Chapter 29

3 1 0
                                    

ELLISH

"Elly kumain ka muna" paalala ni mama habang nasa kwarto pa ako at nagrereview.

I need to get high grades para ako ang maging validictorian.

Kaya lumabas muna ako at pinagbuksan si mama ng pintuan.

"Hay naku, kumain ka muna at mamaya kana mag review" sabay palo ni mama sa pwet ko

"Aray! Ma naman eh" pagrereklamo ko

"Hay nako ang prinsesa namin. Tara at kumain muna tayo." Tsaka na ako hinila ni mama kaya wala na akong nagawa.

"Pinapataba mo kami no ma" pag-bibiro ko sa kaniya dahil sa mga pagkain na hinapag niya para meryendahan namin.

"Masarap to" sabay kuha ng lalagyan ni mama at pinag serve kami ni Kyb

"Ginataang bilo-bilo, turon, kalamay at fruit salad" masiglang paliwanag ni mama kaya napangiti ako at nag-umpisa ng kumain.

"Salamat sa pagkain" sagot ko kay mama at kumain.

After kumain umakyat na ulit ako sa aking silid at nag review.

I'm one of the candidate's for the position of validictorian that's why im being focused this past few days just to review for our upcoming exam.

Gray is still problematic but he doesn't want me worry about him but how can I not worry right.

I'm always calling him from time to time to check if his fine.

Kakatext lang niya sakin kanina na matutulog muna siya kaya itinuon ko nalang ang aking atensyon sa pagrereview.

Makalipas ang ilang oras ay dinner na kaya bumaba na ako at kumain.

"Ate Lorraine" sigaw ko at tumakbo papunta sa kaniya at yinakap siya.

"Ehem! As far as I know ako yung kapatid mo Elly" pagbibiro ni kuya pero iniikot kulang ang aking mga mata sa kaniya.

"Tell me when will you go shopping alright"wika ko kay ate Lorraine tsaka na kami dumiretso sa hapag-kainan.

"Ito pa Lorraine oh, kumain ka ng madami" sabay alok ni mama nung vegetable salad kay ate.

"Wah, talagang mas siya na ang tinuturing niyong anak. Wala man lang pumapansin sakin." Pagrereklamo ni kuya at ngumuso kaya napangiwi ako.

"Duh, dimo bagay mukha kang ewan" pang-aasar ko sa kaniya kaya binatukan niya ako ng mahina.

"Ito, mukhang ewan. GWAPO ba kamo" sabay pogi points niya

"I lost my appetite" pang-aasar ni Kyb kay kuya kaya nasamid si kuya sa iniinom niya at kami naman ay nagtawanan.

"Pinagtutulungan niyo talaga ako no" sabay pout niya ulit

"It's alright honey, mukha ka naman talagang ewan kaya wag kanang mag pout tsk." Pang-aasar din ni ate Lorraine kay kuya.

Pagkatapos ng masaya naming dinner ay umakyat na ako at tinawagan si Gray pero panay lang ito ring at walang sumasagot.

Tulog pa siguro to kaya nag last review na ako at minesage nalang siya.

"Ah, natapos din" tsaka na ako naghilamos at natulog.

The next day. I checked my phone first and didn't see any reply from Gray kaya tinawagan ko siya ulit pero wala paring sumasagot.

"Gray please answer your phone" nag-aalala kong wika habang palakad-lakad sa aking silid.

"Gray, what's happening to you" pero wala paring sumasagot kaya napagpasyahan ko na munang mag-ayos.

A Place In My Heart [Editing]Where stories live. Discover now