SEASON 1 FINALE (1)

322 34 12
                                    

Jace P.O.V

" Napakatraydor mong Hayup ka! Pati inaasam kong posisyon inangkin mo!."

" Lester wala akong inagaw sayo. Pinaghirapan ko ang posisyong ito, naging tapat ako at kelan man hindi ko binahiran ng masama ang dangal at pagkatao ko. di tulad mo, na ganip at makasarili!." Nagtututukan kami ng baril ngayon ng dati kong kasamahang pulis at dati kong matalik na kaibigan na si Lester.

" Napakarami ng Atraso mo saken Jace! Lalo na ang pagkamatay ni Nadya! Nangako ka Jace, nangako kang poprotektahan mo ang babaeng mahal ko, pero wala! pinabayaan mong mawala sila ni Kathy!." Sambit niya

" Wala akong kasalanan, Hindi ko sinadyang maiwan ko sila sa talon. Sinubukan ko silang iligtas pero huli na ang lahat. Galing din ako sa serbisyo ko sa bayan nun kaya nahuli ako. Hindi ko sinadyang mawala ang magkapatid na minahal natin Lester." Sambit ko

" TAMA NA ANG PAGPAPALIWANAG! KUNG ALAM KO LANG MASAYA KANG NAKIKITA AKONG NAGDUDURUSA, NAGHIHIRAP! WAG KANG MAPAGPANGGAP JACE!." sambit niya

" BUONG BUHAY KO, WALA AKONG IBANG INIISIP KUNDI IKAW, KAPAKANAN MO, ANDAMI KONG SINUKO AT PINAUBAYA, KASE NGA MAHAL KITA BILANG KAPATID KO. MINSAN KO LANG PINILI ANG SARILI KO PARA NAMAN MAGING MASAYA AKO, KAYA TINANGGAP KO ANG PWESTONG ITO. PERO BAKIT PARANG HINDI MO AKO KAYANG SUPORTAHAN, SUMANIB KA PA SA KALABAN." sambit ko si ko mapigilang maiyak, dahil talagang higit pa sa pagkakaibigan ang turingan namin ni Lester, para na kaming totoong magkakapatid.

Nakakatutok pa rin yung baril niya saken, habang dahan dahan ko namang binababa ang baril ko.

" Sige kung ikakasaya mo ang pagkamatay ko. ngayon din barilin mo ako Tol. nawa'y mapanatag ka na pag napatay mo na ako." Sambit ko

" Kuya!!!."

" OMAR WAAAGGG!!!."

(2 Gunshots)

" LESTEEEER!!." Bumagsak sa sahig si Lester, hindi ko inakalang babarilin siya ni Omar.

" Ku-Kuya Lester??.." Gulat na sambit ni Omar

" Tol, wag kang bibitaw dadalhin ka namin sa Ospital." Sambit ko, inalalayan namin ni Omar si Lester.

" Ja-Jace, O-Omar, Ha-hayaan niyo na ako." sambit niya

" Hindi Tol, mabubuhay ka, magkakasama pa tayo." Sambit ko

" Kuya, patawarin mo ako, hindi ko sinasadya, nakita kong babarilin si Kuya, kaya di na ako nagdalawang isip na barilin ka. Sorry Kuya." Sambit ni Omar

" Wa-wala kang kasalanan Omar, Niligtas mo lang ang Kuya Jace mo. Sa-salamat kase di niyo pa rin ako pinabayaan." Sambit ni Lester

" Utol ka namen, kaya kumapit ka at dadalhin ka nila sa ospital. Omar sumama ka kayo ni Jehan. hindi ko maaaring iwan ang iba dito." Sambit ko

" Tol, mag-iingat ka. Sa pinaka-ilalim ng Mansion, nandun ang The Orient. ibalik mo yun tol." Sambit ni Lester

" Mabubuhay ka ha? Hintayin mo ako. Sige na umalis na kayo."

Tinatanaw ko ang mabilis na paglipad ng Chopper. Pinunasan ko ang mga luha ko, bumulong ako ng maikling dasal sa panginoon, at heto naghahandang lumaban ulit.

Sheki's P.O.V

" Nasan ba sila Ms. Sheki?." Pagtatanong ni Coleen

" May malaking sindikato silang pinapabagsak ngayon, at ililigtas din daw nila yung matalik na kaibigan ni Gabb na si Ella." Sambit ko

Nandito kami ni Coleen ngayon sa Headquarters ng Sulong. Nagulat din ako nang makasalubong ko siya dito. Nag-aalala ako para kay Jace ko, Hindi ko pa siya sinasagot, pero inaamin kong nahuhulog na talaga ako sa kanya. Diyos ko, Wag niyo po sila pababayaan.

HEART ARREST  (puso o posas?) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon