"Hello, Liv, naiwan ko ba diyan yung portfolio ko?" bungad kong tanong sa kaibigan kong si Olivia nang sagutin niya ang tawag ko, napansin ko kasing nawawala ang portfolio ko ng mga sketch at copy ng mga picture sa shoots. Hindi ko p'wedeng maiwala iyon dahil doon nakasalalay ang grades ko for this sem, kung wala yon ay hindi ako makakapasa.
"Diba dala mo pauwi?" tugon niya sa kabilang linya.
"Oo nga pero nung pagdating ko dito sa bahay wala na." kinakabahan na talaga ako, paano kung may nakakita non at hindi na maibalik sa akin? Hindi ako p'wedeng magkaroon ng failing grades.
"Hindi kaya nahulog mo doon sa cab na naibook mo? Hindi mo na ba pwede macontact uli yung driver? Try mo baka nandoon." aniya. Tama siya baka nga nahulog ko doon dahil na rin sa dami ng dala ko kanina.
"Sige sige. Thank you!" tugon ko at ibinaba ang tawag. Maya-maya ay may nagpop na messenger notification.
You have a message request from Lucas Andrion Valencia.
Lucas? Sino kaya 'to? Sinearch ko ang facebook profile niya para malaman kung sino siya. Wala akong kilala na Lucas, kahit sa mga kaibigan ko ay wala silang naipakilala sa akin na Lucas.
Agad kong tinignan ang profile picture niya nang makita ko ang account niya. He look's familiar pero hindi ko lang alam kung saan ko ba siya nakita.
Ah...
Yung nakasabay ko sa nabook ko na cab kanina, siya iyon! Agad kong binuksan ang message niya.
From: Lucas Andrion Valencia
Hello, this is Lucas. Nahulog mo ata yung portfolio mo dito sa nabook mo na cab. We're schoolmates. I can give it to you tomorrow, just send me when and where tayo p'wede mag-meet para maibigay ko sa'yo.
Nakahinga ako nang maluwag nung mabasa ko iyon. Akala ko babagsak na ako ngayong sem dahil sa naiwala ko yung portfolio ko. Nagtipa ako sa aking cellphone ng irereply sa kaniya.
Selene: Hala, thank you! Saang building ka ba sa St. Therese? Ako nalang siguro ang pupunta sa'yo bukas para makuha yung portfolio ko or let's meet sa coffee shop sa labas ng school at lunchtime? Where do you prefer to meet?
Pagkasend ko ng reply ko ay nakaseen na ito agad sa kaniya. Wow, ang bilis ha.
Lucas: Let's meet nalang sa coffee shop. Masyadong malayo ang building ng law sa building ninyo. I'll message you if papunta na ako baka kasi maghintay ka hehe.
I replied okay, thanked him, and greeted him goodnight.
I took a shower and do my night skin care routine after para makatulog na since late na rin ako nakauwi at kailangan ko pang maagang makapasok bukas para maka-attend ng meeting namin sa club. Paano ba naman kasi yung President ng org namin ang hilig mag-set ng meeting ng napaka-aga kaya minsan sabaw pa kami at hindi nagreretain sa utak ng iba yung napaguusapan.
"Wakey wakey, sleepy sister!" ramdam ko ang paglubog sa kabilang side ng kama ko, kasunod non ay ang pag alog sa balikat ko ng napaka-ingay kong kapatid.
"5 minutes, Aia. Let ate sleep for few more minutes..." inaantok ko pang tugon pero hindi siya nagpatinag doon naramdam ko ang pagbaba niya ng kama, kasunod non ang pagbukas ng pinto ng cr sa kwarto ko.
"You told me to wake you up, diba? Come on ate, rise and shine!"rinig kong sabi niya mula sa cr. Kay aga-aga ang taas nanaman ng energy ng batang ito, ano ba pinapakain ni Mama sa kaniya para makahingi ako.

YOU ARE READING
One Night in September (BAND SERIES #1)
RomanceOn a busy city night, fate brings together two students from different professions in an unexpected way. Lucas, a dedicated political science student, shares a cab with Selene, a passionate fashion design student, after an unexpected encounter. As t...