02

10 1 0
                                    

(Flashback)

"saan tayo pupunta?"naiirita kong tanong sa kasama ko. Hinahatak nya ako habang naglalakad. Hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Saglit lang,may bibilhin lang" maikli nitong sagot habang hinahatak parin ako. Pumasok kami sa isang convenience store,pinaupo nya ako. "Dito ka lang ah" sambit nito sa akin saka umalis. Umikot sya sa convenience store. Pagbalik nya ay may dala dala na syang isang paper bag.

"Tara" aya niya sa akin palabas. Sumunod ako sa kanyang paglalakad. Huminto kami sa isang park,ung parkong saksi sa paglaki naming dalawa.

"Umaano tayo dito?" Tanong ko

"Maupo ka" sagot niya saka ako tinulak sa duyan. Umupo sya sa isa pang duyan. Nakatingin ako sa malayo,tinatanaw ang paglubog ng araw. Maya maya ay may inabot siya sa akin

"Ohh" sambit nito nang nakangiti,habang ibinibigay ang isang Refresh(drink)

Kinuha ko yun at nagpasalamat sakaniya. "Para saan to?may kailangan ka noh?"tanong ko

"Boang,nakita kita kanina" maikli nitong sagot

"h-ha?"kinakabahan kong tanong.

"wag mo na i-deny,may tatlo pa nyan dito. Iuwi mo na" utos nito.

(End of flashback)
Ano nanaman ba itong naalala ko.

Maaga kaming nakauwi ni Mhiel,mga bandang ala singko ng hapon ay nakauwi na kami,pinauwi ko na din sya upang makapag ayos ng mga gamit nya.

Nandito ako ngayon sa isang convenience store. Umiinom ako ng Refresh(drink) habang pinagiisipan kung bibili ba ako ng tuna pasta sa kabilang store. Wala kaming dinner ni Kyrill,paborito namin itong tuna pasta lalo na ung luto ni mama. Namiss ko ding kumain nito kung kaya't nagbabalak akong mamili. Maya maya pa ay lumabas na ako dahil may mga magkakaibigang high school students na pumasok,anim yata sila?

Pumasok naman ako sa kabilang store, Pasta's ang pangalan. Madami daw ang kumakain dito kapag tanghali,buti nalang at magtetake out lamang ako at gabi na. Agad akong umorder ng dalawang tuna pasta at one dozen of chicken wings. Mapapa ror ka nalang talaga dzai

Habang hinihintay ko ang order ay naupo ako sa isang vacant table at doon ko inilapag ang dala kong payong at wallet hanggang sa may tunawag sa cellphone ko

"Hello?" Bungad ko

(Madam makakadaan pa po ba kayo??) Tanong nito. Tumingin ako sa oras.

8:32 pm

"Susubukan kong dumaan,magsimula na kayong magtabi kung wala nang costumer. Salamat sheena" sagot ko

(Sige ate,SALAMAT din ingat) sagot nito saka binaba ang tawag.

"Maam order nyo po" rinig kong sambit ng isang waiter. Agad ko namang kinuha ang paper bag na ang laman ay ang order ko saka ako umalis. Ako na yata ang huling costumer. Sumakay na ako ng sasakyan at umuwi,hindi na ako nakadaan dahil sibrang traffickaya tinext ko nalang kay Sheena na huwag na akong hintayin. Nakita kong kauuwi lamang din ni Ky.

"Uy where u nanggaling?" He asked with conyo accent pa

"Jan lang" sagot ko

"Where nga?" shems,masyadong inglesera tong kapatid ko

"I bought tuna pasta" I answered.

"cool" she replied. Nagpaalam syang aakyat muna upang maligo. Ganon ding ang ginawa ko. Nagpajama na ako dahil matutulog narin naman after.
After 127364729201 years,bumaba na ako. Ininit ko ung pasta and chicken wings sa microwave ng 3 minutes. Maya maya din ay bumaba na si Ky. Pinaguusapan namin ang sleepover bukas habang kumakain. Nang matapos na kami ay tumambay kami sa sala. Hanggang sa...

The Unforgotten Promises of Yesterday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon