loob ng sasakyan. Sa tantsa ko ay kasing edad ko lang ito.
"Sorry ma'am, medyo nalate po traffic po kasi sa pinanggalingan ni sir." pagpapaumanhin ni kuya. Napakamot naman ako sa batok ko nang marinig ko 'yon.
"Sorry hehe." I faced her and gave her an apologetic smile.
Late na rin kasi natapos ang gig namin at nasakto pa talaga sa rush hour.
"Nako, ayos lang po iyon. Rush hour na rin naman po kasi, naiintindihan ko po. Buti nga po e tumanggap po kayo ng isa pang booking kahit may nauna na pong nag-book bago ako," ngumiti uli siya matapos niyang sabihin 'yon.
Pre, ang ganda niya talaga. Eto na ata yung sinasabi nilang mga naging crush sa mga public transpo tapos hindi na ulit nakita.
Tahimik lang ang buong biyahe napatagal lang talaga ng dahil sa traffic. Kailan kaya mawawalan ng traffic sa Pinas?
After nang mahabang pakikipagsapalaran sa traffic ay huminto kami sa loob ng isang village, mukhang dito na ata destinasyon ng babaeng kasabay ko sa byahe.
"Thank you, Kuya. Have a safe trip po." dinig kong sabi nung babae, hindi ko na siya nagawang tapunan nang tingin dahil nakatanggap ako ng message galing sa kasama ko sa banda. Narinig ko nalang ang pagsarado ng pinto ng kotse.
Habang nasa daan ay may napansin akong itim na binder sa sahig ng sasakyan. Nang buksan ko iyon ay puro sketch ng damit at picture ng mga model. Sa harap naman ay may nakadikit na papel na may nakasulat.
Selene Nicola Herrera, College of Fashion and Designs
Nahulog yata ito nung babae. Nilagay ko iyon sa bag ko at binuksan ang Facebook app ko para hanapin ang profile niya, buti na lang at agad kong nakita ang facebook account niya.
To: Selene Nicola Herrera
Hello, this is Lucas. Nahulog mo ata yung portfolio mo dito sa nabook mo na cab. We're schoolmates. I can give it to you tomorrow, just send me when and where tayo p'wede mag-meet para maibigay ko sayo.
_________________________________
Thank you for reading! Hope y'all like it, agapes! xoxo
-Nina

YOU ARE READING
One Night in September (BAND SERIES #1)
RomanceOn a busy city night, fate brings together two students from different professions in an unexpected way. Lucas, a dedicated political science student, shares a cab with Selene, a passionate fashion design student, after an unexpected encounter. As t...