Ella's POV
Nagising ako sa silaw ng araw na galing sa bintana.
" Good Morning Akin! Rise and Shine!."
Napangiti naman ako nang makita ko si Gabb na binubuksan ang curtains.
" Good Morning Akin." Sambit ko at nagkusot kusot ako ng mata
Lumapit sya saken at hinalikan ako sa noo.
" Nag leave ako Akin, para makasama kita. 3 days leave hihihi."
" Hala di naman kailangan ikaw talaga akin." Sambit ko
" Eh sobra kaya kitang na miss talaga, tas andami kong dapat ebawi sayo." Nakaback hug siya saken habang nakarest ang chin nya sa shoulder ko, kinikilig ako. Haaay Ella ang rupok mo.
Matapos kong maligo ay bumaba na ako.
" Akin, mag impake ka." Nakangising sambit ni Gabb
" Hala bakit Akin?." Pagtataka ko
" Mag out of town tayo." Sambit niya
Sa sobrang excitement ko ay mabilis akong nakapag impake. Ngayon nakasakay na kami ni Gabb ng Kotse nya, dadaan daw muna kami saglit sa Head Quarters nila. Kakapasok lang namin ngayon sa Head Quarters.
" Gabb! sino na naman tung chix mo?." Pagtatanong ng isang kasamahan niyang police
" Ayy Gray, si Ella pala, Ella si Gray kasamahan at kaibigan ko." Pagpapakilala ni Gabb, nginitian ko naman si Gray
" Ella? you mean yung bff mong na deds na?." Sambit ni Laine
" OMG! She's alive Gabb?." Napatingin naman ako sa magandang police na ito na sobrang kikay.
" Yes Eya, Buhay na buhay siya." Sambit ni Gabb
Winelcome naman ako ng mga kasamahan ni Gabb.
" Akin, tara dito tayo." Sambit ni Gabb habang hawak hawak ang kamay ko ay pumasok kami sa isang opisina.
" Hi Major!." Pagbati ni Gabb
Napatingin naman ako sa binati ni Gabb, Maganda siya na singkit, ang fluffy ng cheeks nya pero talagang napakaganda niya.
" Oh Gabb? sino yang kasama mo?." Pagtatanong nung singkit
" Rai, meet Ella, Ells siya si Rai ang aming Police Major Marsela Rai Guia."
" Hello po Major." Pagbati ko sabay ngiti
" Oh! So Buhay na buhay ka nga talaga. Gabo! Ang ganda nitong akin mo." Sambit ni Rai
" Aba'y Oo naman, Maganda talaga toh tas napakabait pa." Napangiti naman ako sa sinabi ni Gabb
" Hello Ella, Nice to meet you. Masaya ako kasi buhay ka, If you only knew kung gaano nawasak si Gabb nung malaman niyang patay ka na, halos sukuan na nya ang mundo." Nabigla ako sa sinabi ni Rai saken, totoo ba yun Akin?
" Kalimutan na natin yun, ang mahalaga buhay si Akin ko." Sambit ni Gabb sabay hawak sa kamay ko
" O enjoy kayo kung san kayo pupunta ha? Kaya pala nag immediate leave ng 3 days." Sambit ni Rai
" Salamat Major. Pano mauna na kami ni Ella ha? malayo pa yung Baguio hahaha." Sambit ni Gabb
" Aww sige sige mag-iingat kaya, Beke nemen Strawberries lang Gabb hahaha." sambit ni Rai.
Nagpaalam na kami kay Rai, nanlaki ang mata ko ng makita kong lumapit si Gabb kay Rai at hinalikan siya sa noo. Ganun na rin sila ka close?
Bumabiyahe na kami ngayon papunta sa Baguio.
BINABASA MO ANG
HEART ARREST (puso o posas?)
FanfictionAnong gagawin mo kung ang matalik mong kaibigan ay siya din palang iyong magiging matinik na kalaban? Isusugal mo ba ang inyong pagkakaibigan o kakalimutan ang hidwaan para maisalba ang pinagsamahan?