CHAPTER 8 :)

24 5 0
                                    

"I don't need a perfect one. I just need someone who can make me feel that I am the only one."
~Anonymous
--------------------


KATE's POV

Sinabi ko sa sarili ko na kakalimutan ko na si Migs at ng matapos na yong sakit na nararamdaman ko. Pero hindi pala ito madali katulad ng inaakala ko. Dalawang araw na akong walang tulog sa gabi pag naiisip ko si Migs. Tapos pagdating ko pa sa school binubugbog pa ako nila Ghec at Jessy sa kakatalak nila sa akin pag nakikita nilang naka-shades ako pag napasok sa school dahil parang barkada ko daw yong baliw sa kanto dahil kahit gabi daw ay naka-shades ako. Ganun talaga masyadong mataas ang sikat ng araw sa gabi kaya kailangan ko ng proteksyon sa UV rays na dulot ng araw.

Sa lahat ng naging boyfriend ko ngayon si Migs lang ang iniyakan ko ng ganito. Bakit kasi ngayon pang mahal na mahal ko na siya ngayon pa niya ako iniwan. Sana noon pang nagtatangahan pa ako sa nararamdaman ko sa kanya sana dun na lang niya ako iniwan ay di sana hindi ako nasasakatan ng sobra. Hindi yong kung kailan mahal na mahal ko na siya saka niya trip akong trip iwan.

"KATE SAYAW TAYO!" Yaya sa akin ni Ghec sa dance floor. Halloween party namin ngayon dapat di ako aattend ang kaso lang kailangang pumunta kami dahil kailangang ang lahat ng 4th year ay kumpleto dahil tradition na ito sa school.

Wala na akong nagawa ng higitin nila ako sa gitna. Sila Ghec at Jessy ayon sayaw sila ng sayaw ako naman ito nakatayo - nakakatamad kasi. Naglakad na ako pabalik sa upuan ko ng saktong magpalit ng music, rock to sweet music. May humawak sa kamay ko kaya hinigit ko ito agad - madilim kaya di ko kaagad nakita kung sino yong humawak sa akin kaya naglakad na lang ulit ako pabalik sa table namin.

"Wait! Sayaw naman tayo, Kate." Bulong sa akin nung taong kasunod kong naglalakad. Humarap ako sa kanya at nakita ko si Jason na nakapang-prince charming na custome. Kaming tatlo nila Ghec at Jessy eh, nakapang-princess custome kahut na labag a kalooban ko anv pagsusuot nito kasi ang gusto ko ay pang wicked witch na custome yong parang custome dun sa movie na "OZ The great and powerful" para walang makalapit sa akin ang kaso hindi raw nila ako papayagang sumama sa kanila pag ganun ang custome ko kaya naman para tuloy akong trying hard na princess in disguise sa suot ko.

"Adik ka talaga, Jason. Tara na nga sayaw na tayo." Sabi ko kay Jason na nakaluhod pa sa harapan ko at hawak-hawak yong kamay ko. Kaya hinigit ko na siya kasi yong ibang nagsasayaw eh, nakatingin na sa aming dalawa specially sa akin.

"Totoo ba 'toh? Ang gloomy na si Kate naging blooming na ulit. Great improvement."

"Ewan ko sa iyo. Tara na sayaw na tayo." Hinigit ko na si Jason sa gitna dahil pinagtatawanan lang niya ako. Gurabee, wala namang nakakatawa sa ginawa ko ah. Masama na bang tumawa ang isang Kate ngayon at talagang BIG ISSUE ba talaga sa kanila ang pagtawa at pag-ngiti ko parang yon ang biggest achievement kong nagawa sa kanila. Haaiiisssttt.

Nilagay ko yong mga kamay ko sa balikat ni Jason tapos yong mga kamay ni Jason ay nasa waist ko. Sabi nila kung naiilang (nahihiya) raw ako kay Jason, ang laging sagot ko lang hindi. Bakit naman ako maiilang sa kanya eh, wala namang malisya ang pagkakaibigan naming dalawa. Kahit na may gusto sa akin si Jason parang pag magkasama kami feeling ko safe ako sa kanya kaya naman hindi ako naiilang kasama siya. Ewan ko ba sa ibang babae kung bakit nararamdaman nila yon - kami nga ni Ghec hindi eh, bakit kaya?

Nabago na ulit yong music akala ko aalis na kami ni Jason kaya tinanggal ko na yong kamay kong nakahawak sa kanya pero hindi ako binitawan ni Jason kaya tiningnan ko lang siya ng bakit-look at nginitian lang niya ako kaya nag-stay na muna ako sa tabi niya.

[NP: Pain In My Heart
BY: Zoo]

(Watch the music video at the side
-------------->)

To Love Again (KTYH) *Season 2*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon