03

7 0 0
                                    

"haha ansaya talaga nung high school eh noh" banggit ni Deim habang tawang tawa pa. Nagaalmusal kami ngayon,at syempre may kasamang chikahan. Binabalik nila mga kalokohan namin dati.

Btw,pagkauwi namin kahapon galing SkyRanch ay nanood kaming movie. Tapos natulog na.

"Lakas talaga nung naguidance si Kah" singit ni Mhiel,nasamid naman ako sa sinabi nya

"Hoy naguidance bako?!imbento ka yata" pagiwas ko.

"Oo hahahahah baket ayaw mong balikan?" tanong nito

"Sapokin kita mhiel" sagot ko dito sabay inon ng kape

"naalala ko pa" pagsisimula nito sa kwento

(flashback)

Nasa room kami ngayon,free day namin kaya wala kaming ginagawa. Every week ay may ganito kami. Nasa meeting ang lahat ng teachers habang ang mga estudyante ay pwedeng magsaya ngunit bawal lumabas ng eskwelahan. Pede ring magcivilian kung kaya't wala kang makikitang naka uniform.

Ang aga aga at may dugo sa mukha tong si Ax. Hay nako,ganda ganda ng gising ko kanina e!!!

"Tsk,alam mo isang beses pang mangyare to ako na mismo ang sasapok sayo" naiinis kong banggit sakanya habang ginagamot ang sugat niya sa mukha.

"Sorry na boss,di na mauulit Levi" sagot nito

"Levi mo mukha mo,panigurado mauulit to" naiinis ko paring sambit. Levi ang sinasabi namin kapag nangangako. Which stands for the bible verse Leviticus 19:11

"Hindi naman to mangyayare kung hindi ka binastos ng lalakeng yon sa harapan ko" mas naiinis na banggit ni Ax. Hays, bakit ba andaming padalos dalos magsalita?mga naghahanap nalang yata ng gulo.

"Hoy Ampon!" Sigaw ng isang babae habang papasok ng room.

"Hoy lumingon ka!" Sigaw ulit nito

"Aba nagmamatigas ka na ha,Kyr!" Sigaw nito. Nagulat ako dahil ako pala ang tinutukoy niya

"Ako?" Tanong ko

"Oo sino pa ba,ikaw lang naman ang ampon dito hindi ba?" Nagmamataray nitong tanong

"Anong kailangan mo?" tanong ko sakanya

"Nakakabwiset ka na ha! Porqe ampon ka ganyan na ugali mo?! Bakit may sugat sa mukha ung boyfriend ko?!" Tanong nito pabalik. Nananahimik ako dahil ayoko ng gulo

"Ano?! Di ka sasagot? Grabe,ang tatalino nyo pa man din?! Higher section kayo tapos ano?! Pumapatol kayo sa amin porqe mga bobo kami?! Namumuro ka na sakin ampon! Pati yang kapatid mong pokpok at mga kaibigan mong basura!! Lalong lalo na yang boyfriend mong walang kwenta!! Lalo na yang si Deim! Ano ba yan? Bakla?!" Galit na galit nitong sagot.

"Pede bang lumabas ka na ng classroom na to Miss Evangelista?" Mahinahon kong tanong

"Baket?! Anong karapatan mo?! May atraso pa kayo sakin ng mga patapon mong kaibigan!" Sigaw nito

"Alam mo Miss Evangelista,ayokong magalit eh. Pero masyado mo akong pinupuno" naiinis kong sagot.

"Wow!! Sumasagot ka na!!"

"Unang una,anong karapatan mong ipagsigawan sa mundo na ampon ako?
Sumunod,anong sabi mo? Kapatid kong pokpok?" pagsisimula ko

"Mga kaibigan kong basura at boyfriend kong walang kwenta? Bakla?!" Sunod ko

"According to Republic Act No. 11313, Safe Spaces Act,also in Rep. Act No. 7877 . And Republic Act No. 10627, you don't have the right to catcall somebody. This is also part of bullying. So will u just please shut your mouth and search about these laws?" I asked

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unforgotten Promises of Yesterday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon