Chapter 24

160 5 0
                                    

Errors ahead

Chapter 24
Room 05

"Sige sa susunod hindi na kita tutulungan."

Darn it! Akala mo naman may meaning na 'yung pagtulong niya sa'yo Dex.

Sa inis ko humiga ako at tumalikod sa kaniya. Kaya magkatalikod na kami ngayon.

Yes, there was a part of me na sobrang thankful ko kasi dumating siya. Sa mga oras na 'yun naging mahina ako. I don't know what to do basta umiyak nalang ang tangi kong nagawa. Sa sobrang kaba at takot ko hindi ko namalayang nahimatay pala ako. Tapos ang eksena bumalik na ulit siya sa pagiging bully.

Naninibago ako, ipaparamdaman niyang ang bait niya tapos ang sasabihin niya kailangan ko lang ng tulong kaya niya ginawa 'yun. Maski ako ay naguguluhan sa kung ano ba talaga iyung dapat kong paniwalaan. Pakiramdam ko labag sa kalooban niya na tinulungan ako pero bakit nung nasa sitwasyong nanganganib ako nakakitaan ko siya ng takot?

Damn! Or baka naman nalalagyan ko ng malisya? At bakit? Langhiyang utak 'to!

Pinikit ko nalang ang mga mata ko habang yakap ang paborito kong stuffed toy at natulog kahit na paggising ko sasakit ang likuran ko.

"Hoy Dorah! Gising ka na! Pagluto mo na kami gutom na kami!" Nagising ako sa sigaw ni Ash sa tenga ko pa mismo.

"Punyeta! 'Di ba sabi mo sa akin kung sino gutom siyang magluluto edi magluto ka! Dexie nga hindi Dorah, kingina ka ya!" Binatukan ko siya ng malakas. Kay aga-aga punyeta hampas ko sa kaniya itong stuffed toy ko e.

"Ikaw cook namin 'di ba?"

"Like I care." Sabay pakita ko sa kaniya ng gitnang daliri ko.

"Sumbong nga kita kay Jams."

"Pakihanap pake ko."

"E'di ikaw."

"ANO BA KAY AGA-AGA BUNGANGA KAYO NG BUNGANGA. HINDI NA KAYO BATA! TANDAAN NIYO PUPUNTA SI GUSTAVO RITO PARA I-CHECK KUNG MALINIS IYONG BUONG BLOCK KAYA MAGSIPAG-AYOS NA KAYO!" Biglang sigaw ni Carter sa gitna ng bangayan namin ni Ash.

"Kasi ikaw e," baling ko kay Ash.

"Bakit ako?"

"Ampanget mo."

"Parang ikaw maganda."

"Mierda! Anong balak niyo sa buhay?" Nagulat kami ng may lumipad na isang bagay sa pagitan namin ni Ash. Panigurado galing kay Carter.

Siopao?

Agad na dinakma ni Ash ang binalibag ni Carter sa amin.

"Saan mo nakuha ito? Meron ka naman pala e." Sabay nguya niya roon.

"Asshole napulot ko lang sa basurahan 'yan ipapatapon ko sana. Tsk." Umiling pa ito saka humarap sa bintana at nilinis iyun. Tinawanan ko naman si Ash dahil dali-dali siyang pumunta sa banyo at nagsuka.

Kaarte.

"Huwag ka lang tumawa diyan tumulong ka!" Sabay hagis sakin ni Carter ng basahan at sa mukha ko pa mismo tumama.

"Kinginang ito makabato wagas?"

"Kung 'yang sinalita mo ginawa mo, edi gumanda pa. Kapag tayo nalintikan kay Gustavo papatapon kita sa tunnel!"

"'Wag naman." Dali-dali akong naghanap ng pwedeng mapunasan. Punyeta kasi!

Naglinis kaming lahat dahil sa parusang natanggap namin kay Gustavo. Kahit hindi ako marunong maglinis ay pinaglinis pa rin nila ako. Dahil likas akong mapang-asar hindi nila napapansin na ako lang din nagdudumi sa mga nililinisan nila. Not until Tuazon caught me.

The Badass Girl in Boys Town | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon