Chapter 15

10K 230 2
                                    

Lezil's POV

Nagbukas ako ng aking mata at una kong nasilayan ang kisame. Babangon na sana ako nang maramdaman kong parang may masakit sa katawan ko at wala akong suot na kung ano man.

"Oh my! Did we just d-did it last night?!" Napahawak ako sa aking bibig nang mapagtanto ko ang bagay na 'yon.

I feel sore down there, but I can still manage to walk. That was my first time ever in my life. Nagmadali akong naligo pagkatapos ay bumaba na ako.

"Good morning, iha. Pinapasabi nga pala ni Denzo na kumain ka raw muna bago pumuntang opisina." Gusto ko mang tanungin si manang kung nasaan si Denzo pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Gusto ka man raw niyang ihatid pero nagmamadali raw siya."

"Okay lang po, kakain na lang po ako. Kaya ko naman pong magmaneho papuntang opisina." Inaya ko na rin si manang na mag-almusal kasama ako. Pagkatapos ay nagpaalam na ako sa kanya na magtatrabaho na ako.

"Good morning, ma'am," bati sa akin ng mga empleyado pagdating ko sa office.

"Good morning," bati ko rin sa kanila.

Nadiretso na ako sa opisina ko at nagsimula nang magtrabaho. Kailangang bumawi ngayon dahil nagpakasaya ako ng mabuti kahapon. Narinig kong may kumatok sa pinto.

"Pasok," pumasok ang secretary ko.

"Ma'am, ito na po 'yung papers at remind ko po kayo doon sa meeting niyo. Ilang araw na lang po 'yon."

"Okay, thank you."

Lumabas na siya ng opisina at ako naman ay nagpatuloy na sa pagtatrabaho. Ilang oras ang lumipas ay nag-ring ang cellphone ko. Hindi ko na tinignan pa kung sino 'yung tumawag. Siguro si Mathew or Zhyra, sila lang naman 'yung natawag sa akin.

"Hello?" Bungad ko kaagad sa sino man ang tumawag matapos kong sagutin.

"Did you eat your breakfast?"

Bigla akong kinabahan ng marinig kung kanino ang boses na 'yon. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Para bang nagwawala ito at gusto nang kumawala sa dibdib ko. Hindi ako nakapagsalita nang mapagtantong si Denzo pala ang tumawag sa akin. Hindi si Mathew or si Zhyra.

"Lezil? Are you okay?" I don't know why I'm acting like this. Kinakabahan ako ng hindi ko alam ang rason.

"Lezil? Answer me please? Are you okay?" Halata ang takot sa boses niya. Nakakuha narin ako ng pagkakataon na makapagsalita. Tumikhim muna ako bago ko siya sagutin.

"Yeah, I already ate my breakfast." Narinig ko siyang bumuntong hininga sa kabilang linya.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya. Why suddenly asked me like that?

"Yes, is there any problem?"

"Nothing, you didn't speak for how many minutes, Lezil. Of course, I'm worried that something happened to you. I'm still your husband."

I'm still your husband.

Ang mga katagang 'yon ang nagpangiti sa akin ngayong araw. I admit that I'm falling for him already or let's just say that I already love him. Is the feeling mutual?

"Nothing happened to me. I'm okay."

"You sure? It's already lunch. You want me to cook you spaghetti?" Hindi ko alam pero parang naiiyak ako. Does the happening last night has something to do with this?

"No, it's okay. Rice and vegetables na lang muna ngayon."

"Okay, just tell me what you want me to cook. I wouldn't think twice to cook it for you. Don't forget to eat your lunch and always take care of yourself, wifey." Hindi na ako nagsalita. Hinihintay ko na siya ang unang magbaba ng linya pero umabot ng isang minuto at hindi pa rin ito napuputol kaya ako na mismo ang nag-end ng tawag.

Forced Marriage (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon