SECOND CHAPTER

420 49 4
                                    

( Year 2015)

Ella's POV

Nilayasan kami ng Nanay ko kasama ang Kinakasama niya. Hindi ko lubos maisip kung bakit ganun si Inay. Mas pinili pa niya ang hayup na yun kesa samen na mga anak niya. Ayoko magtanim ng galit pero di ko maiwasan. Pano na kami ngayon ni Yanna?

" Ate Ella, andito po si Ate Gabb." Sambit ng kapatid ko kaya agad akong bumaba

" Hi Akin!." Nakangiti niyang pagbati saken

" Akin!." Tumakbo ako at sumiksik ng yakap sa kanya

" Are you okay Akin?." Sambit ni Gabb at niyakap ako pabalik

" Iniwan na kami ni Inay Akin. sumama siya dun sa Demonyong yun." Iyak ako ng iyak habang yakap yakap si Gabb

" Nako, talagang nakaya niya kayong iwan para sa lalakeng yun?" Sambit ni Gabb

" Kaya nga Akin, hindi ko na alam kung pano na kami ni Yanna ngayon."

" Kaya niyo yan Akin. nandito naman ako eh."

Hindi ko na alam ang gagawin ko, buti nalang laging nandyan si Gabb para saken. Si Gabb yung laging nandyan para saluhin ako, para pasayahin ako, para iparamdam saken na hindi ako nag-iisa. Simula mga bata palang kami, hinding hindi na ako iniwan ng Akin ko.

(Kinagabihan)

Bumangon ako dahil may kumakatok sa pintuan namin. Patulog na kami ni Yanna eh. agad kong binuksan ang pinto

" Akin? a-anong ginagawa mo dito?."

" Hehe sasamahan ko kayo."

Sa sobrang saya ko ay niyakap ko si Gabb. Talagang maaasahan ko siya kahit anong mangyari.

Nasa sala kami natulog dahil andun si Yanna sa kwarto namin. Iisa lang kasi ang kwarto ng bahay, si Inay dito yun sa sala natutulog kasama yung demonyong yun.

" Sigurado ka Akin? di ka pa naman sanay na walang kutson." Pag-aalala ko

" Oo naman, andyan ka naman eh, ikaw gagawin kong kutson. Deh joke lang Akin." Nakatawa niyang sambit

" Baliw ka talaga. Sandali sindihan ko lang yung katol." Sambit ko at sinindihan yung katol

Humiga na kami ni Gabb, pansin kong naninibago talaga soya pero di nya yun pinaparamdam saken.

" Akin pwede mong higaan tung unan ko, di nalang ako mag-uunan." Sambit ko

" Ayy hindi okay lang akin. walang problema, payakap nalang." Nabigla ako ng higitin ni Gabb yung bewang ko at niyakap ako ng sobrang higpit, kaya di ko mapigilang mapangiti sa kilig.

(Kinabukasan)

Nagising ako sa silaw ng araw, pagtingin ko wala na si Gabb sa tabi ko, kaya bumangon ako. Pansin kong may nag-iingay sa kusina kaya nagtungo ako dun.

" Good morning Akin!." Pagbati ni Gabb saken

Ang cute niyang tingnan na naka apron tas naghahanda ng Almusal. Talagang ganyan ka sweet si Gabb.

" Good morning. Bakit ikaw gumagawa niyan Akin?." Pagtatanong ko

" Bakit? Bawal bang pagsilbihan ang Mahal na Reynang Ella?."

" Ikaw talaga Akin." Aaminin ko kinilig ako dun.

Pagkatapos namin kumain at magligpit ay inaya kami ni Gabb dun si Bahay nila.

" Ella Iha, Dumito na muna kayo ni Yanna. Tutal may isa namang bakanteng kwarto dito." Sambit ng Lola ni Gabb

" Oo nga Akin, tsaka paniguradong palalayasin kayo ni Aling Marites pag di na kayo makabayad ng Upa." Sambit ni Gabb

HEART ARREST  (puso o posas?) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon