CHAPTER 10 :)

20 4 0
                                    

"You're the meaning to my life your my inspiration."
~David Pomerans
--------------------


KATE's POV

It's been a week na simula nang magka-usap kami ni Migs sa rooftop nung halloween party namin sa school. Sobrang tanga pa ako nung araw na yon dahil wala daw akong ginawa nun kundi ang uminom ng uminom kaya kinabukasan sa ibang bahay ako nagising. Ang sabi sa akin ni Ghec dahil daw sa sobrang kalasingan ko kaya sa kanila na ako pinatulog nila Jessy dahil wala daw silang tiwala sa akin pag natulog ako sa amin ng mag-isa kasi wala sina Mama dahil may pinuntahan sila nung araw na yon kaya kina Ghec ako pinatulog ng barkada.

Ang buong bakasyon ko ay napaka-walang kwenta dahil wala naman akong ginagawa kundi ang tumanga sa harap ng bintana ng kwarto ko at magbilang ng dumaraang mga sasakyan sa harapan ng bahay namin. Maganda na siguro ito kaysa sa umiyak na lang ako maghapon. Masakit at mahapdi sa mata pag maghapon ding umiyak kaya pag may pagkakataon iniiwasan ko na rin manuod ng mga love story kaya puro action at horror ang mga pinanunuod ko. Baka kasi ma-carried a way ako sa mga scene sa love story at tanungin na naman ako nila Mama kung bakit ako umiiyak no way mas magandang horror na lang pero ang matindi lang di ako makatulog sa gabi dahil na-iimagine kong nasa harapan ko yong multo. Haaayyy.. buhay nga naman parang life.

Isa lang ang nagpapagaan ng loob ko sa twing depress ako at yon ay dahil sa malapit na kaming umalis sa school namin dahil ga-graduate na kami. Yeheyyyyy! At pag nangyari yon mas mapapadali na akong maka-move on.

*tok*tok*tok*

"Po?" Tanong ko kay Mama na unlimited kung makakatok sa kwarto ko, nag-eemo ako dito sa loob tapos bigla na lang e-eksena si Mama. Wrong timing talaga ang ina ko eh.

"Anak, andyan si Jerome sa labas hinahanap ka may sasabihin daw sa'yo." Sagot sa akin ni Mama. Tumayo na ako sa kama ko at nagpalit muna ako ng damit bago ako lumabas, baka mamaya amoy pawis na pala ako mabuti na yong nag-iingat. Pero bakit kaya andito yang taong yon? At tsaka bakit ako ang hinahanap? It's a miracle.

^_^ -- Jerome
=_= -- Ako

"Oh, bakit andito ka?" Ganda ba ng bati ko sa kanya? Mga bata wag pong gagayahin ang ginawa ko ahh! It's for adult only. Hahaha.

"May ibibigay lang ako sa iyo."

"At ano naman yon?" Tanong ko kay Jerome na nakaupo sa sofa kaya umupo na rin ako. Napakawalang modo ko naman kung makikipag-usap ako ng nakatayo diba?

Pagka-upo ko may inabot sa akin si Jerome na dalawang sobre isang puti at isang kulay pink. Ano 'to stationary? Love letter kay Ghec tapos ako ang mail office? Okay, din 'to si Jerome ahh. Pasalamat siya kaibigan niya ako kung hindi — hindi ko ito gagawin. Eh, ano nga ba talaga ito?

"Pakibigay nung puting sobre kay Ghec, may pasok naman na bukas diba? Tsaka kahit bukas mo na lang ibigay sa kanya yong sobre. At nga pala yong pink na sobre ay sa iyo, bukas mo na lang din buksan."

"Ngek, bakit hindi na lang ikaw ang magbigay sa kanya? Kailangan sa akin pa? Ano ako mail office niyong dalawa? Naku naman Jerome hindi naman sa ayaw ko pero para saan ba itong mga sulat na 'to?" Nagtatakang tanong ko kay Jerome. Kasi naman parang ang gloomy niyang tingnan ngayon. Nasan na yong makulit na Jerome na lagi naming kasama? Ano kayang nangyayari dito?

"Basta, malalaman mo din ang sagot bukas sa mga tanong mo. Sige, aalis na ako. Bye!" Paalam sa akin ni Jerome. Hinatid ko siya sa labas ng bahay namin. Nakakapagtaka talaga ang mga kinikilos niya ngayon at nakakapagtaka rin yong kotse niya ngayon dahil ibang kulay na naman o baka hiniram lang niya sa kung saan kaya iba yong gamit niyang car. Acheche, iba na talaga pag mayaman kung kailan gustong magpalit ng kotse GO na lang may pera eh.

To Love Again (KTYH) *Season 2*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon