Chapter 15

1 1 0
                                    

ELLISH

I like you, Elly.

I like you, Elly.

I like you, Elly.

I like you, Elly.

Paulit ulit na nag flashback sa isip ko ang pangyayari kahapon, na kung saan umamin si Gray sa'kin noong hinatid niya ako.

"Girl anong nangyari sa'yo? Mukha kang zombie." Puna ni Friah sa mukha ko dahil hindi ako nakatulog mag damag, habang ang ibang kasama namin tinanguan ang sinabi niya.

"H-huh?" Lutang na tanong ko.

"Ayos ka lang? Mukha kang ewan. Nilagpasan mo na room niyo." Sambit ni Kara habang tinuturo ang classroom namin ni Nahla. Si Nahla naman nandoon lang sa gilid ng pintuan habang nakangisi sa'kin.

"A-ahh!" Halos napasigaw ako sa napagtanto sabay kamot sa batok. Bwisit, Ellish naman kasi ehhh, umayos ka self!

Kaya humalagpak sila sa kakatawa dahil sa katangahan ko.

"Sige lang." Tugon ko sa kanila kaya natawa sila lalo kaya lumapit na'ko kay Nahla.

"Bakit 'di mo ako hinila!" Sigaw ko ng mahina sa kaniya sabay kinurot ng mahina sa tagiliran.

"Aray! Loka ka kasi!" Sabay tawa nito, pero halata ko naman na parang may problema itong dala dala pero pinipilit niya lang itago.

Kaya ngumiti nalang din ako sa kaniya. Ang sakit makita na  yung kaibigan mo ay nahihirapan at nasasaktan dahil sa walang kwentang lalaki. Sana, sana talaga ay tuluyan na siyang maka move on.

Pagpasok namin sa room ay may isang pink rose at letter sa table ko.

"Woah!" Gulat na wika ni Nahla. "Kanino galing?" Pang iintriga niya.

Kaya umupo muna ako at kinuha yung rose saka inamoy at binuksan yung letter kaso itong si Nahla nakikibasa den kaya tinago ko muna ito.

"Ako muna magbabasa." Maistrikto kong sambit sabay taas ng kilay ko pero inaasar ko lang siya.

"Ang daya naman, dali na basahin mo na!" Pangungulit niya pero tumawa lang ako.

"Bukas ko nalang sasabihin sa'yo." Pagkasabi ko noon ay nag pout siya at nanahimik na.

"Bakit 'di nalang kayo mag sabay ng kambal mo? Sayang sa gas." Suhestyon ko.

"Ang tagal kasi niyang mag ayos daig pa ang babae." Wika nito kaya sinapok siya ni Ian nung narinig niya ang kapatid niya dahil nasa likod namin ito nakaupo.

"Napaka brutal mo talaga no!" Reklamo ni Nahla sa kambal.

Kanino kaya galing 'yung pink rose and letter? Wait- the color of the paper is grey, so it might be Gray.

Bigla ko namang naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Tug dug. Tug dug. Tug dug.

Just thinking that it was his made my heart beat like it's about to explode. Paano pa kaya pag nalaman kong sakaniya talaga galing? Mamatay na ata ako!

"Morning." Bati ni Gray, na kakarating lang din.

"M-morning." Nahihiyang bati ko sa kaniya.

I like you, Elly.

Ah! Erase erase! He keeps popping up in my mind. Baka hindi ako maka focus ngayon!

Flashback

“I like you.” Pag amin nito na mas kinagulat ko.

"Hah!? Wait pakiulit nga hindi kita narinig baka iba ang narinig ko at—"

A Place In My Heart [Editing]Where stories live. Discover now