01

12 1 0
                                    

(Flashback)

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko sa lalaking kaharap ko.

"A-ano kase, may inayos ako" sagot nito habang pilit pang hinahabol ang kanyang mga hininga

"hmmm, bakit mo pala ako pinapunta?" Tanong ko muli sa kaniya.

"May sasabihin ako sayo" sagot nya.

"Ano yun? Dali mo,pede naman kasi sa text o kundiman bukas nalang. May essay pa akong ipapasa eh" pagsusungit ko

"Aalis na ako bukas" seryosong banggit nito.

Tila di ako makapagsalita sa gulat. Hindi ko alam ang dapat kong maging reaksyon. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Nagpapaalam na ako sayo" dugtong pa nito

"Ha?paano? Diba kamamatay lang ni tito?saan kayo tutuloy? di ka na ba babalik? ayos ka na ba?" Sunod sunod kong tanong. Naghahangad ako ng sagot mula sa kanya dahil sobrang gulo ng isipan ko sa sinabi nya.

"Hindi pa ako nakakamove on sa pagkamatay ni papa pero kukunin na ako ni mama..." naiiyak nitong sagot

"di ka na babalik?paano na ako?sabihin mo kay tita sa amin ka nalang muna kung ayaw mo..." nagaalala kong sambit

"Hindi na,wala naman akong magagawa. Aalis nako bukas, sa ayaw at sa gusto ko kailangan kong sumama kay mama" sagot nito

"Paano naman ako?Hindi ba sabi mo hindi ka aalis sa tabi ko??"tanong ko sakaniya

"Pasensya ka na, matapang kang tao. Alam kong kakayanin mong wala ako." Sagot niya

"Ganon nalang yun?" Emosyonal kong tanong

"Oo, hindi ko maipapangakong makakabalik kaagad ako pero susubukan ko para sayo. Babalik ako pag pareho na tayong masaya." Sagot nya muli

"Hihintayin ko ang pagbabalik mo, maghihintay ako sayo. Wag mo sana akong kalimutan, abutin mo ung pagpipiloto mo huh? Tapos umuwi ka dito para sabay tayong mag artista. Nangako tayong aabutin natin lahat ng pangarap natin ng magkasama pero, aalis ka na pala. Magiingat ka palagi,hanggang sa muli" sambit ko habang dahan dahang tumutulo ang aking mga luha

"Ipapangako ko sayo yan doctora" sagot nito sakin saka niya ako niyakap. Hindi ko napigilang hindi maging emosyonal sa mga kaganapan dahil aalis na pala yung taong nangakong mananatili sa tabi ko.

Dahan dahan syang bumitaw sa yakap at lumakad papalayo. Naiwan akong magisa sa park,umupo ako sa isang duyan at dinuyan duyan ang aking sarili.
Sobrang tahimik ng kapaligiran at nagsimulang umambon. Nalulungkot din ang panahon.

"Miss?" Rinig kong sambit ng isang lalaki mula sa aking likuran. Nilingon ko sya,nakita kong pinayungan nya ako at nginitian.

"Ayos ka lang miss? Umuulan na, iuwi mo na tong payong ko." Sambit nito

"Paano ka?" Tanong ko?

"Wag mo akong isipin,may hood naman tong jacket ko, isipin mo kung paano ung sarili mo miss, sige na umuwi ka na at magdidilim na din" banggit nito sabay takbo papaalis. Tumayo na ako sa duyan at nagsimulang maglakad habang hawak hawak ko ng mahigpit ang payong.

Nasira ang pagaalala ko sa nakaraan nang biglang tumunog ang cellphone ko.

(Hello?) Sambit ng nasa kabilang linya ng tawag

"H-hello?" Nauutal kong banggit. Hindi ko napansin na naiyak na pala ako kanina sa pagaalala ng mga nangyari

(Uy asan ka?)Tanong niya

The Unforgotten Promises of Yesterday Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon