Days have passed and as well as the submission of our poftfolios. Thanks to Lucas, i was able to submit it on time and my portfolio got a high grade. Mababaliw siguro ako kung hindi ko naipasa yon dahil doon nakasalalay ang pagpasa ko sa semester na ito.
Kasabay ng pagdaan ng mga araw ang pagdami ng mga pinapagawa sa amin, papasa ng designs dito, photoshoot doon. Idol ko na nga si Liv dahil nagagawa niya pang gumimik sa dami ng pinapagawa sa amin, kapag nga pinapaaalala ko sa kaniya ang mga deadline ay nagkikibit balikat lang siya. "Deadline lang yan, malayo sa bituka." ayan ang line na lagi niyang sinasabi sa akin sa tuwing pinapaalalahanan ko siya. Alam ko naman na hindi siya nagpapabaya, mas madami nga lang talaga ang oras na ginugugol niya sa labasan kaysa sa paggawa ng mga requirements.
Some of our blockmates are asking me kung paano ko nababalance ang time ko sa dami ng requirements, ang tanging naisasagot ko lang sa kanila ay dahil sa gusto ko ang ginagawa ko. Dahil kahit gaano pa kahirap yan hangga't gusto mo ang ginagawa mo, gagawa at gagawa ka ng paraan para mapagtagumpayan mo 'yon.
It was Saturday today, finally we can rest!
Hindi rin pala, dahil meron akong kapatid na hyper 24/7. Naiwan kaming dalawa dito sa bahay dahil may business meeting na in-attendan si Mama. But i'll take this to be a bonding time between me and Aia, lagi nalang kasi akong nasa school at minsan ko nalang siya makabonding. Buti nalang talaga at wala na akong kailangang gawin na requirements kaya free kami na gawin ang gusto niya.
"Hey boss, let's kill boredom." bungad ko sa kapatid ko na kakababa palang sa sala.
"You're the only bored here, Ate." tugon niya at dire-diretsong umupo sa couch at nag-iPad. Attituderang bata 'to.
"Ilan taon ka na nga uli?" umupo ako sa tabi niya at tinignan kung anong ginagawa niya sa iPad niya. I was surprised when I saw the YouTube video that she is watching.
"I was 8 years old and you are turning 18 years old, and you'll say again 'You are only 8 years old pero kung makapagsalita ka akala mo kasing tanda na kita.'" she is mimicking my line everytime na nagugulat ako sa mga sinasabi niya.
"By the way, Aia, bakit mo pinapanood ang video na ito?" it was a YouTube video of Micarah Tewers, halos lahat ng video niya ay about sa paggawa ng dresses and gowns.
"That's what your dream job do, Ate, diba?" she asked, tumango ako bilang tugon.
"By any chance do you have plans to be like Ate when you grow up?"tanong ko sa kaniya. She faced me and flashed a bright smile.
"Yes, Ate! Gusto ko gumawa ng clothes with you!" I was surprised when I hear her response.
I pat her head, she's still looking at me with a smile plastered on her face.
"Then you should study well para kapag ikaw na ang nag-aaral ng fashion design, I'll be your teacher at home." iniisip ko palang na susunod sa yapak ko ang kapatid ko ay kinikilig na ako. I did not expect her to choose Fashion Designer as her chosen career pero kung iyon talaga ang gusto niya ay susuportahan ko siya.
"Ate, I want some cookies. Let's bake some!" nilapag niya ang iPad niya sa coffee table at saka nagmamadaling tumakbo sa kusina.
"Dahan-dahan, Aia, lampa ka pa naman." tatawa-tawa akong sinundan siya sa kusina.
Pagpasok ko ng kusina ay nakasimagot siya at naka-cross arms pa. Kanino ba nagmana ng attitude tong batang to?
"I am not lampa kaya! You are the one who always tripped yourself kaya lagi kang may fractures." aba'y 8 years old lang ba talaga itong kausap ko? Namemersonal pa nga.
"Okay then bake yourself some cookies." tinalikuran ko siya at akma nang lalabas ng kusina. Maya-maya pa'y nakaramdam ako ng may humihila sa laylayan ng shirt ko.

YOU ARE READING
One Night in September (BAND SERIES #1)
RomanceOn a busy city night, fate brings together two students from different professions in an unexpected way. Lucas, a dedicated political science student, shares a cab with Selene, a passionate fashion design student, after an unexpected encounter. As t...