Two

643 38 4
                                    


“Ang sakit sa kahapon, susubukang hindi dadalhin ngayon.”

~°~

"Sinasaktan ka na naman ba ng gago na 'yon?" tanong ni Christian sa 'kin. I just nodded at him. Wala naman akong maiitago sa kanila. Alam nilang kaagad kung nagsisinungaling ako o tapat.


“Tanginang lalaki na 'yon!”


"Matagal ka nang nagtitiis sa ugali na 'yan, Bel. Pwede ka namang makipag-divorce, uso na 'yon ngayon," suhestiyon ni Thea.  Si Christian at Tristan ay sumang-ayon sa mungkahi ni Thea. Ang tagal na nilang sinasabi 'yan, nakakasawa na. Ang dali sabihin sa kanila, pero ang hirap gawin. Hindi sila nasa posisyon ko, hindi nila alam kung ano ang nararamdaman ko.

"Na-need... I love him matagal na. Ngayon pa ba ako susuko?” Tinignan ko silang tatlo isa-isa. “Kahit sinasaktan niya ako emotionally at physically, okay lang sa akin dahil ayokong mawala siya. Hindi ko kaya. Period."

Bakit ako ganito ka-fragile?

"Belyang, you know what? Hindi bagay sa'yo ang palaging ganyan! Haler... wake up! Hanggang kailan?" maarteng sabi ni Tristan. Baklang 'to talaga.

Umupo si Christian sa tabi ko. Pinunasan niya ang aking mga luha gamit ang kanyang daliri. Hindi ko namamalayan na may luha na naman palang kumawala. Hyyyss! Bakit ba kasi ganito? Mahal na mahal ko si Basty. Bakit?

"May plano ako... pagkatapos nito, palalayain ko na siya," napangiti ako ng mapait. “Ako na ang bahalang makipag-usap sa daddy at mommy niya. Ako na rin ang bahala kay dad. I will fix everything. For now, I want him to be with me. I will force him to agree with this. I made a deal, sana this time papayag siya."

Sumimsim ako ng kape. Ito naman ang gusto nila, eh. Ang makawala dito sa pinasok ko. Ilang taon na rin silang naaawa sa 'kin. I hate pity.

"After this, hindi na 'ko maghahabol sa kanya."

Ang tanong... kakayanin ko kaya?

"We are always here if you need help and friends," sabi ni Thea na may malungkot na mukha. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti.

"Tahan na." Biglang niyakap ni Christian ako. Sumali na rin sila Thea at Tristan. Ang sarap sa feeling na may mga kaibigan kang ganito—nagmamahal sa 'yo ng totoo. Kung ganito lang sana si Basty sa 'kin, wala sanang problema.

I'm not lucky to have my husband's treatment, but I'm lucky to have my three loyal best friends treating me well.

"Ayy, piste! My wig fell down. Kalerkey-kyahhh!" sigaw ni Tristan. Bigla kasing nalaglag ang wig niya. Mahilig kasi siya sa wig para mag-iba-iba kuno ang look niya, at siya rin ang taga-ayos sa 'min.

"HAHAHA!" Tawa namin sa buhok niyang kalbo.

"My god! Tristan, nagpakalbo ka? HAHAHA!" natatawang sabi ni Thea.

"Fafa Christian! Ugly Thea, bully me, Amp!" sumbong ni Tristan, may akto pang aping-api.

"Stop it! Huwag niyo nga akong idamay sa kabaliwan niyo!" sagot ni Christian sa kanila.

"Ehmm—fafa Chris... hmm... beke, pede me ne elesen, yekep me key Bel? Kenene kepe, e." Pabebeng sabi ni Tristan, ngumisi na parang baliw. Nag-aper pa sila ni Thea.

"Alam na this," komento ni Thea. Humiwalay ako sa yakap ni Christian. Ganoon rin siya. Nakakatawa, namumula ang tainga niya.

"You guys, shut up! Or else ihahagis ko sa inyo 'tong sapatos ko," sabi ni Christian sa kanila.

"Awittt~~ Awiiiiittttttt~ Kimbot kimbot~~" kanta nilang dalawa.

Tss! Uulanin yata kami nito.

Hinubad ni Christian ang sapatos niya. Napansin 'yon ni Thea, kaya naghanda siya, pero si Tristan, kumakanta pa rin. May pa-pikit-pikit pang nalalaman. Bumibilog ang ilong at bibig niya na parang pato.

Hinagis ni Christian ang isang sapatos niya kay Thea at sapol ito sa pwet. Ang isa naman, sapol sa mukha ni Tristan, hindi maipinta ang reaksyon ng mukha niya. Parang bulkan na anytime pwede nang sumabog.

"I need to go, pupunta pa 'ko kay dad," sabi ko. "Thank you, because all of you make me happy," pabulong na sabi ko.

Hindi man lang nila ako napansin dahil busy sila sa paghahabulan. Ang labi ni Tristan ay namumula; natamaan yata bandang 'yon, t'yak mamamaga 'yon.

Lumabas na 'ko sa restaurant ni Thea. Ang swerte ko talaga sa kanila. Kahit papaano, gumaan ang loob ko, hindi kagaya kanina, ang bigat ng pakiramdam ko. Bahala na sila ro'n magrambulan.

Kinuha ko ang kotse kong naka-park. Marunong naman akong magdrive kasi hindi ako pinapasakay ni Basty sa kotse niya, kaya kailangan kong matuto't kumilos mag-isa. Pagdating ko sa mansion, ganoon pa rin, walang pinagbago. Marami rin akong alaala dito. How much I miss this place?

"Dad!" sigaw ko nang nakita ko si daddy sa salas.

"Oh—princess! I miss you," niyakap ako ni daddy. I hugged him back. "Why are you crying again? I told you lately you look like an ugly duckling, HAHA." Biro ni dad.

"Dad naman, e," natatawang sabi ko. Pinunasan ko ang ilang butil na luhang tumulo kanina.

"Come in." Yaya ni dad. Tumango ako at pumasok na sa loob. Inutusan ni daddy ang isa sa mga kasambahay niya na ipaghanda ako ng makakain.

"How's your husband? He treats you good ba?" Sasagot na sana ako, "I know that he treats you good. He is perfect for you right? It's 4 years, wala pa ba?" tanong niya.

Kung alam mo lang, dad.

"Anong wala pa, dad?" nagtatanong na nagtataka ako.

"Nabo-buong baby, hindi ba kayo marunong bumuo?" naibuga ko ang juice na ininom ko. Lumabas sa ilong ko ang sakit. "Magbaby na kayo, 4 years na kayo." Umiwas ako ng tingin. “Ano ba ang mga pinaggagawa niyo, bakit wala pa?" namula ang pisngi ko dahil sa mga sinasabi ni dad.

"Basta dad, atat lang? Masaya naman kami ni Basty. He is caring, loving, sweet, gentleman." Kabaliktaran 'yan.

“We're happy, dad." He's not.

"Good!" tugon niya. I'm a good pretender.

Nagpatuloy kami sa kwentuhan ni dad sa kung ano-anong bagay. Lahat ng kinuwento ko ay kabaliktaran.

I'm sorry, dad, if I lied to you because I know you, dad. If you've found out that he's not good to me, you're going to take me away from him.

Dapit-hapon na, kaya nagpasya akong umuwi na. Baka ano nang ginagawa ni Basty sa bahay. Nagpaalam ako kay dad. Naiiyak na naman ako, pero pinigilan ko. Baka malaman niya kung ano ang problema ko o magtaka bakit napaiyak ko na hindi naman ako ganito dati.

Sumakay na 'ko sa kotse ko. Siguro kung ayos lang sana ang pagsasama namin ni Basty, siguro sabay kaming dalawa na dadalaw sa mga magulang namin. Pinaharurot ko ang kotse ko.

Pagkarating ko sa bahay, ipinarada ko muna ang sasakyan ko sa garahe, katabi ng sasakyan ni Basty. Nandito na pala siya? Himala't maaga. Nakita ko si Manang sa labas ng bahay. Hindi mapakali.

What's wrong?

"Manang? Anong ginagawa mo dito sa labas?" nagtatanong na nagtataka ako. "Bakit hindi ka 'po' pumasok?"

"Huwag ka muna pumasok sa loob, Iha," pigil ni Manang.

"Huh? Bakit po?” naguguluhang tanong ko. “Manang, pakidaan po.” Sabi ko. Humarang kasi si Manang sa daraanan ko.


Nakikipagdebate talaga siya. Nakahanap ako ng tiyempo kaya nakalusot ako.




I didn't expect what I've seen with my own two eyes. My tears suddenly fell again. My knees became weak. My hands were shaking. My heart was beating so fast, my chest ached.


Why, Basty?


7-Days To Love And Lost You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon