Chapter 38

70 1 0
                                    

Errors ahead

Chapter 38
New block mate


"Why are you telling this?" Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niyang iyon. Anong buhay niya ang kapalit sa oras na magkamali ako ng desisyon?


"What are you talking about, Giro?!"


"Sa sistema natin Xieryl,  ang secretary ang unang hahatulan bago ang Presidente. Nakatakda ka bilang ang ikaapat na henerasyon na mamumuno sa buong Pueblo. You are the lucky one." Ngumiti ito sa akin ngunit hindi sinsero. Animong may tinatago ito.


"I've been in your side since you turned 15 years old. I will keep what I vowed in front of this town." Nginitian ako nitong muli at saka lumapit sa akin.


Agad dumampi ang malamig at malambot niyang palad sa aking tenga. At doon ay itinago niya ang ilang hiblang buhok ko. Suddenly I remember something.


The Black Rose. The man that night.


"Ako ang tagapagligtas mo,"


Sabado ngayon at naisipan nila Koen na pumunta ulit kila Mang Ben, sa street food house. Pati sila Tuazon ay kasama bali labing-dalawa kaming lahat. Sila Koen maliban kay Azariah na hindi namin alam kung nasaan. Ang buong block 3 tapos sina Matt at Steven.


Nasa mahabang upuan kami ngayon. Muli kong nakita si Mang Ben, noo'y napakasama ng tingin niya sa akin pero nagulat ako nang ngayon ay tila tuwang-tuwa siyang makita ako.


"Oh, ija. Mabuti't sumama ka sa kanila sakto ay ngayon namin nilabas ang bago naming putahe," galak na galak niya akong nilapitan at bahagyang ginulo ang aking buhok.


"Lito, maghanda ka ng isang bilao ng bago nating putahe." Utos nito sa kaniyang tauhan na agad rin namang tumalima sa inutos ng amo.


"Dexie, kumakain ka pala ng mga streetfoods?" manghang tanong sa akin ni Asher.


"Malamang tao parin naman ako. Tch!"


"Ginagalit mo na naman ang President, abo!" suway sa kaniya ni Carter.


"Ang ingay mo Carteng mamaya madinig ng iba 'yan." Suway rin niya sa isa.


"Shut your mouth, assholes." Si Tuazon lang ang nakapagpatahimik sa kanilang dalawa.


Nasa kaliwa ko si Brysen katabi niya si Zayn habang sa kabila ko ay si Koen katabi naman si Andrus. Kaharap ko si Tuazon nasa magkabilang gilid niya sina Carter at Asher. Katabi ni Asher si Matt habang si Carter ay katabi si Steven. Nasa gitnang dulo si Giro na nagsisilbing ulo ng hapag namin.


"Dapat ay doon ka Dexie." Patungkol ni Asher sa pwesto ni Giro.


"Alam mo manahimik ka nalang," suway ulit sa kaniya ni Carter.


"Hindi ko makaya ang paligid napakatahimik niyo, supalpalan ko kaya kayo ng mga medyas na bulok sa bunganga niyo," inis na sabi nito sa isa. Kita mo ito may pagitan na sila at ang ingay pa rin.

The Badass Girl in Boys Town | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon